Thursday, May 15, 2008

Pahiyas Festival- Quezon

kiping

photocredit: pahiyas festival

Every year, thousands of tourist and holiday makers flock to this historic town commended as one of the cleanest and most peaceful community in the country. Its cool, fresh and invigorating climate earns her the singular distinction of being called the Summer Capital of Quezon Province. The town’s natural scenic spots and colorful lifestyles add to the charm that entices both foreign and local tourists to visit the place. The San Isidro Pahiyas Festival held every May 15 has become one of the country’s tourist attractions prompting the Department of Tourism to list down Lucban as a tourist town and a cultural heritage site. During the San Isidro Pahiyas Festival, each household tries to outdo each other in friendly competition as they vie for honor of recognizing their creativity. As incentives to their effort, prizes were given to the winning pahiyas based on a given criteria. This accounts for some of the most curious décor that the unstoppable spirit of the festival tends to show. Decking the hall or decorating the wall with “Kiping” and agricultural harvest is what “PAYAS” or “PAHIYAS” literally means. Farmers show their bountiful produce such as chayote, radish, pepper and grains of rice. There are miniatures locally known as “ANOK”, fruits, vegetables and longganisa (local sausage) strung together in the most original fashion. Residents engaging in other forms of livelihood display their products too in thanksgiving. The handicraft manufacturer has his house decked with colorful buri/buntal hats, bags, placemats and others while the butcher has a head of roasted suckling pig (lechon) peeking from the window. The most traditional and certainly the most attractive décor comes of course in the form of “KIPING” which are adorn and strung together to form all sorts of shapes, from chandelier called “ARANGYA” to huge flowers. Kiping is made from ground rice flour, shaped using “cabal” leaves or other leaf forms and colored in radiant red, fuschia, yellow, green and other bright shades. When kiping catches the light of the sun it turns into a veritable cascades of color. The celebration is a form of thanksgiving for a bountiful harvest and in honor of the patron saint of farmers, San Isidro de Labrador. A procession of the image of San Isidro is planned long before the festival and it is said that houses along the route of the procession passes will be especially favored and blessed in the coming year. It is from this belief that the lavish decoration of the home began. After all, one must welcome the saint’s blessings with rapture and gratitude.

source: Philippine fiestas and festivals

Wednesday, May 14, 2008

LOPE K. SANTOS-AMA NG WIKANG PAMBANSA at ng BALARILA


LOPE K. SANTOS

(1879 - 1963)

Si LOPE K. SANTOS ay isang iskolar, manunula, manunulat, isang lider ng panggawa at lingkod ng bayan.

Siya ay kilala bilang Ama ng Wikang Pambansa at Balarila. Siya ay ipinanganak noong Setyembre 25, 1879 sa Pasig, Rizal kay Ladislao Santos at Victoria Canseco. Ang K sa kaniyang pangalan ay isinatagalog na C or Canseco.

Ang kaniyang ama ay inakusahan ng pagiging rebelde dahil sa itinago niyang kopya ng Noli Me Tangere ni JOSE RIZAl at mga kopya ng KALAYAAN, ang pahayagan ng Katipunan. Siya ay pinahirapan at binugbog nang walang awa.

Nag-aral siya sa Escuela Normal Superior de Maestros, Escuela de Derecho at nakatapos siya ng Pagka Dalubasa sa Sining sa Colegio Filipino.

Bago namatay ang kaniyang ina ay nagbilin ito na hanapin si Simeona Salazar at pakasalan.

Kasama ang kapatid, pumunta sila sa Maynila upang hanapin ang naturang dalaga. Sila ay ikinasal noong Pebrero 10, 1900 sa San Marcelino at nagkaanak sila ng lima.

Ang pagmamahal niya sa Tagalog ay nagsimula nang manalo siya sa dupluhan at nagiging manunulat hanggang maging patnugot ng isang Sulating Tagalog.

Bilang makata at manunlat, marami siyang naisulat na nobela at tula kagaya ng Ang Pangginggera at Banaag at Sikat. Siya ay tinawag na Paham ng Wika.

