Para sa talambuhay ni ELPIDIO QUIRINO sa English, pumunta dito.
Si ELPIDIO EIVERA QUIRINO ay ipinanganak noong Nobyembre, 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur. Siya ay ikaanim na pangulo ng Pilipinas.
Ang mga magulang niya ay si Mariano Quirino at Gregoria Rivera na parehong taga Caoayan, Ilocos Sur. Siya ay nag-aral sa Vigan High School pero nagtapos siya sa Manila High School noong 1911 habang siya ay nagtatrabaho sa Bureau of Lands.
Nag-aral siya ng pagkadalubhasa sa Batas sa Pamantasan ng Pilipinas at nagtapos noong 1915.
Pumasok siya sa pulitika noong 1919 hanggang 1925 bilang congressman at bilang senador noong 1925 to 1931.
Naging Kalihim siya ng Pananalapi at Interior sa gobyernong Commonwealth ng Pilipinas.
Noong Ikalawang digmaan ng Pilipinas, namatay ang kaniyang asawang si Alicia Syquia Quirino at ang tatlo sa kanilang limang anak.
Inihalal siyang Bise-presidente pagkatapos ng giyera kung saan ang pangulo ay si Manuel Roxas.
Nang mamatay si Manuel Roxas sa atake sa puso, siya ay naging pangulo noong April 17, 1948.
Sa sumunod na taon siya ay inihalal bilang Pangulo para sa apat na taon. Ang kaniyang anak na si Vicki Quirino ang tumayo bilang unang Ginang.
Ang kaniyang administrasyon ay nabahiran ng mga kasong katiwalian at ang pakikilaban sa mga Hukbalahap.
Tumakbo ulit siya sa pagkapangulo noong 1953 pero tinalo siya ni Ramon Magsaysay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment