This is the TAGALOG SUMMARY OF Chapter 12 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Buod
Isang makipot na daan na maputik kung tag-ulan at maalikabok pag tag-araw ang papunta sa sementeryo ng San Diego. Ang libingan ay nasa gitna ng taniman ng palay at napapalibutan ng pader at ng mga tanim na kawayan.
Sa gitna ng sementeryo ay may malaking krus na may nakatitik na INRI sa lumang lata na nakapako dito. Ang krus ay nakapatong sa bato at halatadong luma na.
Ang sementeryo ay madawag at tila walang nag-aasikaso dito.
Nang gabing iyon ay may dalawang tao ang naghuhukay ng paglilibingan. Ang isang lalaki ay dating sepulturero habang ang isa ay bago pa lamang sa hanapbuhay na yaon.
Siya ay walang tigil nang pagdudura at paninigarilyo habang naghuhukay.
Ikinuwento niya na lumipat sila mula sa kanilang dating tinitirhan dahil hindi niya matagalan ang inuutos sa kaniyang paghukay ng bagong libing para ilipat sa ibang lugar.
Ang sepulturero man ay nagkuwento na mayroong pinahukay sa kaniya matapos mailibing ng dalawampung araw para lang ilipat sa libingan ng mga Intsik.
Bumubuhos daw ang ulan noon at walang ilaw at kailangan pa niyang pasanin ang bangkay para madala sa ibang libingan.
Dahil umuulan at hirap siyang dalhin ang mabigat na bangkay, itinapon na lang niya ito sa lawa.
Ang nag-utos ng paghukay ng bagong namatay ay tinawag niyang Pari Garotte.
No comments:
Post a Comment