This is the Tagalog summary of Chapter 16 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL.
Kabanata 16
Si Sisa
Buod
Madilim na at ang karamihan sa mga taga San Diego ay nakahimlay nang natutulog. Sa isang maliit na kubo sa labas ng kabayanan, si Sisa ay gising pa at naghihintay. Malayo amg kanilang lugar sa kabayanan.
Hindi masuwerte si Sisa sa napangasawa. Bukod na iresponsable na ay sugarol pa at bihirang umuwi ng bahay.
Wala siyang pakialam sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang asawang si Sisa lamang ang nag-aasikaso sa mga anak na sina Basilio at Crispin. Ang kaniyang mga alahas sa pagkadalaga ay kaniya nang naipagbili para lang makatulong sa pagtataguyod ng kaniyang mga anak at asawa.
Maaari rin siyang sisihin sa hina ng kaniyang loob at pagiging martir na sanhi ng kanilang paghihirap. Hinahayaan niyang siya’y sakyan ng asawa pag ito ay umuuwi paminsan-minsan. Para sa kaniya ang asawa ay isang makpangyarihan kaniyang pagsisilbihan at susundin at ang kaniyang mga anak naman ay mga anghel na kaniyang gabay.
Hinihintay niya ang pagdating nina Basilio at Crispin pagkatapos niyang maghanda ng hapunan. Binigyan siyang ng tapang baboy-damo at isang patong bundok ni Pilosopo Tasyo. Meron din siyang tuyonh tawilis at kamatis.
Ang kaniyang nilutong bigas ay kaniyang inani sa palayan. Espesyal ang pagkaing inihanda niya sa kaniyang mga anak.
Ang pagkaing ito ay hindi na matitikman ng kaniyang mga anak. Dumating ang kaniyang asawa at inubos ang pagkain.
Nang mabusog ay muling iniwan ang kanilang dampa na dala-dala ang kaniyang manok na pansabong. Nagbilin pa na ipagtabi siya ng perang iuuwi ng kaniyang mga anak.
Sa sakit ng loob na hindi maibulalas sa asawa, napaiyak na lang si Sisa. Inihanda niya ang pagkain na iyon para sa kaniyang mga anghel ngunit inubos ng kaniyang asawa.
Nagluto siyang muli dahil alam niyang gutom na darating si Basilio at Crispin. May nalalabi pang daing na siyang niluto niyang ulam.
Tapos ay naghintay siya sa kaniyang mga anak. Umaawit siya para aliwin ang sarili habang tinitingnan niya ang madilim na kapaligiran.
Nagdadasal din siyang nakapikit sa Mahal na Birhen para sa kaligtasan ng kaniyang mga anak.
Sa kaniyang pagkakapikit, narinig niya ang boses ni Basilio.
No comments:
Post a Comment