Showing posts with label Tagalog Poems of Jose Corazon de Jesus. Show all posts
Showing posts with label Tagalog Poems of Jose Corazon de Jesus. Show all posts

Thursday, August 7, 2008

PAKPAK-by JOSE CORAZON DE JESUS

picture of wings
PAKPAK is a TAGALOG POEM of JOSE CORAZON DE JESUS written in 1928.

PAKPAK

ni Jose Corazon de Jesus
1928

Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa
at ako'y lilipad hanggang kay Bathala...
Maiisipan ko'y mga malikmatang
sukat ikalugod ng tao sa lupa;
malikikha ko rin ang mga hiwaga,
sa buhay ng tao'y magiging biyaya.

Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak
kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat?
Ano ba ang kamay ng taong namulat
kundi siyang pakpak ng kanyang panghawak?
Ano ba ang dahon ng mga bulaklak
kung hindi pakpak din panakip ng dilag?

Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim,
pakpak na nag-akyat sa ating layunin,
pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin,
pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin,
pakpak ang naghatid sa tao sa hangin,
at pakpak din naman ang taklob sa libing.

Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa,
at magagawa ko ang magandang tula;
bigyan mo ng pakpak tanang panukala't
malilipad ko hanggang sa magawa;
bigyan mo ng pakpak ang ating adhika,
kahit na pigilan ay makakawala...

O ibon ng diwa, ikaw ay lumipad,
tingnan mo ang langit, ang dilim, ang ulap,
buksan mo ang pinto ng natagong sinag,
at iyong pawalan ang gintong liwanag,
na sa aming laya ay magpapasikat
at sa inang bayan ay magpapaalpas.

Sunday, August 3, 2008

ANG BAYAN KO -TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS

ANG BAYAN KO IS A TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS known also as HUSENG BATUTE.
The poem was made into a song and became the favorite song during the height of the activism in the Philippines.

fernando amorsolo
photocredit:painting of Fernando Amorsolo

Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Saturday, August 2, 2008

ANG PAMANA NI JOSE CORAZON DE JESUS

Ang tulang Ang PAMANA ni JOSE CORAZON DE JESUS ay isang magandang halimbawa sa tulang padula dahil ang magbibigkas nito ay magkakaron nang iba't ibang damdamin at iba't ibang paglalarawan ng mga taong nasa tula. Si Jose Corazon de Jesus and sumulat ng ANG BAYAN KO. Siya as kilala sa kaniyang alyas na HUSENG BATUTE.

ANG PAMANA

Ni Jose Corazon De Jesus



Minsan ang ina ko’y nakita kong namamanglaw,

naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.

Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan,

Nakita ko ang maraming taon noong kahirapan

Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw,

Nakita kong ang ina kong tila mandin namamanglaw

At ang sabi itong piyano’y say’o ko ibibigay

Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan

Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay

Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha.

Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa

Subalit sa king mga mata’y may namuong mga luha

Ni hindi ko mapigilan at hindi ko masansala

Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa

Tila kami ay iiwan na’t may yari ng huling nasa.

Na sa halip na magalak sa pamanang mapapala

Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita

Napaiyak akong tila isang kawawang bata’t

Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

Ang ibig ko sana Nanay, ikay aking makapiling at

Huwag ko nang makitang ika’y nalulungkot mandin

Oh ina ko, ano ba at naisipang pagahtiin ang mga

kayamanag maiiwan mo sa amin?

Wala naman yaong sagot, baka ako ay tawagin,

ni Bathala nag mabuti malaman mo ang habilin

itong piyano mga silya at salamin,

pamana ko na sa inyo mga bunsong ginigiliw.

Ngunit Inang ang sagot ko, ang lahat ng kayamanan

at kasangkapan ay hindi ko kailangan.

Aaanhin ko ang piyano kapag ika’y namatay

ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay.

Ang ibig ko’y ikaw inang at mabuhay ka na lamang

ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman

ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan,

ng lahat ng ginto rito,

pagkat ikaw o ina ko, ika’y wala pang kapantay.


, ,,,,,,

Thursday, May 8, 2008

ISANG PUNONGKAHOY -TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS

ISANG PUNONGKAHOY -TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS known as HUSENG BATUTE.

Isang Punongkahoy

tree
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
At abang kandilang naiwan sa hukay,
Na binabantayan ng lumang libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal,
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig ng kanilang bulong;
Ang mga ibon ko nama’y nakayungyong,
Ang batis ko naman ay daloy nang daloy.
Nguni’t tingnan ninyo ang aking narating;
Natuyo, namatay, sa sariling aliw;
Naging kurus ako ng pasuyong laing,
Naging tanda ako ng luha at lagim.
Wala na, ang gabi ay lambong na bukas,
Panakip sa aking namumutlang mukha;

Ang mga sanga’y ko’y nawalan ng dagta,
Nawalan ng dahon, bulaklak ma’y wala.
Ginawang sugahan ng isang kalabaw,
Ginawang silungan ng nangagdaraan,
Ginawang langkaya at tanda sa ilang,
Panakot ng aking dating kaaliwan.
Isang ibon akong pangit na sa lagim,
Ang aking kamukha ay ang ibong kuling;
Kung ang katawan ko’y balot man ng itim,
Ang tinig ko naman ay tumatagingting.
Yaong kakawating ang Mayo, pagdatal,
Balot ng bulaklak ang aking katawan,
Saka sa pagpasok ng pagtatag-ulan,
Ang mga sanga ko’y lanta’t namamatay.
Walang utang na-di may bayad na buo,
Akong nagmasaya, ngayo’y isang bungo;
Huwag mong salangin, sa bahagyang bunggo
Sa puso’y nanatak ang saganang dugo.
Kung iyong titingnan sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Tila hinahagkan ang paa ng Dios.
Ipipikit ko na itong aking matang
Nang isang panahon ay langit ng saya;
Ngayon ay masdan mo, ikaw’y magtataka,
Ang langit na yao’y libingan na pala.

