Monday, December 15, 2008

Emilio Jacinto

Talambuhay ni Emilio Jacinto -Utak ng Katipunan

emilio_jacinto

Si Emilio Jacinto ay ipinanganak sa Trozo, Manila noong Disyembre 15, 1875. Ang kaniyang mga magulang ay sin Mariano Jacinto at Josefa Dizon.
Siya ang kinikilalang Utak ng Katipunan. Sinulat niya ng Kartilya ng Katipunan at ang mga tulang “Sa Mga Kababayan”,ang “Pahayag”at ang “A La Patria”.
Siya ang editor ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan.
.
Noong Agosto 30, 1896, ang Katipunan ay sinugod ang garrison ng mga Kastila sa San Juan del Monte.

Nautusan si Jacinto na iligtas s Jose Rizal mula sa kinasasakyan nitong bapor papunta sa Cuba. Hindi pumayag si Rizal.

Noong Febrero, 1898, siya ay nasugtn sa pakikipaglaban sa mga sundalong Kastila sa Maimpis, Laguna. Siya ay ginamot ng isang doctor na Kastila.

Tumakas siya papuntang Majayjay upang pamunuan ang mga Katipunero sa lugar na iyon.
Namatay si Jacinto sa edad na dalawampu’t apat sa sakit na malaria. sa Majayjay, Laguna noong Abril 1899.

No comments:

Post a Comment