ALAMAT NG KASOY
Ang Kasoy ay hugis batingaw o kampana, dilaw at matamis kapag ito ay hinog. Kaiba sa ibang prutas, ang buto ng kasoy ay nasa labas.
Kung bakit nasa labas ang buto ang paksa ng alamat ng kasoy.
Noong matagal nang panahon ay may ginanap na pagdiriwang sa gubat. Lahat ng mga hayop ay dumalo. Masaya sila at maingay.
Ang ingay at kasiyahan ang nakarating sa buto ng kasoy na nasa loob ng prutas.
“Ano kaya ang ingay sa labas?” tanong ng buto sa loob ng kasoy.
“Kung kaya ko lang ilabas ang sarili ko sa madilim na lugar na ito sana ay ginawa ko na.” Hinagpis ng buto.
Patuloy ang kasiyahan at ingay. Patuloy din ang dasal ng buto ng kasoy n asana ay makalabas siya para malaman kung ano ang sanhi ng ingay na yaon.
Nagkataong may diwata na nakarinig sa kanyang panalangin habang ito ay nakikisaya sa mga hayup sa gubat.
“Sino kaya ang nagdadasal na naririnig ko?” naisip ng diwata.
Nakiusap ulit ang buto ng kasoy kaya pinagbigyan ng diwata ang kahilingan nito.
Nakalabas ang buto at humanga siya sa ganda ng mundo.
“Ang mundo pala ay napaganda!” sigaw ng buto.
Kaya pinakiusap niya sa diwata na panatiliin na lang siya sa labas.
“Ang kahilingan mo ay matutupad” pangako ng diwata.
Natapos ang kasayahan at nangawala ang mga hayup, ibon at insekto.
Bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang nakakabinging kulog ay may kasamang matatalim na kidlat.
Ang buto ay natatakot sa nakikita at naririnig niya. Nangangatal siya sa lamig at basang-basa sa ulan, tinawag niya ang diwata.
“Mahabaging diwata!” pakiusap ng buto. “Dinggin mo ako! Ibalik mo ako sa aking pinaggalingan. Ayoko nang manatili pa dito sa labas magpakailanman. Nakakasindak dito sa labas.” Iyak nito.
Ang kaawa awa niyang tinig ay hindi dininig ng diwata. Ang diwata ay nawala na.
Nang ang bagyo, dumating ang diwata at sinabi sa buto ng kasoy na mananatili siya sa labas bilang parusa sa kaniyang ginawang
Pagsuway sa batas ng Kalikasan.
Pagkatapos sabihin ito, umalis na ang diwata. Mula noon ang buto ay nanatili na sa labas ng kasoy.
No comments:
Post a Comment