PASIMULA
Ang ikasiyam at panghuling STATE OF THE NATION ADDRESS ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa taong 2009 ay kaniyang binigkas sa Batasang Pambansa noong Hulyo 27, 2009.
Ang kaniyang talumpati ay maaaring bigyan ng dalawang kabuuan;isa ay ang kaniyang mga nagawa at ang ikalawa ay ang mga hamon sa kinabukasan na haharapin ng bansa.
Dahil ito ang huli na niyang taon pagkapangulo, kaniyang tinalakay ang mga proyekto hindi lang nang nakaraang taong kung hindi noon pang nakalipas dahil ang mga ito ay minana niya sa nakaraang administrasyon o kaya ay matagal ang pagkakasakatuparan kasama ng pagtalakay niya sa mga palakad ng kaniyang pamahalaan tungkol sa ekonomiya, sa kalikasan at sa edukasyon.
Ang paglago o pag-unlad sa sa mga nabanggit na sektor ay mahalaga dahil ito ang kaniyang maiiwan sa susunod na uugit ng bansa, benepisyo man o suliranin.
Sinabi niya na madalas siyang magdesisyon ng hindi tanggap ng karamihan dahil naniniwala siya na ito ang ikabubuti ng sambayanang Pilipino kahit na ito ay parang pildoras na mapait na pilit pinaiinom sa kanila.
Sa huli ay inilahad niya ang kaniyang matinding paniniwala na ang pagiging matibay at pagkakaisa ng Filipino ang naging dahilan kaya ang bansa ay hindi masyadong naapektuhan ng matinding pag-urong ng ekonomiya sa maraming bansa sa mundo.
Para sa akin ako ay naniniwala ako na ginawa niya lahat ang kaniyang magagawa habang siya ay nakikibaka sa kaniyang mga tagasalungat. Ang bansa ay nahahati dahil sa dami ng partido sa pulitika at mga naghahangad na makuha rin ang kapangyarihan.
ANG REAKSIYON
Oo, tinimbang ko lahat nang nakasulat sa SONA at tiningnan ko ang mga binanggit niyang mga infrastractura na kaniyang naipatayo o naipatapos.
Hindi ko siya bibigyan ng grado sa pamamagitan ng pagbigay ng porsyento at hindi rin ako gagaya sa mga walang kahulugang mga pagtuya na pati ang kaniyang anyo ay kailangang pintasan.
1. Sa Ekonomiya: Sinabi niya na ang Pilipinas ay isang bansa na hindi naitaob ng krisis sa mundo dahil sa pagtaob ng malalaking kumpanyang nalugi at nagsara dahil sa maling pamamahala sa pinansiyal.
Ako ay sumasang-ayon sa Pangulo sa bagay na ito. Habang ang ating mga karatig-bansa ay nakakaranas ng mga negatibong GDP, ang Pilipinas ay mayroon pa ring positibong GDP kahit na ito ay bumaba kung itutulad sa mga nakaraang taon.
Kaniya ring sinabi na nabayaran na ng bansa ang mga utang nito na ikinababa nito mula sa 73 to 32 per cent.
Sa aking opinyon, ito ay napakalaking progreso dahil tayo ay pinahirapan sa pagbabayad ng mga interes lang noong mga nakaraang taon sa inutang ng gobyernong Marcos at dinisesyonan ni Cory Aquino na bayaran.
Tungkol sa Bagong mga Buwis
Sabi ni Pangulo, ang mga bagong buwis ay para sa pagbayad para sa pangkalusugan, mas maraming magagandang kalsada at mas malakas na sistema ng edukasyon.
Dito hindi ako sumasang-ayon dahil kailan lang ay nabalitang ang BIR ay hindi nakakolekta ng mga buwis na nagkakahalaga ng bilyon. Ibig sabihin nito ay nawalang kita para magamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
Ang ibig sabihin nito ay kahit na ilang uring buwis ang ipatong, kung hindi naman naayos ang pagkolekta nito at nasusugpo ang pangungurakot hindi rin magiging sapat ang kikitain sa mga buwis.
Anong maaring paliwanag niya dito?
Sa mga itinayong infrastructura:
Ayon sa pangulo:
The Subic-Clark-Tarlac Expressway is a prime example of building better roads. It creates wealth as the flagship of the Subic-Clark corridor.
We have built airports of international standard, upgraded domestic airports, built seaports and the roll on/roll off transport system.
Kung ito ay totoo, ito ay malaking pag-unlad lalo na ang mga paliparan kung alin ang siyang nakikitang unang-una ng mga turista at mga balikbayan. Balita ko ay umunlad din ang turismo.
Ang mga taong tinulungan ng mga programa ng gobyerno. Ang sabi niya:
1. Cash handouts give the most immediate relief and produce the widest stimulating effect. Nakikinabang ang 700,000 na pinakamahihirap na pamilya sa programang Pantawid Pamilya.
