Friday, September 25, 2009

Summary of Chapter 64 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 64- Summary of Chapter 64 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  64
Katapusan


Si Pari Damaso ay tumira na sa Maynila mula nang pumasok sa kumbento si Maria Clara. Pinadala siya sa isang malayong lalawigan kung saan namatay siya sa bangungot o sama ng loob.

Si

Pati si Kapitan Tiyago ay naghirap ang kalooban sa pagpasok ni Maria Clara bilang mongha. Napabayaan niya ang kaniyang negosyo hanggang ang bahay niya ay mailit. Wala siyang ginawa kung hindi magsabong at magmarijuana. Nakalimutan na siya ng mga tao.

Si Dona Victorina ay nagdagdag ng kulot sa ulo. Ang kaniyang asawang si Don Tiburcio ay wala ng ngipin wala nang ginagawa. Siya na lang ang nangungutsero

Thursday, September 24, 2009

Summary of Chapter 63 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 63- Summary of Chapter 63 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  63
Ang Noche Buena

Si  Basilio ay nailigtas ng mag-anak na nakatira sa isang bundok na nabubuhay sa pangangahoy at pangangaso. Dalawang buwan na ang nakaraan at magaling-galing na si Basilio.

Nagpaalam siya sa mag-anak para hanapin niya ang kaniyang ina.

Malungkot na sa San Diego nang Paskong yaon. Walang parol at madilim ang kapaligiran. Si Don Filipo ay pinawalang sala sa bintang na paghihimagsik. Habang nag-uusap sila ni Kapitan Basilio, namataan nila si Sisa na palaboy-laboy.

 Habag na habag naman si Sinang, Victoria at Iday kina Maria Clara at Ibarra, Nakatanggap si Sinang  ng sulat sa kaibigan pero hindi niya binubuksan,

Hinanap ni Basilio ang ina nang hindi niya ito makita sa kanilang tahanan. Nakita niya ito sa tapat ng bahay ng alperes.

Tumakbo si Sisa ng makita ang sibil na inutusang papanhikin siya. Hinabol ni Basilio ang ina hanggang makarating ito sa gubat kung saan mayroong libingan.


Niyakap ni Basilio ang ina na nakilala siya bago ito nawalan ng malay tao.

Nawalang ng ulirat si Basilio at nang mahimasmasan siya, nakita niyang patay na ang kaniyang inang si Sisa.

May lumapit na duguang lalaki kay Basilio. Siya si Elias na nanghihina na. Inutusan niyang magsiga si Basilio at sunugin ang kanilang bangkay. Itinagubilin niya ang salapi na nakabaon at pinayuhan niya itong mag-aral. Gamitin niya  ang salapi kung walang aangkin nito.

Si Elias ay pumanaw na nakatingin sa silangan, Sinabi niyang mamatay siya na hindi makikita ang bukang liwayway sa lupa niyang minanahal. Natanaw ng mga tao sa San Diego ang sigang ginawa ni Basilio para sunugin ang labi ni Sisa at ni Elias.

Wednesday, September 23, 2009

Summary of Chapter 62 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 62- Summary of Chapter 62 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  62
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso


Hindi man lang sinulyapan ni Maria Clara ang mga regalong nakatambak sa lamesa para sa kasal niya. Nabasa niya ang nangyaring barilan sa lawa kung saan ibinalita na napatay si Ibarra.

Dumating si Pari Damaso. Hiniling ni Maria Clara na huwag ng ituloy ang kasal dahil ngayong patay na si Ibarra, dalawa lamang ang pinagpipilian niya, ang kamatayan o ang pagpasok sa kumbento,

Nag-isip si Pari Damaso sa sinabi ni Maria Clara. Napaiyak siya habang sinasabi niya kung gaano niya kamahal si Maria Clara. Humingi siya ng tawad sa dalaga. Pinahintulutan niyang pumasok si Maria Clara sa kumbento kaysa piliin nitong mamatay.

Umalis siyang malungkot at pabulong niyang sinabing may Diyos nga  na nagpaparusa.

Ipinagdasal niya na siya na lang ang parusahan at huwag ang kaniyang anak, Nararamdaman niya ang sakit na nadarama ni Maria Clara.

