This is the Tagalog summary of Chapter 31 of NOLI ME TANGERE OF JOSE RIZAL.
Kabanata 31
Ang Sermon
Buod
Nagsermon si Pari Damaso sa wikang Kastila at Tagalog. Hinango niya ang sermon niya sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 .
Hinangaan ni Pari Sybila sa pagsalita ni Pari Damaso samantalang si Pari Martin naman ay napapahiya dahil sa pambungad pa lang ay wala na siyang panalo. Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.
Binati ni Pari Damaso ang mga tao. Paglingon niya ay itinuro niya ang malaking pinto. Inakala ng sacristan ay pinasasara ng pari ang lahat ng pintuan. Gusto nang tumayo ng alperez pero hindi niya nagawa dahil nagsimula na ang sermon.
Isinahalintulad niya ang pananalita ng Diyos sa binhing lmalaki sa lupain ni San Francisco. Sinabihan niya ang mga tao na gayahin si Gideon, si David at si Roldan na siyang guwardiya sibil ng langit.
Dahil sa pagkunot ng noon ng alperez, ang sermon ay pinatungkol sa kaniya ni Pari Damaso. Sa wikang Kastil, sinbi niya na mas makapangyarihan ang Simbahan dahil krus na kahoy lamang ang kanilang ginagamit sa pagsugpo ng kampon ng dimonyo. Ito ay himala, aniya tulad ng paglikha kay San Diego de Alcala.
Walang naunawaan ang mga Indiyo sa sinabi ni Pari Damaso patungkol sa alperez kung hindi ang tulisan, San Diego, San Francisco at guwardiya sibil kaya inakala nilang pinagagalitan ni PAri Damaso ang alperez na kumunot naman ang noo.
Tuloy-tuloy ang sermon ng pari na maraming patama sa mga nskikinig ng misa.
Marami ang inaantok sa haba. Si Kapitan Tiyago ay humihikab habang si Maria Clara ay panay ang sulyap banda sa inuupuan ni Crisostomo Ibarra.
Humaba ng humaba ang sermon ni Pari Damaso lalo na nang ang ginamit niya ay wikang Tagalog. Ang kaniyang sermon naman ay panay lang sumpa, pang sisisi, galit na isinambulat niya sa sermon. Wala na siya sa dapat niyang talakayin. Sa pagbanggit niya sa isang makasalanan na namatay sa bilangguan, naisip ni Ibarra kung sino ang pinatatamaan nito. Pinaringgan din siya nito sa pagbanggit ng isang mayabang na mistisong salbahr at pilosopo. Alam niya Ibarra, siya ang tinutukoy noon.
Patuloy pa rin ang sermon ni Pari Damaso kahit na pinatunog na ni Pari Salvi ang maliliit na kampaniya.
Si Elias naman ay lumapit kay Crisostomo Ibarra upang babalaan sa pagdiriwang ng paaralan.
Nanganganib ang buhay niya kapag lumapit siya sa baton a ihuhulog sa hukay.
No comments:
Post a Comment