Thursday, August 6, 2009

Summary of Chapter 15 of NOLI ME TANGERE

This is the TAGALOG SUMMARY OF Chapter 14 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL



Kabanata 15


Ang mga Sakristan


Buod


Si Basilio at Crispin ang mga sacristang naatasang patunugin ang kampana


ng simbahan. Sinabihan sila ni Pilosopo Tasyo na hinahanap sila ng kanilang inang si Sisa para sila ay maghapunan ng masarap ng gabing iyon. Sa murang edad, napakabigat ng kanilang hirap na pinapasan.



Napagbintangan si Basilio na nagnakaw. Siya ay pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpalo. Inisip ni Crispin na hindi papayag ang kanilang inang si Sisa na sila ay nasasaktan. Sa suweldong dalawang piso isang buwan, hindi nila kayang bayaran ang halaga ng sinabing ninakaw nila. Pinagbabayad pa sila ng multa at sa buwan na yaon ay tatlong beses nang namultahan. Wala nang matitirang pambili ng pagkain nila.



Kay Crispin, naisip niyang kung marahil nakapagnakaw nga siya, madali niya itong maibabalik at sakaling hindi, may maiiwanan siya sa kaniyang inang si Sisa kung sakaling mamatay siya sa parusa sa kaniya ng kura paroko.



Kay Basilio, totoo man o hindi ang paratang ay tinitiyak niyang magagalit ang kaniyang inang si Sisa pag nalaman ang akusasyon kay Crispin na pagnanakaw.



Naniniwala naman si Crispin na paniniwalaan siya ng kaniyang ina dahil ipapakita niya ang kaniyang mga sugat at latay na sanhi ng papaparusa sa kaniya ng pari.


Ipapapakita rin niya ang gula-gulanit niyang damit na may bulsang punit at hindi maaring pagtaguan ng sinasabing ninakaw.Pati ang kaniyang pamaskong laman nito ay kinuha pa ng ganid na pari.



Ibig na ibig ni Crispin na matapos na ang kanilang problema para makauwi na sila sa kanilang tahanan. Gutom na gutom na sila dahil hindi sila pinapakain hanggang hindi naibabalik ang sinabing ninakaw.


Ang pagbibintang sa kanila ay nag-uugat sa kanilang ama na lasengero at sabungero.


Hindi namalayan ng magkapatid ang pagdating ng sacristan mayor habang sila ay nag-uusap.



Kaagad itong nagalit at pinagmumulta niya si Basilio dahil sa maling pagtugtog ng kampana. Sinabihan naman niya si Crispin na hindi pa rin ito makakauwi hanggang hindi ibinabalik ang ninakaw nitong dalawang onsa.


Pilit nangatwiran si Basilio pero sinabihan siyang hindi siya makakauwi hanggang alas diyes ng gabi. Bawal na ang maglakad ng gabi paglamaps ng alas nuwebe ng gabi kaya


Hindi makapaniwala si Basilio sa kanyang narinig.


Pagkatapos pagsabihan si Basilio na hindi na nakuhang makiusap sa sacristan mayor, hinila ng huli si Crispin. Pakaladkad niya itong ipananaog sa hagdan habang ito ay nagpapalahaw. Walang nagawa si Basilio na naiwanang nakatulala. Hindi niya Makita ang kapatid sa kadiliman pero naririning niya ang mga pagdaing nito sa sakit sa pananakit ng sacristan mayor.


Nagpigil sa sarili si Basilio at nanggangalit sa hirap na dinanas ng kaniyang kapatid.


Naisip niyang mag-araro ng bukid habang naririnig niyaang panaghoy ng kapatid paghingi ng tulong.


Umakyat siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo at doon sa pamamagitan ng lubis na kinalag niya sa pagkakatali ay nagpadausdos siya pababa.


Tumigil na ang ulan at ang langit ay nagpapakita ng kaunting liwanag.

No comments:

Post a Comment