Tuesday, September 22, 2009

Summary of Chapter 61 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 61- Summary of Chapter 61 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  61
Ang Barilan sa Lawa

Ipinagtapat ni

Inalok din ni  Ibarra na isasama niya si Elias at magturingan silang magkapatid. Hindi pumayag si Elias.

Itatago raw niya si Ibarra sa bahay ng kaibigan niya sa Mandaluyong. Napadaan sila sa palasyo kung saan sinita si Elias ng isang bantay. Naniwala naman ang bantay sa sinabi ni Elias na magdadala siya ng damo sa kura. Binalaan lang siya  na mag=ingat dahil  may nakataks na bilanggo.

Pinabayaan silang makaraan ng bantay at tumuloy sila sa Ilog Beata.

Nagkuwentuhan sila ni Ibarra na ipnalabas na niya sa tinataguan, Nang makarating sila sa Sta. Ana, nadaan sila sa bahay-bakasyunan ng Heswita kung saan naalala ni Elias  ang masasayang araw nila ng kaniyang magulang at kapatid.

Nakarating sila sa lawa ng mag-uumaga na. Dito ay nakita nila ang mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga niya ulit si Ibarra at tinakpan ng bayong. Umiwas sila sa kawan ng mga sibil at nagsagwan si Elias pabalik sa bunganga ng Ilog Pasig.
Doon ay may nakita na naman siyang mga sibil at sa takot na masalikupan sila, naghubad siya ng damit upang lumangoy. Sinabi niya kay Ibarra na magkita sila sa libingan ng nuno ni Ibarra.

Tumalon si Elias sa tubig at siya ang  napagtuunan ng mga sibil. Pinaputukan siya tuwing nakikita siyang lumilitaw sa tubig

Napansin ng mga sibil na may bahid ng dugo  ang pampang kaya pagkaraan ng tatlong oras ay umalis na rin sila.

Monday, September 21, 2009

Summary of Chapter 60 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 60- Summary of Chapter 60 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  60
Ikakasal na si Maria Clara


Dahil hindi hinuli si  Kapitan Tiyago, siya ay nagpamisa sa tatlong simbahan. Hindi man siya naimbita na kagaya ni Kapitan Tinong kasama ng mga sikat na tao pero masaya pa rin siya dahil mas masuwerte siya sa Kapitan. Mula nang naimbitahan si Kapitan Tinong, nagging sakitin ito dahil natatakot itong mabati ng isang pilibustero at mawala ang pribilehiyo niya na malapit sa pamahalaan.

Umakyat ng pamamanhikan si Linares at mag-asawang de Espadana. Humarap si Maria kahit siya ay masama ang pakiramdam.

Napagkasunduan ang kanilang kasal ni Linares.
Inisip na ni Kapitan Tiyago na labas masok siya sa palasyo dahil kay Linares na mamanugangin niya.

Kinabujasan ay maraming panauhin si Kapitan Tiyago, kasama na sina Pari Salvi. Pari Sybila, ang alperes na itinaas na ang ranggo. Dumating din si Tinyente Guevarra ng mga sibil.

Naging usap-usapan ng mga kababaihan si Maria na tinawag na tanga dahil alam nilang pagsasamantalahan lang ni Linares ang kayamanan nito.

Nandoon din yong madali kaagad siyang nakahanap ng kapalit ng kaniyang kasintahang bibitayin.

Nasaktan si Maria sa lahat ng narinig niya.

Si Pari Salvi ay nabalitang ililipat sa Maynila pero ang alperes ay di pa alam kung saan madedestino.

Sabi ni Tinyente Guevarra, hindi mabibitay si Ibarra kagaya ng GOMBURZA. Maaring ipatapon lang.

Lumabas sa azotea si Maria Clara at doon nakita niya ang isang bangka na may lamang mga damo. Si Ibarra at si Elias ang nasa bangka. Tinulungan ni Elias na tumakas si Ibarra at nakiusap ito na dalhin muna siya  kay Maria Clara.

Binibigyan na ni Ibarra ng laya si Maria Clara na nagtapat na kaya lamang siya magpapakasal ay dahil sa namatay nitong ina at ang dalawa niyang amang buhay pa.

Pagkatapos magpaalaman, muling bumalik si Ibarra sa bangka at sumagwan papalayo si Elias habang umiiyak si Maria.

