Wednesday, May 14, 2008

LOPE K. SANTOS-AMA NG WIKANG PAMBANSA at ng BALARILA


LOPE K. SANTOS

(1879 - 1963)

Si LOPE K. SANTOS ay isang iskolar, manunula, manunulat, isang lider ng panggawa at lingkod ng bayan.

Siya ay kilala bilang Ama ng Wikang Pambansa at Balarila. Siya ay ipinanganak noong Setyembre 25, 1879 sa Pasig, Rizal kay Ladislao Santos at Victoria Canseco. Ang K sa kaniyang pangalan ay isinatagalog na C or Canseco.

Ang kaniyang ama ay inakusahan ng pagiging rebelde dahil sa itinago niyang kopya ng Noli Me Tangere ni JOSE RIZAl at mga kopya ng KALAYAAN, ang pahayagan ng Katipunan. Siya ay pinahirapan at binugbog nang walang awa.

Nag-aral siya sa Escuela Normal Superior de Maestros, Escuela de Derecho at nakatapos siya ng Pagka Dalubasa sa Sining sa Colegio Filipino.

Bago namatay ang kaniyang ina ay nagbilin ito na hanapin si Simeona Salazar at pakasalan.

Kasama ang kapatid, pumunta sila sa Maynila upang hanapin ang naturang dalaga. Sila ay ikinasal noong Pebrero 10, 1900 sa San Marcelino at nagkaanak sila ng lima.

Ang pagmamahal niya sa Tagalog ay nagsimula nang manalo siya sa dupluhan at nagiging manunulat hanggang maging patnugot ng isang Sulating Tagalog.

Bilang makata at manunlat, marami siyang naisulat na nobela at tula kagaya ng Ang Pangginggera at Banaag at Sikat. Siya ay tinawag na Paham ng Wika.

Ang kaniyang Balarila ng Wikang Pambansa ay ang ginagamit para sa balarila ng wikang Pilipino habang ang kanyang nobelang Banaag at Sikat ay ang unang nobela sa Tagalog tungkol sa sosyedad.

Siya ay unang patnugot ng Muling Pagsilang ang kapatid na publikasyon ng El Renacimiento.

Siya ay itinalaga ni Pangulong Manuel L. Quezon para Director ng Surian ng Wikang Pambansa.

Pumasok din siya sa pulitika at naging gobernador siya ng 1910 to 1913 ng Rizal at 1918 to 1920 ng Nueva Ecija.

Nang itinialaga siya bilang Senador, isinulong niya ang batas bilang pagkilala kay Bonifacio (Bonifacio Day) at iba pangbatas upang pagbutihin ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

Ipinagawa na niya ang kaniyang libingan at pinakiusap niya sa kaniyang asawa a lagyan ng ilaw para makapagsulat siya.

Namatay siya sa sakit sa atay.

Ang mga huling wika niya ay:


“Nararamdaman kong malapit na… ang huling oras ko… at ang aking ikinalulungkot ay papanaw ako nang hindi alam kung ano ang magiging wakas ng Wikang Tagalog… Kung ito ang talagang magiging wikang pambansa.”


Namatay siya noong Mayo 1, 1963.
.


source: biography in English

No comments:

Post a Comment