Ang Kundiman ay awitin na nagsasaad ng maalab na agmamahal sa isang iniibig. Ito ay nagmula sa mga salitang kung hindi man na pinaiksi na ang ibig sabihin ay kung hindi lang sa...
Ang unang kundiman ay tungkol sa pag-ibig sa Inang Bansa na ginamit nila sa pagsasaad ng kanilang naysyonalismo na ipinagbabawal ng mga Kastila.
Kaya ang kundiman na Jocelynang Baliwag ay hindi pag-ibig sa isang babaing taga Baliwag kung hindi ito ay kundiman para sa rebolusyon. Ginamit lamang nila ang dalagang nagngangalang Josefa Tiongson Lara upang itago ang tunay na mensahe ng
kanta.
Ang panahon ng kundiman ay sa kapanahunan ng 1800 at 1930 kung saan ang kundiman ay nagkaroon nang pagbabagong anyo sa pamamagitan ng pagsama ng mga himig na ginagamit sa sayaw katulad ng waltz at fandanggo.
Nang dumating ang mga manunulang kinabibilangan ni Jose Corazon de Jesus na siyang sumulat sa Bayan Ko, Deogracias A. Rosario at Jose Balmori ang mga kantahin ay mga pagsasaad ng pag-ibig ng pagtanggap ng kabiguan.
Nang mga unang taon ng ikadalawampung dekada, ang kundiman ay muling nagkaroon ng pagbabago dahil sa ang mga manunulat ng kanta ay nagkaroon ng pormal na pag-aaral ng musika kagaya nina Francisco Santiago at Nicanor Abelardo.
Si Fransisco Santiago ang kumtha ng "Anak Dalita, (Child of Woe, 1917); Pakiusap (Plea) at ang Madaling Araw (Dawn).
Si Nicanor Abelardo ang sumulat ng “Mutya ng Pasig” (Muse of Pasig), “kundiman ng Luha” (kundiman of Tears at “Nasaan Ka Irog” (Where are You, My Love). Ginamit ng mga nagtatanghal ng sarswela ang mga kundiman.
Awitin o KantahingBayan, Kundiman,Kumintang,Uyayi,Epiko
No comments:
Post a Comment