PAKIKIDIGMA is a TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS ALSO KNOWN AS HUSENG BATUTE. The poem is about the battle of life
Pakikidigma
Ang buhay ay isang pakikidigmang
walang katapusan.
Huwag kang uurong, lalalim ang sugat,
Ngunit naubos na ang dugong tatagas;
Ang sugat man naman kung buka’t bukadkad,
Tila humihingang bibig ng bulaklak.
Walang bagay ditong hindi natitiis
Pag lagi nang apdo ang iyong sinisid;
Ang lalong mabuti ang mukhang may gatla
Kumakaraniwan sa may ditang bibig.
Kung ikaw’y natalo o kaya nadapa,
Magbangon kang muli saka makidigma;
At lalong mabuti ang mukhang may gatla
Ng lahat ng iyong tinitiis na taga.
Huwag mong nasain ang maging bulak ka,
Iyan ay maputing dudumi pagdaka;
Habang ikaw’y bato sa isang kalsada,
Ang pison at gulong, kaibigan mo na.
Ikaw’y makidigma sa laot ng buhay
At walang bayaning nasindak sa laban;
Kung saan ka lalong mayrong kahinaan,
Doon mo dukutin ang iyong tagumpay.
No comments:
Post a Comment