Chapter
47- Summary of Chapter 47 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 47
Ang Dalawang Senyora
Sa pamamasyal ni napadaan sila sa bahay ni Donya
Consolacion, ang asawa ng alperes. Nagkainitan ang dalawang donya nang
tiningnan ng matalim ni Donya Victorina si Donya Consolacion. Sa palitan ng mga
maanghang na salita, ibininulatlat ni ni Donya Victorina ang pagiging dating
labandera ng asawa ng alperes.
Pinintasan naman ni Donya Consolacion si Don
Tiburcio.Dumating ang alperes bago nasaktan ni Donya Victorina si Donya
Consolacion ng kaniyang latigo.
Dumating din ang kura para umawat pero sininghalan lang ito
ng alperes.
Inutusan ni Donya Victorina na hamunin ng duwelo ni Don
Tiburcio ang alperes pero tumanggi ito.
Umalis na sila at si Linares
ang napagbuntunan niya at inutusan niyang humamon sa alperes kung hindi ay
ibubunyag niya ang pagkatao nito.
Malungkot na dumating si Kapitan Tiyago na natalo ang manok
sa sabungan. Sinabi ni Donya Victorina na huwag payagang makasal si Linares pag hindi ito
nakipagduwelo sa alperes.
Iniwan nila ang singil nila sa paggamot kay Maria Clara na
nagkakahalaga ng ilang libong piso.
No comments:
Post a Comment