Friday, March 27, 2009

Summary of Ibong Adarna Part 5 sa Tagalog

Part 5 Summary ng mga saknong (stanzas) na naglalahad ng Pagtataksil ni Don Pedro at Don Diego kay Don Juan at pagbabalik nila sa kaharian ng Berbanya.

Talataan:
Umagapay-sumabay
Natalos-nalaman
Nasindak-natakot
Kauukilkil-katatatanong
Mapalugmok-mapadapa
Nag-apuhap- nag-isip, naghanap
Mapalisya-magkamali
Lilimiin-iisipin
Manukala- suhestiyon
Nalugod-nasayahan

Buod:

Habang pabalik sa kaharian, pinag-isipan ng masama ni Don Pedro si Don Juan. Kinausap niya ang kaniyang kapatid na si Don Diego na patayin nila si Don Juan upang maiuwi nila ang Ibong Adarna sa kanilang ama. Hindi pumayag si Don Diego; sa halip ay sa sinabi ni Don Pedro dahil kapatid nila ang papatayin nila.
Kahit hindi sang-ayon ay wala na ring nagawa di Don Diego nang sinabi ni Don Pedro na
na bugbugin at iwanan si Don Juan na mag-isang walang pagkain at mahina. Sa ganoon
ay mamatay din ito sa gutom at sa sugat.

Ganoon nga ang ginawa nila at sila ay matagumpay na umuwi dala-dala ang ibon.
Ang hari ay lalong nanghina sa pag-alala sa kaniyang bunsong si Don Juan.

Ang Ibong Adarna na alam kung sino talaga ang nakahuli sa kaniya ay hindi kumanta.
Hinintay niyang bumalik si Don Juan para matuklasan ang kataksilang ng dalawa niyang kapatid.
.

No comments:

Post a Comment