Tuesday, March 24, 2009

Summary of Ibong Adarna part 8 in Tagalog

Part 8 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad nang pagligtas ni Don Juan sa dalawang Prinsesa na natagpuan niya sa balon at ang pag-iwan sa kaniya ng mga kapatid upang siya ay mamatay nang tuluyan.


Talataan:

Humahalimuyak- nagsasabog ng amoy na mabango
Namamangha-nagugulat
Tampalasan-malupit
Naghamok-naglaban
Magpahingalay-magpahinga

Buod

Nang si Don Juan na ang ibinababa sa balon, hindi siya tumigil hanggang hindi niya naabot ang ilalim.

Ang Higante

Pumasok siya sa isang pinto kung saan nakita niyang may daang kumikinang sa linis na tila kristal. Ang mga bulaklak ay namumukadkad at nagsasabog ng bango. na kristal at may mga bulaklak na mababango Sa isang bahay, siya ay tumawag kung may tao at nakita niya si Princesa Juana na bilanggo ng isang higante.

Hinamon ni Don Juan ang higante at napatay niya.

Si Prinsesa Leonora at ang Ahas na may Pitong Ulo


Bago sila umalis, ipinagtapat ni Princesa Juana na may kapatid siyang bilanggo naman ng malaking ahas na may pitong ulo.

Iniligtas din ni Don Juan si Princess Leonora. Tinulungan din siya ng prinsesa sa pamamagitan ng pagbigay ng isang bote na ang lamang balsamo ay kailangang ibuhos sa ulo ng ahas upang hindi ito makadikit ulit pagkatapos maputol.
Kasama si Princesa Leonora, si Princesa Juana at ang alagang lobo ni Princesa Leonora, si Prinsipe Juan ay umakyat sa balon sa tulong ng kaniyang dalawang kapatid.
Umibig si Don Pedro kay Princesa Leonora na ang pag-ibig naman ay nakatuon kay Prinsipe Juan.

Muling Pagtataksil

Bumalik si Don Juan sa balon upang kunin ang singsing na diamante ni Prinsesa Leonora na kaniyang naiwanan. Di pa man siya nakababa ay pinutol na ni Don Pedro ang lubid ng nasa sampung dipa pa lang ito.

Inhulog din ni Prinsesa Leonora ang kaniyang lobo para tulungan si Don Juan. Bumalik na sa Berbania sina Don Pedro, Don Diego, Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.
Naniwala ang hari sa kuwento ng dalawang magkapatid na patay na si Don Juan at silang dalawa ang nagligtas sa dalawang prinsesa.

Ikinasal kaagad si Prinsesa Juana at Don Diego samantalang si Prinsesa Leonora ay humingi ng palugit na pitong taon dahil sa kaniyang panata. Humingi siya ng sariling silid upang doon niya tuparin ang panatang iyon.

Pansamantalang tagumpay

Nakita ng lobo na isang engkantado ang sugatang si Don Juan. Ginamot niya ang prinsipe sa pamamagitan ng tubig na nanggaling sa Dagat Jordan. Pagkatapos gumaling si Don Juan, kinuha niya ang singsing na diamante ni Prinsesa Leonora at lumakad siya pabalik sa Kaharian ng Berbania.

Sa kapaguran, nagpahinga si Don Juan sa ilalim ng puno. Dumating ang Ibong Adarna at kumanta na nagsasaad ng pag-iisip ni Prinsesa Leonora sa kaniya subalit meron pang isang babaeng mas maganda kay Prinsesa Leonora. Siya ay si Donya Maria Blanca, anak ng Haring Salermo ng kaharian ng De los Cristal. Siya ay pinakamatanda sa tatlong prinsesa na sina Isabel at Juana.

No comments:

Post a Comment