Sunday, September 20, 2009

Summary of Chapter 59 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 59- Summary of Chapter 59 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  59
Pag-ibig sa Bayan


Nalathala sa diyaryo ang naganap na kaguluhan sa San Diego. Ang balitang nalathala ay kakaiba naman sa kuwntong nanggaling sa kumbento.

Pati mga kuro-kuro ay naiiba depende sa isip, damdamin at paniniwala ng mga tao.

May mga sinugo sa kumbento para mag-imbestiga nang tunay na nangyari. May mga tao namang pumunta sa palasyo at naghandog ng tulong laban sa mga naghihimagsik.

Karamihan ay pinuri si Pari Salvi sa naganap sa kaniyang nasasakupan.

Ang mga nag-aaral sa Heswita ay may mga opinion na halos ay pilibustero na.

Si Kaptan Tinong ay galit na galit kay Ibarra dahil sa kagandahang loob na ipinakita nito. Ang asawa nito ay nagsabing binabalak niyang ihandog ang kaniyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik sakali man siya ay naging lalaki.

.Naiinis si Kapitan Tinong sa asawa. Dumating  si Don Primitivo na kanilang pinsan at mahilg mag Latin.

Hiningan siya ng payo ni Tinchang dahil inaakala nilang matalino ito. 

Payo ni Don Primitivo na iwasan si Ibarra dahil maraming napaparusahan dahil lamang sa kasalanan ng kasama.

Suhestiyon ni Don Primitivo na magregalo sina Kapitan Tinong ng alahas sa heneral  at sunugin ang anumang kasulatan na nauugnay kay Ibarra,

Sa pagtitipon sa Intramuros, napag-usapan na nagalit daw ang Kapitan Heneral kay Ibarra dahil sa maganda ang pinakita nito sa binata. Isang babae naman ang nagsabi na ang layunin ni Ibarra sa paaralan ay gamitin ito sa kaniyang paghihimagsik laban sa gobyerno.

Isa si Kapitan Tinong sa naimbita sa Fuerza de Santiago na matulog kasama ang ilang mayayaman at tanyag na tao.

Saturday, September 19, 2009


Chapter 58- Summary of Chapter 58 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  58
Ang Sinumpa

Hindi mapalagay ang mga pamilya ng mga bilanggo. Naghahanap sila nang malalapitan upang mapalaya ang kani-kanilang kamag-anak na nahuli.

Hindi nakikipag-usap ang kura kahit  kanino at nagkulong lang ito sa kumbento. Nagdagdag pa ang mga bantay ang alperes para huwag makalapit ang babaeng humihingi ng awa sa kaniya.

Si Kapitan Tinay ay walang hintong tinatawag ang pangalan ng kaniyang anak na si Antonio. Nakabantay naman si Kapitan Maria para makita niya ang kaniyang anak na kambal. Ang biyenan ni Andong ay pinamamarali na kaya ito hinuli dahil bago ang kaniyang salawal.

Isang babae ang sumisisi kay Ibarra na pakana niya ang lahat. Ang guro ng paaralan ay nandoon samantalang nakaitim si Nol Juan dahil alam niyang hindi na makakaligtas si Ibarra.

Isang kariton ang dumating para dalhin ang mga bilanggo.
Unang lumabas ay ang mga kawal na sinundan ng mga bilanggo. Si Don Filipo ay hindi nagpakita ng takot.
Ang ibang mga bilanggo ay nag-iyakan nang makita ang kanilang mga mahal sa buhay.

Lahat ay nakagapos pati ang seminaristang si Albano, maliban kay Ibarra. Nagpagapos din siya pero wala pa ring bumati sa kaniyang kaibigan. .

Sa halip , siya ay sinisigawan at binabato ng mga taong naniniwalang siya ay may pakana lahat.
Kahit ang kaibigan ni Maria Clarang si Sinang ay hindi pinaiyak at pinadamay ni Kapitan Basilio.

Si Pilosopo Tasyo na nagmamasid sa hindi kalayuan ay nakitang patay kinabukasan.

Friday, September 18, 2009

Summary of Chapter 57 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 57- Summary of Chapter 57 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  57
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig


Maraming nag-uusisa sa kwartel sa mga nahuling buhay sa mga lumusob sa kumbento, Naroon ang alperes na namumuno ng imbestigasyon , si Donya Consolacion, ang direktorsilyo at ang kura na dumating ng gabi na,

Tinanong niya sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang batang duguan ang suot.

