Chapter
54- Summary of Chapter 54 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 54
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng
Parusa
Nagmamadaling sumugod ang
kura sa bahay ng alperes upang sabihin dito na lulusubin ang kumbento
ayon sa isang babae na nagkumpisal sa kaniya.
Naghanda ang alperes at ang kura para mahuli ng buhay ang
mga insurektos at malaman kung sino ang utak nila.
Isang lalaki ang mabilis na patungo sa bahay ni Ibarra. Ito
ay si Elias. Sinabi nito si binata ang paglusob na gagawin sa kumbento nang
gabing yaon.
Pinasusunog nito ang mga dokumento na maaring magsangkot sa
kaniya sa kaguluhan. Nagtapat din siya na si Ibarra ang pinagbibintangan na
namumuno sa pagrerebelde.
Habang pinipili nila ang mga kasulatan, nakita ni Elias ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramenda na ipinagtapat ni Ibarra na kaniyang nuno.
Tinangkang patayin ni Elias si Ibarra nanag makilala niya na
ang nunong yaon ang nagpahirap sa kanilang angkan.
Napigilan pa rin ni Elias ang pagpatay kay Ibarra na naiwang
nagtataka sa pangtangka ni Elias sa kaniyang buhay.
No comments:
Post a Comment