2. Sa pagpapamahagi ng milyun-milyong ektaryang lupa, 700,000 na katutubo at mahigit isang milyong benepisyaryo ng CARP ay taas-noong may-ari na ng sariling lupa. Hinihiling ko sa Kongreso na ipasa agad ang pagpapalawig ng CARP, at dapat ma-condone ang P42 billion na land reform liabilities dahil 18% lamang ang nabayaran mula 1972.
Nagtataka ako kung saan nanggaling ang numero na 700,000. Ito ba ang kanilang balak tulungan o natulunga. Bakit 700,000.
Sa isang bansa na milyon ang pamilyang naghihikahos, sa palagay ko ay napakaliit ng bilang na ito.
Ibig bang sabihin nito ay tama ang kaniyang mga kritiko sa pagsasabing hindi nakinabang ang mga mahihirap kung anuman ang sinasabing pag-unald ng ekonomiya.
ibigkong makita ang basehan ng mga istatistika na binabanggit dito sa talumpati na nagsasabing ang kahirapan ay bumaba ng mula sa 58 to to 47 porsyento.
Sa Edukasyon:
Inulat niya ang mga progreso sa edukasyon kagaya ng pagdagdag ng mga bilang mga iskuwelahan, mga guro, mga iskolar ng gobyerno at ang balak na pagdagdag pa ng isang taon sa kolehiyo.
Hindi ako sang-ayon sa pagdagsag pa ng isang taon sa kolehiyo. Sa mga pribadong universidad, ito ay nangangahulugan ng pagdagdag ng kurso na kahit hindi kailangan.
Ang kailangang palakasin ay ang kalidad ng pagsubaybay sa mga pribadong universidad na nagpapatapos ng mga istudyanteng kumukuha ng pagsubk upang makakuha ng lisensiya.
Sa pagsusubaybay na ito, maaring ipasara ang mga unibersidad na mapatunayang napakababa ng porsiento ng istudyanteng pumapasa sa eksaminasyon.
Sa kaniyang paglalakbay sa ibang bansa:
Binigyan niya ng matwid ang kaniyang paglalakabay sa ibang bansa sa pamamagitan ng banggit ng mga pangkapital na nanggalingsa mga dayuhan at ang mga pagtulong niya sa mga Filipinong nasa ibang bansa na nahaharap sa pagkakabilibid.
Sinabi rin niya na kinumbinsi niya ang mga Filipinong manggagawa na ipuhunan ang kanilang kinita sa mga negosyong makakatulong hindi lang sa kanilang pamilya kung hindi sa ekonomiya rin.
Subalit ang madalas niyang paglalakbay ay nangangahulugang malaking gastos kaya siya ay nagiging tampulang ng mga pagbatikos. Marami ring mga inihalal na opisyal ng gobyerno na madalas ding lumabas ng bansa subalit hindi pinapaalam ang uri ng paglalakbay kung opisyal o pansarili.
Si Fidel Ramos na nagpasimula ng paglalakbay ay nagsabing walang masama dito; ang importante ay ang resulta.
Sa Mas Mababang Presyo ng Gamot
Masasabi kong ang makikinabang ng mga murang presyo ng gamot ay ang mga matatanda at mahihirap na nangangailangan ng gamot para sa kanilang sakit.
Sa kaniyang mga Kritiko:
Ang pangulo ay pinasaringan ang kaniyang mga kritikong nagnanais na maging pangulo sa eleksiyon sa 2010.
Bilang babae, hinangaan ko siya sa pagiging matatag at ang hindi pa niya pagdeklara ng batas militar kahit na maraming nagtangkang ibagsak ang kaniyang pamahalaan.
KONKLUSIYON:
Bilang pahimakas, naninindigan ako na ang pangulo ay isang masipag magtrabaho kahit na negatibo ang mga opinyon ng karamihan sa kaniya ay marami rin namang siyang ginawa na mamanahin ng susunod pangulo o kaya ay kaniyang babaguhin.
Sa lahat ng mga nakaraang pamahalaan, kung ano ang nakitang naipatayo ay siyang kaniyang mgagiging legasiya na maiiwan. Maalala natin siya sa mga proyektong kaniyang pinatayo. Matagal muna bago ito masundan ng papalit dahil sa malaking gastos at mahabang pagpapatupad.
Ang kaniyang mga palakad ay maaring gayahin o palitan ng susunod sa kaniya.
Pagkatapos magpasalamat ni Pangulong Gloria Arroyo na hindi naipatupad ang maraming proyekto meron pa rin siyang maiiwan sa kaniyang pag-alis.
Ako ay nag-iisip kung ang kapalit niya ay mabibigyan ng solusyon ang problema ng kahirapan.
..hai atE catH..
ReplyDeleteaq ata unang ng cOmMent hEre ah??
hehe..
but enieWei..
i thank yOu cOz u gAve mE an iDea
rEgardiNg diS soNa
kc pRoj nMn to ei..
thAnks a Lot ate..
..regards..
Salamat nga pala SA gumawa ng reaction paper na to... maraming salamat sayo.. kahit papaano ay nakatulong to sa aking projekto.. madami sanang makakita ni2 dahil matutuwa rin sila.. :))
ReplyDelete