Pinagpapalo ng yantok si Tarsilo hanggang siya ay duguan.

Hindi umamin si Tarsilo na kasangkot si Ibarra. Ipinagtapat niya niya na paghihiganti ang dahilan ng kanilang paglusob.

Isang bilanggo na nagpapalahaw ang itinanong sa kaniya kung sino. Ang kura paroko ay umalis nang hindi makatagal sa parusang ginagawa sa bilanggo. Nakita niya ang parang baliw na dalaga na kapatid nina Tarsilo at Bruno.

Namatay si Tarsilo pagkatapos ilang beses ilublob sa balon ng maruming tibig.


Ang napagtuunan naman ay ang isang preso na nahuli lang nagbabawas sa may kumbento, Ipinabalik ito sa karsel ng alperes dahil pagod at antok na siya.

Thursday, September 17, 2009

Summary of Chapter 56 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 56- Summary of Chapter 56 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  56
Ang mga Sabi at Kuro-kuro


Kung hindi dahil sa batang nagkalakas ng loob na buksan ang bintana, hindi pa sana maglalabasan ang mga tao sa San Diego. Takot pa rin sila sa putukan ng nagdaang gabi.

Iba-iba ang kanilang mga haka-haka sa nangyari.Sabi ng iba si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ang sabi naman ng iba ay  tinangka raw ni Ibarra na itanan si Maria Clara kaya ito dinakip.

Pinalagay nila na ayaw ng binatang mapakasal si Maria kay Linares at pinigilang ito ni Kapitan Tiyago sa tulong mg mga sibil.

Si Hermano Pute na nakausap ang isang lalaking nanggaling sa tribunal ang nagsabi ng balita na gumaganti raw si Ibarra kaya pati simbahan ay dinamay nito. Nagtapat na raw si Bruno.

Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ni Ibarra. Isang babae naman ang nagbalita na nakita si Lucas na nakabitin sa puno.

Wednesday, September 16, 2009

Summary of Chapter 55 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 55- Summary of Chapter 55 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  55
Ang Pagkakagulo


Mag-ikawalo na ng gabi at kumakain ang mga tao ng hapunan. Si Maria Clara ay nagdahilang walang gana pero niyaya niya si Sinang na hintayin nila si Ibarra sa may piyano. Si Pari Salvi na hindi mapalagay  at Linares na kumakain  ay nasa bahay din ni Kapitan Tiyago.

Nang sumapit ang ikawalo,  dumating si Ibarra na luksang luksa. Habang palapit si Maria Clara sa kasintahan ay may narining na putok ng mga baril. Ang kura ay nagtago sa haligi. Si Tia Isabel ay panay ang dasal habang ang pintuan at bintana ay pinagsasara ng mga katulong.

Nang matapos ang putukan, pinapanaog ng alperes si Pari Salvi na akala niya ay nasugatan. Si Ibarra ay nanaog din habang si Tia Isabel ay pinapasok ang magkaibigang si Maria at Sinang sa kuwarto.

Pagdating ni Ibarra sa bahay ay pinahanda niya ang kabayo at pinuno ang maleta ng hiyas, salapi at larawan ni Maria. Papaalis na siya nang dumating ang sarhentong Kastila at siya ay hinuli.

Tamang-tama naman na dumating si Elias na gulong-gulo pa rin ang isip dahil sa nalamang lihim ni Ibarra. Hindi siya tumuloy gayunman ay bumalik pa rin siya sa bahay at kinuha ang mga aklat, kasulatan, alahas at baril ni Ibarra nang makita niya ang mga sundalo. Isinilid niya ito sa isang sako at inihulog sa bintana.

Sinilaban niya ang mga damit at papel. Nagtangkang pumasok ang mga sundalo pero hindi pumayag ang mga katulong.

Nakapasok din sila pero apoy ang sumaluboong sa kanila. Nagpulasan ang sibil at mga katulong palabas ng bahay.

Tuesday, September 15, 2009

Summary of Chapter 54 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 54- Summary of Chapter 54 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  54
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Nagmamadaling sumugod ang  kura sa bahay ng alperes upang sabihin dito na lulusubin ang kumbento ayon sa isang babae na nagkumpisal sa kaniya.

