Saturday, August 2, 2008

TAYUTAY AT ANG MGA URI AT HALIMBAWA

Ang TAYUTAY ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

Mga uri ng tayutay

* Simili o pagtutulad - Payak at lantad na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-magkasim-, at iba pa. Halimbawa:

1. Tulad ng ibong nakawala sa hawla, siya ay masayang patalon-talon nang makalabas siya ay malanghap ang sariwang hangin.

2. Tila siya yelong natunaw dahil sa kahihiyan.

3. Ang kaniyang kagandahan ay kawangis ng bulaklak na bago palang kabubukadkad.

4. Paris ng mga langgam na nag-iipon ng pagkain bago magtag-ulan,ang mga magsasaka ay may sunong ng mga sako ng palay mula sa tumana. (farm)

5. Sing-bagsik niya ang leon nang siya ay masugatan sa laban.

6. Magkasing-bilis sa takbuhan ang kuneho at ang batang tumatakas palo ng magulang.


* Metapora o pagwawangis - Tuwiran ding paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa maga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Halimbawa:

Ang kaniyang pagkatao ay malalim pa sa dagat na hindi kayang arukin.

* Personipikasyon - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. Halimbawa:

1. Sinampal ang aking pisngi ng mainit na hanging nanggaling sa apoy.

2. Itinulak ako ng malakas na hangin palayo sa aking paroroonan.

3. Nagising siyang hinahalikan siya ng sinag ng araw mula sa bintanang nakaawang.


* Apostrope o pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa:

1. Buhay, bakit ka mahiwaga?

2. Kalayaan, bakit ka mailap?

3. Pag-ibig, layuan mo ako.

* Pag-uulit
o Aliterasyon
- Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Hallimbawa:

Pagod at Pawisan siyang dumating na tila hinhabol ng isa niyang kinatatakutan.


o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Halimbawa

Babangon ang mga naaping mga mamamayan
Babangon sila at pakikilaban ang kanilang karapatan.
Babangon sila sa matagal na pagkakahimlay.
Babangon sila at handang pumatay.


o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

Halimbawa:

Sumisilakbo pa rin sa kaniya ang galit,
Galit na matagal din niyang sinikil,
Sinikil niya ang damdamin upang hindi makasakit,
Makasakit sa mahal niya at buong-pusong iniibig.


o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Halimbawa:
Noong siya ay bata pa, ang kaniyang pag-iisip ay sa bata; ang kaniyang mga kilos ay sa bata; ang kaniyang pang-unawa ay sa bata. Ngayong malaki na siya ay walang pagbabago, asal bata pa rin siya.

o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
* Pagmamalabis - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Walang halimbawa.

* Panghihimig o onamatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:

1. Narinig niya ang klang klang ng nahuhulog na mga lata mula sa itaas.
2. Sinundan niyaang twit twit na narinig niya. Mula pala ito sa ibong nakadapo sa kanilang balkonahe.

* Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Halimbawa:

Ang kaniyang awit ay kasing tunog ng malinaw na alulong ng aso na nakakita ng multo.


* Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Walang halimbawa.

* Paglilipat-wika o Transferred epithet - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

1. Malungkot na umaga ang naramdaman niya pag gising. Kulimlim ang langit na nagbabadya ang ulan.

2. Madilim ang kinabukasan para sa kaniya at kaniyang pamilya mula nang iwanan sila ng kanilang ama.
* Balintunay - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

Walang halimbawa.


, ,,,,,,

No comments: