Chapter
44- Summary of Chapter 44 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 44
Pagsusuri sa Budhi
Tinawag ni Maria Clara ang kaniyang ina habang nahihibang siya sa taas ng lagnat. Binantayan
siya ni Kapitan Tiyago na nangakong magbibigay ng tungkod sa Birhen ng Antipolo
pag siya ay gumaling.
Si Don Tiburcio naman ay nagulat ng
akala niya ay ang reseta niya ang nakapagaling kay Maria Clara.
Ikinatuwa ito ni Donya Victorina.
Ikinatuwa ito ni Donya Victorina.
Ang paglipat kay
Pari Damaso sa Tayabas ay sinabi ni Kapitan Tiyago na ikalulungkot ng dalaga
dahil parang
Ama na raw ituring.
Ama na raw ituring.
Pinayuhan ni Pari
Salvi na huwag ipakausap kay Maria Clara si Ibarra dahil ito ang nagging sanhi
ng pagkakasakit ng kasintahan.
Sinalungat ito ni
Donya Victorina dahil naniniwala siya na Ang pekeng medico na kaniyang asawa
ang nagpagaling dito.
Sabi ni Pari Salvi
ang pangungumpisal ang nakakagamot ng sakit. Sinabihan ni Donya Victorina na
pakumpisalin si Donya Consolacion para gumaling sa masamang ugali nto.
Inusisa ni Maria
Clara ang kaibigang si Sinang tungkol kay Ibarra.Sinagot siya ng kaibigan na
nilalakad nito ang pagpapatawad ng arsobispo para sa kaniyang ekskumunyon.
Pumasok si Tia
Isabel para tulungang sumulat si Maria Clara kay Ibarra na kalimutan na siya
nito.
Nang gabing yon,
nagkumpisal ang dalaga kay Pari Salvi na tumagal dahil tila hindi naman
nakikinig ang kura.
Lumabas na pawisan ang pari.
Lumabas na pawisan ang pari.
No comments:
Post a Comment