Chapter
52- Summary of Chapter 52 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 52
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Tatlong anino ang nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan
nang gabing yaon. Hinihintay nila Si Elias.
Napag-usapan nila kung bakit sila pumayag na lusubin ang
kumbento. Ang isa ay napangakuan daw ni Ibarra
na ipagagamot ang asawa sa Maynila.
May dumating na isang tao na nagpaliwanag na hindi kaagad
siya nakarating dahil siya ay sinusubaybayan ng sibil. Inutusan niya ang mga
dinatnan niya na maghiwa-hiwalay muna sila at bukas nila tatanggapin ang mga
sandata. Ipinagbunyi nila si Crisostomo Ibarra.
Naiwan ang bagong dating na naghintay pa sa ikalawang anino.
Sa sinilungan nila nagkita ang dalawa.Sa ibabaw ng puntod ay nagsugal sila
pampalipas ng oras. Ang mas mataas na
lalaki ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas.
Natalo si Elias at umalis na. Dalawang sibil na nag-uusap
tungkol sa paghuli kay Elias ang nakasalubong si Lucas.
Sinabi ni Lucas na siya ay papunta sa simbahan para
magpamisa.
No comments:
Post a Comment