Friday, August 28, 2009

Summary of Chapter 37 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 37- Summary of Chapter 37 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 37
Ang Kapitan-Heneral
Agad pinahanap ng Kapitan Heneral si Ibarra nang dumating na siya sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Habang naghihintay, ang Kapitan Heneral ay kinausap ang isang binatang lumabas habang nagsesermon si Pari Damaso. Taga Maynila ang lalaki at takot na takot siya sa galit na prayle.
Nang matapos siyang kausapin ng Kapitan Heneral, nawala ang kaniyang panginginig at nakangiti na siya nang lumabas. Marahil ay binigyan siya ng pag-asa ng Opisyal.
Sumunod na nagbigay pugay sa Kapitan Heneral ay ang mga paring sina Pari Sybila, Pari Martin at Pari Salvi. Hinanap ng Kapitan Heneral si Pari Damaso pero sinabi ng tatlong pari na maysakit ito at hindi makakarating.
Nagbigay din ng galang sina Kapitan Tiyago at Maria.
Binigyan niya ng papuri si Maria dahil sa maagap nitong paghadlang sa tangkang pagpatay ng kaniyang kasintahan kay Pari Damaso.
Nang dumating si Ibarra, hindi muna ito hinarap ng Kapitan Heneral dahil sa namalas niyang pagkabalisa ni Maria.
Sinabihan na lang maghintay at kakausapin niya bago siya umalis. Pinaalalahanan ni Pari Salvi na ekskomunikado si Ibarra dahil sa ginawa nito. Hindi siya pinansin ng Kapitan Heneral sa halip ay pinaabot niya ang pangungumusta at paghiling na gumaling agad si Pari Damaso.
Nainis ang mga prayle at mabilis silang lumisan. Nakasalubong nila si Ibarra ngunit hindi sila nagbatian.
Nang makita ng Kapitan Heneral si Ibarra ay masaya nitong kinamayan ang binata. Pinuri niya ito sa pagtatanggol sa alaala ng yumaong ama. Pinangako niya kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa kaniyang ekskumunikasyon.
Nagtagpo na pala ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Madrid at si Ibarra. Sa kanilang pag-uusap, naisip ng Kapitan Heneral na matalino ang binata. Iminungkahi niya na ipagbili nito ang mga ari-arian sa Pilpipinas at sa Espanya na lang tumira.
Tumanggi si Ibarra.
Naunawaan ng Kapitan Heneral ang binata dahil mas alam nito ang sarili niyang bayan. Pinapuntahan na ng Kapitan Heneral kay Ibarra si Maria. Tinagubulinan din niya na makipagkita sa kaniya si Kapitan Tiyago.
Kinausap ng Kapitan Heneral ang alkalde na ibigay lahat ang suporta kay Ibarra. Pangalagaan din ang kaniyang kaligtasan at ayaw niyang maulit ang nangyari sa tanghalian.
Nang dumating si Kapitan Tiyago ay binati niya ito ng pagkakaroon ng matalinong mamanugangin at inalok ang sariling maging ninong sa kasal.
Hindi hinarap ni Maria si Ibarra. Sa halip ang kaibigan nitong si Sinang ang nagmungkahi na isulat sa papel ang kaniang mensahe. Nagtaka si Ibarra.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

No comments:

Post a Comment