PASYONG MAHAL
Ang paghingi ng tawad ni Dimas
sa ating Panginoong Hesukristo
Sa dalawang palamara
na kay Kristo’y napasama
sa Krus nang pagkadipa,
ay hindi nga nagkaisa
ang loob nilang dalawa.
Yaong isang magnanakaw
na si Hestas ang pangalan
ay siyang nanampalasan,
na yumakag na magtanan
sa Poong nahihirapan.
Yamang ang iyong pabantog
ay Mesias kang tibobos
anitong hunghang na loob,
Salvum fac temetipsum et nos
magkalag tayo sa Krus.
Nang marinig nga ni Dimas
magnanakaw na mapalad
yaong winika ni Hestas,
kabuhungang pangungusap
ay pinangusapang kagyat.
At pinangusapang tikis
117
nang mga wikang matuwid
dapat kamtan ng may bait,
na pagtutubuang pilit
ito ang ipinagsulit.
Aniya’y katoto’t irog
kita’y manalig sa Diyos
tingi ang kalunos-lunos,
na ipinako sa Krus
ay walang salang tibobos.
At mag-iisip siya rin
magpapasulit sa atin
ng sala at gawang linsil,
saka wala kang panimdim
bagkus mo pang iniiring.
Ikaw ay nakikigaya
ng paglabag at pagmura
panunungayaw tuwi na
ng mga punong lahat na
mga tanod sa kaniya.
Ang pagpatay siyang hangad
nang malulupit na uslak
kita ay huwag gumagad,
ngayon ay tayo’y tumawag
yamang ating naging palad.
Ano’t nang maipangaral
ni Dimas ang gayong bagay
ka Kristo ay nanawagan,
napaampon kapagkuwan
ito ang siyang tinuran.
Domine, memento mei
Cum veneris ay ang sabi
in regnum tuum ay yari
Poong kong makalawingi,
Diyos na lubhang malaki.
Ako pong makasalanan
ay huwag mong kalilimutan
alalahanin mong tunay
kung mauwi ka sa bayan
na mahal mong kaharian.
Ang sagot ni Hesukristo
yaong wikang: Amen dice
tibi hodie. naman ito
mecum eris ay ang dulo
aniya’y in Paradiso.
Ako ay paniwalaan
nitong pangako kong tunay
ngayon din hindi liliban,
tatamuhin mo’t kakamtan
Paraisong aking bayan.
A R A L
Laki nganing kapalaran
ni Dimas na magnanakaw
gayong lalong nagsukaban,
miminsang tumawag lamang
nakaiwas sa kasalanan.
Balang gawa’y dili dapat
asal ay lubhang halaghag
kasalana’y mabibigat,
ngayo’y sa sandaling oras
ay nagkamit ng patawad.
Doroon na’t nauumang
sa impiernong kainitan
na itutulak na lamang,
ay agad nakapanaban
sa awa ng kalangitan.
Siya ang unang sampaga
bungang hinog na maganda
sa tanim ni Kristong Ama,
sa Pasyon at hirap niya
niyong sasakop sa sala.
Kung gayo’y ang katampatan
si Dimas ang ating tularan
manangis at manambitan,
ng tayo’y masama naman
sa maluwalhating bayan.
Kahima’t ang kaluluwa
nagugumon nga sa sala
mahabang tao’t araw na,
huwag matakot, umasa
at kaawaan di niya.
Kidaw sa gawang di tuto
sa Krus manambitan tayo,
ng magkamit at magtamo
118
ng grasiang mananagano
sa bayan nang Paraiso.
Ito’y karikit-dikitan
lalong kamahal-mahalan
sa tumbagang ahas naman,
ni Moises na naglalang
sa san hebreos ng minsan.
Kung sino man ang makagat
nang ulupong man at ahas
sa tanso nga kung magmalas
ay mapaparam na agad
ang mabibisang kamandag.
Ano pa nga’t ang katawan
doon na nga galing lamang
at hindi nasasakupan,
ang sa kaluluwang buhay
nang sa taong kasalanan.
Nguni bukod at kaiba
ang mananakop sa sala
lunas na lubhang maganda,
siyang makagiginhawa
sa katawa’t kaluluwa.
Tindig taong nangatuka
nang ulupong na mabisa
salang ahas ang kamukha
tayo’y pagamot magkusa
kay Hesus Haring dakila.
Tingni at iyong pagmasdan
napapako paa’t kamay
at kaniyang hinihintay,
ang dumulog na sino man
yayakapin niyang tunay.
Kung siya nga’y dudulugin
nating nangagugupiling
ang buong sinta’y ihain,
agad niyang tatanggapin
tayo at kakatotohin.
Malulumbay ang loob niya
na di natin ipangamba
tikis na nagpakamura,
hirap ay inalintana
dahilan sa taong sala.
Lumalo pa kaya naman
kay Dimas na magnanakaw
masama at taong hunghang,
tumawag lamang ng minsan
pinagpala kapagkuwan.
Oh! kalapating mapalad
babaing lalo sa lahat
Mariang lipos nang hirap,
dibdib ay halos mawalat
dahil sa Berbong Mesias.
Niyon ngang maghiwalay na
ang sing-ibig na mag-ina
sa lansangang amargura,
lumbay at buntong hininga
sa loob ay di mag-iba.
At baga man sinusundan
si Hesus ng Birheng mahal
ay agad ding nahiwalay,
parating nalulunasan
sa habang nilalakaran.
No comments:
Post a Comment