Part 14 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad ng pagpapakasal ni Don Pedro kay Prinsesa Leonora at ni Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca
Buod
Nagpaliwanag si Prinsesa Leonora tungkol sa pagligtas sa kaniya ng prinsipe at ang pagtangkang pagpatay ng mga kapatid kay Don Juan nang iniwan ito sa balon.
Ang Haring Fernando ay nagpasiya na ipakasal si Prinsesa Leonora kay Don Juan.
Si Prinsesa Maria Blanca naman ang nagsalaysay kung paano niya iniligtas ang buhay ni Don Juan sa kamatayan mula sa makapangyarihan niyang ama.
Naguluhan ang hari kaya ito ay sumangguni sa Arsobispo na sinabi naman na dapat ay pakasalan ni Don Juan si Prinsesa Leonora dahil ito ang unang nagging katipan.
Nagalit si Prinsesa Maria Blanca kaya itinapon niya ang tubig na nasa malaking bote. Bumaha sa palasyo at natakot ang mga tao.
Nagpasya si Don Juna na siya ay pakakasal kay Prinsesa Maria Blanca.
Sumangguni ulit ang hari sa arsobispo na nagpasyang magkaroon ng dalawang kasalan, sina Don Pedro at Prinsesa Leonora at si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca.
Tinaggihan ni Prinsesa Maria Blanca ang setro at korona dahil meron din siyang kaharian.
Ang setro at korona ay napunta kay Don Pedro at Prinsesa Leonora.
Tapos magpaalam ay bumalik na sa kaharian ng de los Cristal si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca.
Ang mga tao sa kaharian na ginawang hayup at baton g malupit na hari ay ibinalik nila sa kanilang taong anyo.
Namatay na rin ang mga kapatid ni Prinsesa Maria Blanca.
Kaya silang mag-asawa ang nagging bagong emperador at emperatriz sa nasasakupan nila.
The End
No comments:
Post a Comment