Naghanda ang alperes at ang kura para mahuli ng buhay ang mga insurektos at malaman kung sino ang utak nila.

Isang lalaki ang mabilis na patungo sa bahay ni Ibarra. Ito ay si Elias. Sinabi nito si binata ang paglusob na gagawin sa kumbento nang gabing yaon.

Pinasusunog nito ang mga dokumento na maaring magsangkot sa kaniya sa kaguluhan. Nagtapat din siya na si Ibarra ang pinagbibintangan na namumuno sa pagrerebelde.

Habang pinipili nila ang mga kasulatan, nakita ni Elias ang tungkol kay Don Pedro Eibarramenda na ipinagtapat ni Ibarra na kaniyang nuno.

Tinangkang patayin ni Elias si Ibarra nanag makilala niya na ang nunong yaon ang nagpahirap sa kanilang angkan.

Napigilan pa rin ni Elias ang pagpatay kay Ibarra na naiwang nagtataka sa pangtangka ni Elias sa kaniyang buhay.

Monday, September 14, 2009

Summary of Chapter 53 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 53- Summary of Chapter 53 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  53
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Maraming haka-haka tungkol sa ilaw na nakita sa libingan nang nagdaang gabi. Ayon sa mg Kapatiran ng San Francsico, may dalawampung kandila ang nakasindi. Si Ermana Sipa naman ay nagsabi na nakarinig siya ng panaghoy samantalang ang kura ay nagpaalaala sa mga kaluluwa sa purgatoryo.

 Nag-uusap si  Don Filipo at Pilosopong Tasyo tungkol sa pagtanggap ng alkalde sa pagbibitiw ni Don Filipo.

Hindi sang-ayon si  Pilosopo Tasyo na nagsabi ng kaniyang obserbasyon tungkol sa mga nangyayari sa bayan. Ang mga paglalakbay ng mga kabataan sa Europa ay nagdadagdag ng maraming kaalaman at tapang ng loob upang salungatin ang simbahan.

Sa pagpapalitan nila ng kuro-kuro, napansin ni Don Filipo na mahina na si Pilosopong Tasyo. Pinayuhan niya itong uminom ng gamut pero tumanggi ang matanda.

Sak kaniya, ang mga mamamatay na ay hindi na kailangan ng gamot. Pinakiusapan niya si Don Filipo na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kaniya dahil malapit na siyang mamatay.

Nagpaalam na si Don Filipo kay Pilosopong Tasyo.

.

Sunday, September 13, 2009

Summary of Chapter 52 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 52- Summary of Chapter 52 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  52
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino


Tatlong anino ang nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan nang gabing yaon. Hinihintay nila Si Elias.

Napag-usapan nila kung bakit sila pumayag na lusubin ang kumbento. Ang isa ay napangakuan daw ni Ibarra  na ipagagamot ang asawa sa Maynila.

May dumating na isang tao na nagpaliwanag na hindi kaagad siya nakarating dahil siya ay sinusubaybayan ng sibil. Inutusan niya ang mga dinatnan niya na maghiwa-hiwalay muna sila at bukas nila tatanggapin ang mga sandata. Ipinagbunyi nila si Crisostomo Ibarra.


Naiwan ang bagong dating na naghintay pa sa ikalawang anino. Sa sinilungan nila nagkita ang dalawa.Sa ibabaw ng puntod ay nagsugal sila pampalipas ng oras.  Ang mas mataas na lalaki ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas.

Natalo si Elias at umalis na. Dalawang sibil na nag-uusap tungkol sa paghuli kay Elias ang nakasalubong si Lucas.
Sinabi ni Lucas na siya ay papunta sa simbahan para magpamisa.

Pinakawalan nila si Lucas nang makita ang pilat nito. Ang sunod naman nilang sinita ay si Elias na sinabing hinahabol niya ang taong may pilat dahil ito ang bumugbog sa kaniyang kapatid. Hinabol ng mga sibil si Lucas

Saturday, September 12, 2009

Chapter 51- Summary of Chapter 51 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 51- Summary of Chapter 51 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  51
Mga Pagbabago


Nakatanggap ng sulat si Linares mula kay Donya Victorina tungkol sa utos nitong paghahamon sa alperes. Binalaan ng Donya na ibubunyag niya ang katotohanan na hindi naman talaga siya kagaya nang pinalabas nila. Pinangakuan din niya ng maraming pera ang binata kung susundin siya nito.

