Chapter
50- Summary of Chapter 50 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 50
Ang mga Kaanak ni Elias
Bago nagkahiwalay si Elias at Ibarra, ikunuwento ng piloto
ng Bangka ang kaniyang buhay.
Ang kaniyang nuno ay napagbintangang nagsunog ng
bahay-kalakal kung saan siya nagtrabaho. Nahatulan siyang ilibot sa bayan at paghahagupit sa daan. Ang
kaniyang asawa ay natutong maghanap ng hindi magandang trabaho para lamang sila
mabuhay. Dahil sa sama ng loob, nagbigti ang lalaki.
Hindi ito naipalibing ng asawa kaya pinarusahan ding paluin
pagkatapos niyang manganak. Tumakas ang babae kasama ang mga anak, Ang kaniyang
panganay ay naging tulisan.
Isang araw ay natagpuang patay ang babae kaya magpasiya ang
bunsong anak na lumayo. Siya ay namasukang obrero sa isang mayamang angkan.
Nagsinop siya at akapagpundar ng kabuhayan.
Nakakilala siya ng isang dalaga na kaniyang niligawan.
Nabuntis ang babae na hindi pa sila kasal. Kambal ang naging
anak; si Elias at ang kapatid nitong babae. Nakulong siya dahil sa mayaman ang
magulang ng dalaga.
Ipinamulat sa kanila ng magulang ng kanilang ina na patay na
ang kanilang ama.Nag-aral si Elias sa mga Heswita at sa Concordia naman ang
kaniyang kapatid.
Nang mamatay ang kanilang nuno, umuwi sila sa lalawigan para
asikasuhin ang naiwang kabuhayan.
Isang kamag-anak nila ang nagbunyag ng kanilang lihim na
pinatunayan ng matadang utusan. Ang utusan palang ito ay ang kanilang ama.
Ang kasintahan ng kapatid ni Elias ay ipinakasal ng magulang
sa iba. Naglayas ang kapatid niya at lumipas ang ilang buwan, natagpuan itong
patay.
Umalis si Elias sa kanilang lalawigan at nagpagala-gala na
lamang.
Sa pagpapapalitan ng kuro-kuro, sa huli ay nakiisa si Ibarra
sa mga nangyari kay Elias pero naniniwala siya ang sama ay hindi napupuksa ng sama rin.
No comments:
Post a Comment