Ang kaniyang Balarila ng Wikang Pambansa ay ang ginagamit para sa balarila ng wikang Pilipino habang ang kanyang nobelang Banaag at Sikat ay ang unang nobela sa Tagalog tungkol sa sosyedad.

Siya ay unang patnugot ng Muling Pagsilang ang kapatid na publikasyon ng El Renacimiento.

Siya ay itinalaga ni Pangulong Manuel L. Quezon para Director ng Surian ng Wikang Pambansa.

Pumasok din siya sa pulitika at naging gobernador siya ng 1910 to 1913 ng Rizal at 1918 to 1920 ng Nueva Ecija.

Nang itinialaga siya bilang Senador, isinulong niya ang batas bilang pagkilala kay Bonifacio (Bonifacio Day) at iba pangbatas upang pagbutihin ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

Ipinagawa na niya ang kaniyang libingan at pinakiusap niya sa kaniyang asawa a lagyan ng ilaw para makapagsulat siya.

Namatay siya sa sakit sa atay.

Ang mga huling wika niya ay:


“Nararamdaman kong malapit na… ang huling oras ko… at ang aking ikinalulungkot ay papanaw ako nang hindi alam kung ano ang magiging wakas ng Wikang Tagalog… Kung ito ang talagang magiging wikang pambansa.”


Namatay siya noong Mayo 1, 1963.
.


source: biography in English

Sunday, May 11, 2008

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA NI ANDRES BONIFACIO

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA NI ANDRES BONIFACIO IS A TAGALOG POEM ABOUT LOVE FOR ONE'S COUNTRY.

‘Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa’
Tula Ni Andres Bonifacio

1.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

2.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.


3.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.


4.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

5.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.


6.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.


7.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

8.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.


9.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.


10.
Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

11.
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.


12.
Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.


13.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

14. *
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.


15.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.


16.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

17.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?


18.
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?


19.
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

20.
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.


21.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.


22.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

23.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.


24.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.


25.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

26.
Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.


27.
Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.


28.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

*

Saturday, May 10, 2008

TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS ALYAS HUSENG BATUTE

TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS ALYAS HUSENG BATUTE


Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896. Ang kaniyang ama ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay nakatapos ng Batsilyer sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng eksaminasyon.

Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17 taong gulang pa lamang.
Noong taong 1920, siya ay nagulat sa Taliba sa kolum niyang BUHAY MAYNILA.

Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay Florentino Collantes . Ang una nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro's Bubuyog.

Siya ay tinaguriang Hari ng Balagtasan.

Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang kolum na Buhay Maynila/

Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula.

Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday, Ang Manok
Kong Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga unibersidad at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman.

Si Jose Corazon de Jesus ay namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer.
Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang ANG AKASYA.

Thursday, May 8, 2008

ISANG PUNONGKAHOY -TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS

ISANG PUNONGKAHOY -TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS known as HUSENG BATUTE.

Isang Punongkahoy

tree
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
At abang kandilang naiwan sa hukay,
Na binabantayan ng lumang libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal,
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig ng kanilang bulong;
Ang mga ibon ko nama’y nakayungyong,
Ang batis ko naman ay daloy nang daloy.
Nguni’t tingnan ninyo ang aking narating;
Natuyo, namatay, sa sariling aliw;
Naging kurus ako ng pasuyong laing,
Naging tanda ako ng luha at lagim.
Wala na, ang gabi ay lambong na bukas,
Panakip sa aking namumutlang mukha;

