Wednesday, August 12, 2009

Summary of Chapter 22 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of Chapter 22 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.

Kabanata 22
Liwanag at Dilim

Buod


Maagang dumating si Maria Clara, kasama si Tiya Isabel sa San Diego para dumalo sa piyesta.


Inaabangan siya ng mga tao sa San Diego dahil matagal na ring hindi siya nauwi doon. Sa bayang iyon siya ipinanganak kaya mahal siya ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang mabuting asal, kagandahan at kahinhinan.


Sa pagdating ni Maria Clara, napansin ng mga tao na malaki ang ipinagbago ni Pari Salvi.


Ang madalas na pagdalaw ni Ibarra sa dalaga ay nagging tampulan ng usap-usapan sa bayan. Maligaya si Maria lalo na nang nagbalak mamasyal at piknik ang binata na kasama siya.


Ibig sana ni Maria Clara na huwag isama ni Ibarra ang kura sa kanilang pamamasyal. Natatakot siya sa pari dahil sa makahulugang titig nito sa dalaga.




Nakiusap siya sa kasintahan pero tinanggihan ito ni Ibarra dahil lihis daw sa kagandahang asal at sa kaugalian ng bayan.


Nang dumating si Pari Salvi, humingi ng paumanhin si Maria Clara upang maiwasa ang kura. Sinabi niyang masama ang kaniyang pakiramdam.


Doon inanyayahan ni Ibarra ang pari para sa gagawin nilang piknik. Kaagad-agad namang tinanggap ni Pari Salvi ang paanyayang yaon.


Madilim na nang umalis si Ibarra para umuwi. May isang lalaking lumapit sa kaniya para humingi ng tulong sa nawawala niyang mga anak at asawa.

No comments:

Post a Comment