Saturday, June 21, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 3 in TAGALOG

This is a TAGALOG summary of Chapter 3 of NOLI ME TANGERE (HUWAG MO AkONG SALANGIN, a novel of JOSE RIZAL.

Kabanata III
Ang Hapunan

Oras na nang kainan at ang mga panauhin ay nagtipon sa hapag kainan. Samantalang siyang-siya si Pari Sybila, si Pari Damaso naman ay inis na pinagsisikaran ang bawa't madaanan.

Hindi siya pinapansin ng ibang panauhin na abala sa pagkain at pagpuri sa masarap na handa.
si Donya Victorina ay nayamot sa pagkakatapak ng kola ng kaniyang saya dahil sa pag-uusisa nito sa kaniyang kulot na buhok.

Sa kabisera umupo si Crisostomo Ibarra habang nagtatalo ang dalawang pari kung sino ang uuop sa kabilang dulo.


Gusto ni Pari Sybila na maupo si Pari Damaso sa kabisera dahil ito ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero tumatanggi si Pari Damaso dahil si Pari Sybila ang kura paroko.

Napapayag si Pari Sybila pero naudlot siya sa pag-upo upang ialok ang upuan sa tinyente.
Tumanggi ang tinyente dahil ayaw niyang makitabi sa dalawang pari.

Inanyayahan ni Ibarra si Kapitan Tiyago upang maupo pero tumanggi ang kapitan dahil abala siya sa pag-asikaso sa mga panauhin.

Galit is Pari Damaso sa isinilbi sa kaniyang tinola. Napansin niya na puro, leeg at pakpak ang sa kaniya samantalag kay Ibarra ay ang masasarap na bahagi ng manok.

Sa pakikipag-usap sa mga ibang panauhin, nalaman na si Crisostomo Ibarra ay wala sa Pilipinasnang matagal at walang nakapagsabi sa kaniya kung ano talaga ang nangyari sa kaniyang amang si Don Rafael.

Inusisa ni Donya Victorina kung bakit hindi nagpadala ng hatid-kawad ang binata kagaya nang ginawa ng kaniyang asawang si Don Tiburcio noong sila ay ikinasal.

Sa kuwento ng binata, nalaman ng mga kausap niya na marami siyang bansang napuntahan kung saan pinag-aralan niya ang kanilang wika at kasaysayan.

Pinaliwanag niya na ang mga bansa ay pareho pareho lang sa kabuhayan, pulitika at relihiyon.
Sumabad si Pari Damaso na kahit bata ay alam ang mga sinasabi niya.

Nagulat ang mga tao sa sinabi ng pari. Sumagot si Ibarra na ang mga sinasabi niya ay mga alaala niya noong pumupunta pa siya sa bahay nila upang kumain.

Nagpaalam si Ibarra upang umalis kahit na siya ay pinigilan ni Kapitan Tiyago dahil darating na si Maria Clara. Naiwang nagdadaldal si Pari Damaso tungkol sa pagbawal ng pamahalaan sa pagpapahintulot sa indiyo na mag-aral sa ibang bansa.



,,,,,,,,

3 comments:

  1. hi po,
    nice-
    ganda po nitong site,
    nakakatulong sa mga students!
    ssana hindi ka/kayo mapagod sa pag tulong-
    more power!and god bless!

    ReplyDelete
  2. thank you donna, isulat lag ninyo ang inyong kailangan. tinatapos ko ang pagtranslate ng Noli.

    ReplyDelete
  3. hello Cathy your Blog really helped us!!!Mind making me the summary of "Noli me tangere"Chapter 20 in filipino and english..

    ReplyDelete