Wednesday, July 23, 2008

Apolinario Mabini

Talambuhay ni Apolinario Mabini -Utak ng Rebolusyon-Sublime Paralytic

hero+apolinario+mabini

Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 23, 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas; ikalawa saw along anak ni Dionisia Maranan, isang tinder sa palengke at Inocencio Mabini, isang magsasaka.

Siya ay nagtrabhong katulong habang nag-aaral sa paaralan na pag-aari ni Simplicio Avelino. Nag-aral rin siya sa Paaralan ni Fr. Avelino Malabanan, isang kilalang gurong nabanggit sa nobela ni Dr. Jose Rizal.
Sa pagsisikap, nakapagtapos siya sa Colegio de San Juan de Letran noong 1887. Siya ay nagpatuloy mag-aral ng Batas na tinapos niya noong 1894 sa Pamantasan ng Sto. Tomas.

Sa pag-aaral sa unibersidad, nakilala niya ang mga taong nagnanasa ng pagbabago sa pamamalakad sa Pilipinas ng mga Kastila. Isa dito ay si Marcelo del Pilar na siyang nagsusulat sa La Solidaridad. Ang kaniyang naging katungkulan ay ang ipadala kay del Pilar ang kaniyang mga obserbasyon sa Pilipinas at kung ano ang dapat gawing reporma.
Hindi siya sumali sa rebolusyon na sinimulan ni Andres Bonifacio sa paniniwalang hindi pa sila handa.

Ang kaniyang pagkakasakit ay pagiging paralisado mula sa baywang ang nagligtas sa kaniya sa parusang kamatayan sa mga taong nahuli ng mga Kastila.

Ang kamatayan ni Jose Rizal ang nagtulak sa kaniya upang sumali na sa rebolusyon na pinangungunahan ni Emilio guinalso.
Ginawa siyng pangulo ng Gabinete at siy ng sumulat ng mga batas para sa Gobyernong Rebolusynaryo.

Naghinala siya sa mga Amerikno noong tumulong ito sa himagsikan. Noong 1899, sumambulat nman ang Giyera laban sa mg Amerikano.Siya ay nagtago sa Cuyapo, Nueva Ecija nang inaaresto ang mga lider ng rebolusyon.
Nang siya ay mahuli, siya ay kinulong sa Fort Santiago mula Disyembre 11, 1899 hanggang Setyembre 23, 1900.
Paglabas niya ay patuloy pa rin ang hindi niya pagkilala sa mga Amerikano kaya pinadala siya sa Guam. Dahil sa takot mamatay sa ibang lupain, siya ay napilitang sumumpa ng pagkilala sa kapangyarihan ng Amerika.
Nang Mayo 1903, nagkaroon ng cholera sa Maynila at isa si Mabini sa nagkasakit at namatay.

No comments:

Post a Comment