This is the Tagalog summary of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.
Kabanata 28
Sulatan
Buod
Nakalathala sa diyaryo sa Maynila ang pagdiriwang ng pista sa San Diego. Ibig nang mga pamunuan ng bayan na malaman ng mga banyaga kung paano magdaos ng pista ang mga Pilipino. Nakasulat sa pahayagan na ang mga paring Franciscano ang namamahala sa marangyang pagdiriwang na dadaluhan ni Pari Hernando Sybila, mga kilalang mamamayang Kastila at mga gabinete ng Cavite, Batangas at Maynila.
Nasasaad din sa balita ang dalawang banda ng musiko sa bisperas ng pista at ang pagsundo ng maraming tao at makapangyarihan sa kura sa kumbento, ang hapunang ihahanda ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa bahay ni Don Santiago delos Santos upang sunduin si Pari Bernardo Salvi at at Pari Damaso Verdolagas.
Nabanggit din ang mga artistang gumanap sa dula ang mga balitang artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez subali’t dahil sila ay nagsasalita lamang ng Espanyol, marami ang hindi nakaunawa sa kanilang mga sinasabi. Mas ginusto nila ang komedya sa Tagalog. Hindi dumalo si Ibarra kaya nagtaka ang karamihan,
Idinaos ang prusisyon ng Birhen Dela Paz ng alas onse ng umaga, kinabukasan. Kasama rin ang mga karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Pagkatapos ng prusisyon ay magkaroon ng misa kantada nay orkestra at mga artistang umaawit. Ang nagbigay ng sermon ay si Pari Manuel Martin.
Sumunod ang sayawan kung saan hinangaan si Kapitan Tiyago. Si Maria Clara naman ay hinangaan sa nagniningning nitong brilyanteng ibinigay ng kaniyang ama.
Ang sulat ni Kapitan Martin Aristorenas kay Luis Chiquito ay pag-aanyaya para ito dumalo sa pista at makapaglaro sa monte nina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Joaquin, Kabesang Manuel at ang Konsul. Sinabi niya niya na nanalo si Carlos ang Intsik.
Binanggit din niya ang hindi pagsipot ni Crisostomo Ibarra.
Si Crisostomo Ibarra naman ay tumanggap ng sulat na dala ni Andeng. Sulat na galling kay Maria Clara na nagsasaad na ilang araw na silang hindi nagkikita at ipinagdarasal niya na gumaling ito sa sakit.
Sinabi rin niya na kinausap niya ang kaniyang ama para dalawin si Ibarra. Inanyayahan din ni Maria Clara na dalawin siya para makadalo siya sa paglagay ng unang bato sa iskwela.
No comments:
Post a Comment