Chapter
55- Summary of Chapter 55 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 55
Ang Pagkakagulo
Mag-ikawalo na ng gabi at kumakain ang mga tao ng hapunan.
Si Maria Clara ay nagdahilang walang gana pero niyaya niya si Sinang na
hintayin nila si Ibarra sa may piyano. Si Pari Salvi na hindi mapalagay at Linares
na kumakain ay nasa bahay din ni Kapitan
Tiyago.
Nang sumapit ang ikawalo,
dumating si Ibarra na luksang luksa. Habang palapit si Maria Clara sa
kasintahan ay may narining na putok ng mga baril. Ang kura ay nagtago sa
haligi. Si Tia Isabel ay panay ang dasal habang ang pintuan at bintana ay
pinagsasara ng mga katulong.
Nang matapos ang putukan, pinapanaog ng alperes si Pari
Salvi na akala niya ay nasugatan. Si Ibarra ay nanaog din habang si Tia Isabel
ay pinapasok ang magkaibigang si Maria at Sinang sa kuwarto.
Pagdating ni Ibarra sa bahay ay pinahanda niya ang kabayo at
pinuno ang maleta ng hiyas, salapi at larawan ni Maria. Papaalis na siya nang
dumating ang sarhentong Kastila at siya ay hinuli.
Tamang-tama naman na dumating si Elias na gulong-gulo pa rin
ang isip dahil sa nalamang lihim ni Ibarra. Hindi siya tumuloy gayunman ay
bumalik pa rin siya sa bahay at kinuha ang mga aklat, kasulatan, alahas at
baril ni Ibarra nang makita niya ang mga sundalo. Isinilid niya ito sa isang
sako at inihulog sa bintana.
Sinilaban niya ang mga damit at papel. Nagtangkang pumasok
ang mga sundalo pero hindi pumayag ang mga katulong.
Nakapasok din sila pero apoy ang sumaluboong sa kanila. Nagpulasan
ang sibil at mga katulong palabas ng bahay.
No comments:
Post a Comment