Part 9 Summary ng mga saknong (stanzas)sa Ibong Adarna na nagsasaad nang panibagong paghahanap ni Don Juan sa Kaharian ng De los Cristal at paglalakbay patungo doon sa pamamagitan ng agila
Talataan:
Ipagbabadya-sasabihin
Mamangha-magtaka
Bumukal – dumaloy
Matatap – malaman
Buod
Pagkakasalubong sa isang gusgusing matanda
Matagal nang naglalakbay si Don Juan pero hindi pa rin niya makita ang kaharian ng de
los Cristales.
Sa kaniyang kagutuman, humingi siya ng pagkain sa isang matanda na binigyan siya ng bukbuking tinapay na nang tinikman niya ay anong sarap. Ang tubig da bumbong ay tila hindi nababawasann.
Tinanong niya ang matanda ng direksiyon patungong delos Cristal, ngunit walang masabi ang matanda na nagsabing isandaang taon na siyang naglalakad ay wala pa siyang naabot ng ganoong lugar. Pinayuhan na lang na hanapin niya ang ermitanyo na maaring makapabigay sa kaniya ng tungkol sa kahariang hinahanap. Binigyan niya ng kapirasong damit na ipapakita ng prinsipe sa ermitanyo para tulungan siya.
Samantala si Prinsesa Leonora ay patuloy pa rin ang pagtangis at paghihintay kay Don Juan.
Ang Unang Ermitanyo
Matapos ang limang buwan ay nakarating si Don Juan sa ikapitong bundok kung saan nakita niya ang ermitanyo na mahaba na ang buhok sa katandaan.
Ayaw kausapin ng ermitanyo si Don Juan kung hindi niya ipinakita ang piraso ng damit na ibinigay ng matanda. Umiyak ang ermitanyo nang makita ang damit at sinabi ninyang Iyon ay damit ni Hesukristo. Humingi siya ng kapatawaran sa kaniyang mga sala.
Sinabi ng ermitanyo na limandaang taon na siya at wala pa siyang nalalamang ganoon kaharian. Sinangguni rin niya ang mga hayup kung may nalalaman sila pero wala ring masabi ang mga dumating sa kaniyang panawagan.
Sa huli ay pinayuhan niyang sumangguni sa kapatid niyang ermitanyo rin na nasa ikapitong bundok. Pinasakay niya ito sa likod ng isa niyang alaga na siyang naglipad sa kaniya sa kaniyang pupuntahan.
Ikalawang Ermitanyo
Katulad ng naunang ermitanyo, ayaw ding makiusap ang walongdaang taon na ermitanyo kung hindi ipinakita ni Don Juan ang piraso ng damit ni Jesus.
Tinanong din ng ikalawang ermitanyo ang mga hayup kung alam nila ang de los Cristal na kaharian. Isang agila ang nakapagsabi kung nasaan yon.
Pinasakay siya sa likod ng agila at naglakbay sila nang isang buwan.
Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los Cristal, pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na naliligo sabay-sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.
No comments:
Post a Comment