Ang mga sanga’y ko’y nawalan ng dagta,
Nawalan ng dahon, bulaklak ma’y wala.
Ginawang sugahan ng isang kalabaw,
Ginawang silungan ng nangagdaraan,
Ginawang langkaya at tanda sa ilang,
Panakot ng aking dating kaaliwan.
Isang ibon akong pangit na sa lagim,
Ang aking kamukha ay ang ibong kuling;
Kung ang katawan ko’y balot man ng itim,
Ang tinig ko naman ay tumatagingting.
Yaong kakawating ang Mayo, pagdatal,
Balot ng bulaklak ang aking katawan,
Saka sa pagpasok ng pagtatag-ulan,
Ang mga sanga ko’y lanta’t namamatay.
Walang utang na-di may bayad na buo,
Akong nagmasaya, ngayo’y isang bungo;
Huwag mong salangin, sa bahagyang bunggo
Sa puso’y nanatak ang saganang dugo.
Kung iyong titingnan sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Tila hinahagkan ang paa ng Dios.
Ipipikit ko na itong aking matang
Nang isang panahon ay langit ng saya;
Ngayon ay masdan mo, ikaw’y magtataka,
Ang langit na yao’y libingan na pala.

Para kang kumuha ng isang kandila
Na pinagbantay mo sa gabi ng luha;
Sa sariling hukay, sa gabing payapa’y
May luhang napatak na ayaw tumila.
At sa paanan ko’y nagkaroon ng batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Ang kanyang lagaslas ay daloy ng hapis,
Ang kanyang aliw-iw ay awit ng sakit.
Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan,
Parang luha na rin na kikinang-kinang;
Bakit binabati ng buwang malamlam,
Tanawi’t ang lungkot ay nakamamatay.


, ,,,,,,

Wednesday, May 7, 2008

PAG-IBIG NI JOSE CORAZON DE JESUS


PAG-IBIG NI JOSE CORAZON DE JESUS - a Tagalog poem about love. Jose Corazon de Jesus is also known as HUSENG BATUTE.



Pag-ibig
Isang aklat na maputi, ang isinusulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang Pag-ibig, isipan mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nanaghoy ang pagsuyo!
Ang pag-ibig na dakila aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaba, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Nguni’t kapag nag-alab na pati mundo’y nalimutan
Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!
Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit!

Ang pag-ibig ay mata, ang pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong na umibig, bawa’t sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
“Ako’y hindi makasulat at ang Nanay nakabantay!”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minahal!
Nguni’t kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumigid,
Kapag kayo’y umibig na, hahanapin ang panganib,
At ang pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

PAG-IBIG
Isang aklat na maputi, ang isinusulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang Pag-ibig, isipan mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nanaghoy ang pagsuyo!
Ang pag-ibig na dakila aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
At ang ilog kung bumaba, tandaan mo’t minsan lamang!
Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Nguni’t kapag nag-alab na pati mundo’y nalimutan
Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!
Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit!

Ang pag-ibig ay mata, ang pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong na umibig, bawa’t sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
“Ako’y hindi makasulat at ang Nanay nakabantay!”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minahal!
Nguni’t kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumigid,
Kapag kayo’y umibig na, hahanapin ang panganib,
At ang pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

, ,,,,,,

TAPUNAN NG LINGAP-TAGALOG POEM OF ANDRES BONIFACIO

TAPUNAN NG LINGAP is one of the poems written by ANDRES BONIFACIO. The other poem that he wrote in Spanish is MI ABANICO

"TAPUNAN NG LINGAP"

Sumandaling dinggin itong karaingan
Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Malaong panahon na nahahandusay
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Sa isang matuwid na kilala natin
Ay huwag ang gawang pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali
Na ikinasira ng taas ng uri,
Ang bayang Tagalog ay may asa dili
Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang
Tanawin ng tao at wikang mainam
King mananatili ina nating Bayan
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?

Kaya nga halina, mga kaibigan,
Kami ay tulungang ibangon sa hukay
Ang inang nabulid sa kapighatian
Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak
Sa mga balita ng Kastilang uslak;
Ugali ng isang sa tapang ay salat
Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

At huwag matakot sa pakikibaka
Sa lahing berdugo na lahing Espanya;
Nangaririto na para mangga-gaga,
Ang ating sarili ibig pang makuha.

Sa Diyos manalig at huwag pahimok
Sa kaaway natin na may loob hayop,
Walang ginagawa kundi ang manakot
At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,
Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
Sa mga anak mong napatatangkilik
Nang huwag lumbagos sa masamang hilig.
Kupkupin mo nama’t ituro ang landas
Ng katahimikan at magandang palad;
Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,
Kaluluwa naming nang di mapahamak.