Para kang kumuha ng isang kandila
Na pinagbantay mo sa gabi ng luha;
Sa sariling hukay, sa gabing payapa’y
May luhang napatak na ayaw tumila.
At sa paanan ko’y nagkaroon ng batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Ang kanyang lagaslas ay daloy ng hapis,
Ang kanyang aliw-iw ay awit ng sakit.
Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan,
Parang luha na rin na kikinang-kinang;
Bakit binabati ng buwang malamlam,
Tanawi’t ang lungkot ay nakamamatay.


, ,,,,,,

Wednesday, May 7, 2008

PAG-IBIG NI JOSE CORAZON DE JESUS


PAG-IBIG NI JOSE CORAZON DE JESUS - a Tagalog poem about love. Jose Corazon de Jesus is also known as HUSENG BATUTE.



Pag-ibig
Isang aklat na maputi, ang isinusulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang Pag-ibig, isipan mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nanaghoy ang pagsuyo!
Ang pag-ibig na dakila aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaba, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Nguni’t kapag nag-alab na pati mundo’y nalimutan
Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!
Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit!

Ang pag-ibig ay mata, ang pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong na umibig, bawa’t sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
“Ako’y hindi makasulat at ang Nanay nakabantay!”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minahal!
Nguni’t kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumigid,
Kapag kayo’y umibig na, hahanapin ang panganib,
At ang pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

PAG-IBIG
Isang aklat na maputi, ang isinusulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang Pag-ibig, isipan mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nanaghoy ang pagsuyo!
Ang pag-ibig na dakila aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaba, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Nguni’t kapag nag-alab na pati mundo’y nalimutan
Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!
Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit!

Ang pag-ibig ay mata, ang pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong na umibig, bawa’t sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
“Ako’y hindi makasulat at ang Nanay nakabantay!”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minahal!
Nguni’t kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumigid,
Kapag kayo’y umibig na, hahanapin ang panganib,
At ang pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

, ,,,,,,

Monday, May 5, 2008

DAHONG LAGAS NI JOSE CORAZON DE JESUS

tagalog poem
DAHONG LAGAS NI JOSE CORAZON DE JESUS -Tagalog Poems
I
Namamalas mo bang ang dahong nalagas,
Laruan ng hangin sa gitna ng landas,
Kung minsan sa iyong kamay ay mapadpad
Gaya ng paglapit ng kawawang palad?
Ako ay ganyan din, balang araw, irog,
Kung humahagibis ang bagyo at unos
Kagaya ay dahon sa gabing malungkot,
Ako sa piling mo’y ihahatid ng Dios.
II
Naririnig mo ba ang munting kuliglig
Na sa hatinggabi’y mag-isa sa lamig,
At sa bintana mo’y awit din nang awit
Ng nagdaang araw ng sawing pag-ibig?
Ako man ganyan din, darating ang araw
Na kung ako’y iyong sadyang nalimutan,
Ang kaluluwa ko’y ikaw’y lalapitan
At sa hatinggabi’y payapang hahagkan.
III
Paghihip ng hangin, pagguhit ng kidlat,
Kung ang hangi’t ulan ay napakalakas,
Kagaya ng dahon sa iyo’y papadpad,
Gaya ng kuliglig sa iyo’y tatawag.


At akong wala na sa iyong paningin,
Limot na ng madla’t halos limot mo rin,
Walang anu-ano sa gabing madilim,
Dahong ipapadpad sa iyo ng hangin.


, ,,,,,,

Sunday, May 4, 2008

PAKIKIDIGMA- TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS

PAKIKIDIGMA is a TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS ALSO KNOWN AS HUSENG BATUTE. The poem is about the battle of life




Pakikidigma
Ang buhay ay isang pakikidigmang
walang katapusan.
Huwag kang uurong, lalalim ang sugat,
Ngunit naubos na ang dugong tatagas;
Ang sugat man naman kung buka’t bukadkad,
Tila humihingang bibig ng bulaklak.
Walang bagay ditong hindi natitiis
Pag lagi nang apdo ang iyong sinisid;
Ang lalong mabuti ang mukhang may gatla
Kumakaraniwan sa may ditang bibig.
Kung ikaw’y natalo o kaya nadapa,
Magbangon kang muli saka makidigma;
At lalong mabuti ang mukhang may gatla
Ng lahat ng iyong tinitiis na taga.
Huwag mong nasain ang maging bulak ka,
Iyan ay maputing dudumi pagdaka;
Habang ikaw’y bato sa isang kalsada,
Ang pison at gulong, kaibigan mo na.
Ikaw’y makidigma sa laot ng buhay
At walang bayaning nasindak sa laban;
Kung saan ka lalong mayrong kahinaan,
Doon mo dukutin ang iyong tagumpay.