Wednesday, March 25, 2009

Summary of Ibong Adarna part 7 in Tagalog

Part 7 Summary ng mga saknong (stanzas) ng pagkawala ng Ibong Adarna at paglalayas ni Don Juan sa takot na siya ay maparusahan ng Amang Hari at pagtigil nilang magkakapatid sa Armenia.

Talataan;

Kaginsa-ginsa- hindi inaasahan
Tumahan-tumira
Matarok-maunawaan

Buod


Inutos ng hari ang pagbabantay sa Ibong Adarna. Nang gabing si Don Juan ay nagbantay, siya ay nakatulog. Pinakawalan ni Don Pedro ang ibon.

Paggising ng prinsipe at nalaman niyang nawawala ang ibon, siya ay umalis dahil alam niyang paparusahan siya ng hari.

Nang malaman ng hari na naglayas si Don Juan, ipinahanap it okay Don Pedro at Don Diego.

Si Don Juan naman ay napadpad sa Armenia kung saan siya ay natagpuan ng dalawang kapatid. Sa takot na baka malaman ng hari ang katotohanan, minabuti ni Don Pedro at Don Diego na doon na rin manatili.

Sa kanilang paglalakad, may nakita silang balon. Napagpasiyan nila na alamin kung ano ang nasa ilalim. Una at ikalwang ibinaba sa balon ay si Don Diego at Don Pedro, nguni’t sila ay natakot bago man nakarating sa ilalim.

No comments:

Post a Comment