Monday, May 5, 2008

DAHONG LAGAS NI JOSE CORAZON DE JESUS

tagalog poem
DAHONG LAGAS NI JOSE CORAZON DE JESUS -Tagalog Poems
I
Namamalas mo bang ang dahong nalagas,
Laruan ng hangin sa gitna ng landas,
Kung minsan sa iyong kamay ay mapadpad
Gaya ng paglapit ng kawawang palad?
Ako ay ganyan din, balang araw, irog,
Kung humahagibis ang bagyo at unos
Kagaya ay dahon sa gabing malungkot,
Ako sa piling mo’y ihahatid ng Dios.
II
Naririnig mo ba ang munting kuliglig
Na sa hatinggabi’y mag-isa sa lamig,
At sa bintana mo’y awit din nang awit
Ng nagdaang araw ng sawing pag-ibig?
Ako man ganyan din, darating ang araw
Na kung ako’y iyong sadyang nalimutan,
Ang kaluluwa ko’y ikaw’y lalapitan
At sa hatinggabi’y payapang hahagkan.
III
Paghihip ng hangin, pagguhit ng kidlat,
Kung ang hangi’t ulan ay napakalakas,
Kagaya ng dahon sa iyo’y papadpad,
Gaya ng kuliglig sa iyo’y tatawag.


At akong wala na sa iyong paningin,
Limot na ng madla’t halos limot mo rin,
Walang anu-ano sa gabing madilim,
Dahong ipapadpad sa iyo ng hangin.


, ,,,,,,

Sunday, May 4, 2008

PAKIKIDIGMA- TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS

PAKIKIDIGMA is a TAGALOG POEM OF JOSE CORAZON DE JESUS ALSO KNOWN AS HUSENG BATUTE. The poem is about the battle of life




Pakikidigma
Ang buhay ay isang pakikidigmang
walang katapusan.
Huwag kang uurong, lalalim ang sugat,
Ngunit naubos na ang dugong tatagas;
Ang sugat man naman kung buka’t bukadkad,
Tila humihingang bibig ng bulaklak.
Walang bagay ditong hindi natitiis
Pag lagi nang apdo ang iyong sinisid;
Ang lalong mabuti ang mukhang may gatla
Kumakaraniwan sa may ditang bibig.
Kung ikaw’y natalo o kaya nadapa,
Magbangon kang muli saka makidigma;
At lalong mabuti ang mukhang may gatla
Ng lahat ng iyong tinitiis na taga.
Huwag mong nasain ang maging bulak ka,
Iyan ay maputing dudumi pagdaka;
Habang ikaw’y bato sa isang kalsada,
Ang pison at gulong, kaibigan mo na.
Ikaw’y makidigma sa laot ng buhay
At walang bayaning nasindak sa laban;
Kung saan ka lalong mayrong kahinaan,
Doon mo dukutin ang iyong tagumpay.

Saturday, May 3, 2008

ARRIVAL SPEECH OF BENIGNO AQUINO, JR

ARRIVAL SPEECH OF BENIGNO AQUINO, JR THAT WAS
never delivered on August 21, 1983 because he was gunned down by his military
escorts at the airport tarmac immediately after his arrival. His martyrdom started the chain of events that led to the overthrow of the Marcos government 3 years later.

benigno aquino

I HAVE RETURNED on my free will to join the ranks of those struggling to restore our
rights and freedoms through non-violence.
I SEEK NO confrontation. I only pray and will strive for a genuine national reconciliation
founded on justice.
I AM PREPARED for the worst, and have decided against the advice of my mother, my
spiritual adviser, many of my tested friends and a few of my most valued political mentors.
A DEATH SENTENCE awaits me. Two more subversion charges, both calling for death
penalties, have been filed since I left three years ago and are now pending with the courts.
I COULD HAVE opted to seek political asylum in America, but I feel it is my duty, as it is
the duty of every Filipino, to suffer with his people especially in time of crisis.
I NEVER SOUGHT nor have I been given any assurances, or promise of leniency by the
regime. I return voluntarily armed only with a clear conscience and fortified in the faith that in
the end, justice will emerge triumphant.
ACCORDING TO GANDHI, the willing sacrifice of the innocent is the most powerful
answer to insolent tyranny that has yet been conceived by God and man.
THREE YEARS AGO when I left for an emergency heart bypass operation, I hoped and
prayed that the rights and freedoms of our people would soon be restored, that living conditions
would improve and that blood-letting would stop.
RATHER THAN MOVE forward we have moved backward. The killings have increased,
the economy has taken a turn for the worse and the human rights situation has deteriorated.


DURING THE MARTIAL law period, the Supreme Court heard petitions for habeas
corpus. It is most ironic after martial law has allegedly been lifted, that the Supreme Court last
April ruled it can no longer entertain petitions for habeas corpus for person detained under the
Presidential Commitment Order, which covers all so-called national security cases and which
under present circumstances can cover almost anything.
THE COUNTRY IS far advanced in her times of trouble. Economic, social and political
problems bedevil the Filipino. These problems may be surmounted if we are united. But we can
be united only if all the rights and freedoms enjoyed before September 21, 1972 are fully
restored.
THE FILIPINO ASKED for nothing more, but will surely accept nothing less, than all the
rights and freedoms guaranteed by the 1935 constitution – the most sacred legacies from the
founding fathers.
YES, THE FILIPINO is patient, but there is a limit to his patience. Must we wait until that
patience snaps?
THE NATIONWIDE REBELLION is escalating and threatens to explode into a bloody
revolution. There is a growing cadre of young Filipinos who have finally come to realize that
freedom is never granted, it is taken. Must we relive the agonies and the bloodletting of the past
that brought forth our republic or can we sit down as brothers and sisters and discuss our
differences with reason and goodwill?
I HAVE OFTEN wondered how many disputes could have been settled easily had the
disputants only dared to define their terms.
SO AS TO leave no room for misunderstanding, I shall define my terms:
1. Six years ago, I was sentenced to die before a firing squad by a military tribunal whose
jurisdiction I steadfastly refused to recognize. It is now time for the regime to decide. Order my
immediate execution or set me free. I was sentenced to die for allegedly being the leading
communist leader. I am not a communist, never was and never will be.
2. National reconciliation and unity can be achieved, but only with justice, including justice
for our Muslim and Ifugao brothers. There can be no deal with a dictator. No compromise with
dictatorship.
3. In a revolution there can really be no victors, only victims. We do not have to destroy in
order to build.

4. Subversion stems from economic, social, and political causes and will not be solved by
purely military solution: It can be curbed not with ever increasing repression but with a more
equitable distribution of wealth, more democracy and more freedom.
5. For the economy to get going once again, the working man must be given his just and
rightful share of his labor, and to the owners and managers must be restored the hope where
there is so must uncertainty if not despair.
ON ONE OF the long corridors of Harvard University are carved in granite the words of
Archibald Macleish: ‘How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms; by
truth when it is attacked by lies; by democratic faith when it is attacked by authoritarian dogma.
Always and in the final act, by determination and faith.’
I RETURN FROM exile and an uncertain future with only determination and faith to
offer – faith in our people and faith in God.


, ,,,,,,

Friday, May 2, 2008

MI ABANICO BY ANDRES BONIFACIO

andres bonifacio
MI ABANICO is a poem written in Spanish by ANDRES BONIFACIO when he was young and peddling fans to support his orphaned siblings.


MI ABANICO

Del sol nos molesta mucho el resplandor,
Comprar un abanico de quita el sol;
Aqui sortijas traigo de gran valor,
De lo bueno acaba de lo major,
De lo major.

El abanico servi sabeis para que?
Para cubrir el rostro de una mujer,
Y con disimulo podreis mirara,
Por entre las rajillas del abanico
Vereis la mar.


, ,,,,,,