 Nabalisa siya dahil sa ginigipit siya ng Donya.

Nagmano si < Kapitan Tiyago kay Pari Salvi. Naging mabait ang kura kay Ibarra. Si Pari Damaso na lang ang kanilang problema sa pagpapatawad.

Pumasok si Maria sa kaniyang kuwarto kasama ang kaibigan na si Victoria.

Si Sinang na napagtanungan ni Ibarra ang nagsabi dito na kalimutan na siya ng binataIbig niyang makausap ng sarilinan si Maria Clara. Umalis din kaagad siya. .
Nang mamatay ang kanilang nuno, umuwi sila sa lalawigan para asikasuhin ang naiwang kabuhayan.

Isang kamag-anak nila ang nagbunyag ng kanilang lihim na pinatunayan ng matadang utusan. Ang utusan palang ito ay ang kanilang ama.

Ang kasintahan ng kapatid ni Elias ay ipinakasal ng magulang sa iba. Naglayas ang kapatid niya at lumipas ang ilang buwan, natagpuan itong patay.

Umalis si Elias sa kanilang lalawigan at nagpagala-gala na lamang.

Sa pagpapapalitan ng kuro-kuro, sa huli ay nakiisa si Ibarra sa mga nangyari kay Elias pero naniniwala siya ang sama ay hindi napupuksa  ng sama rin.

Friday, September 11, 2009

Summary of Chapter 50 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 50- Summary of Chapter 50 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  50
Ang mga Kaanak ni Elias

Bago nagkahiwalay si Elias at Ibarra, ikunuwento ng piloto ng Bangka ang kaniyang buhay.

Ang kaniyang nuno ay napagbintangang nagsunog ng bahay-kalakal kung saan siya nagtrabaho. Nahatulan siyang ilibot  sa bayan at paghahagupit sa daan. Ang kaniyang asawa ay natutong maghanap ng hindi magandang trabaho para lamang sila mabuhay. Dahil sa sama ng loob, nagbigti ang lalaki.

Hindi ito naipalibing ng asawa kaya pinarusahan ding paluin pagkatapos niyang manganak. Tumakas ang babae kasama ang mga anak, Ang kaniyang panganay ay naging tulisan. 

Isang araw ay natagpuang patay ang babae kaya magpasiya ang bunsong anak na lumayo. Siya ay namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Nagsinop siya at akapagpundar ng kabuhayan.
Nakakilala siya ng isang dalaga na kaniyang niligawan.
Nabuntis ang babae na hindi pa sila kasal. Kambal ang naging anak; si Elias at ang kapatid nitong babae. Nakulong siya dahil sa mayaman ang magulang ng dalaga.

Ipinamulat sa kanila ng magulang ng kanilang ina na patay na ang kanilang ama.Nag-aral si Elias sa mga Heswita at sa Concordia naman ang kaniyang kapatid.


Nang mamatay ang kanilang nuno, umuwi sila sa lalawigan para asikasuhin ang naiwang kabuhayan.

Isang kamag-anak nila ang nagbunyag ng kanilang lihim na pinatunayan ng matadang utusan. Ang utusan palang ito ay ang kanilang ama.

Ang kasintahan ng kapatid ni Elias ay ipinakasal ng magulang sa iba. Naglayas ang kapatid niya at lumipas ang ilang buwan, natagpuan itong patay.

Umalis si Elias sa kanilang lalawigan at nagpagala-gala na lamang.

Sa pagpapapalitan ng kuro-kuro, sa huli ay nakiisa si Ibarra sa mga nangyari kay Elias pero naniniwala siya ang sama ay hindi napupuksa  ng sama rin.

Thursday, September 10, 2009

Summary of Chapter 49 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)



Chapter 49- Summary of Chapter 49 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  49
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig


Dahil sa  ayaw ni Ibarra na isipin ni Elias na umiiwas siya,hindi niya nagkataon para kausapin ang alperes na nasalubong niya. Naalala rin niya ang balak niyang dalawin si Maria.

Sa Bangka ay hindi na nagpaligoy-ligoy si Elias.

Sinabi ni  Elias na siya ang tinig ng mga sawimpalad. Si Kapitan Pablo na puno ng tulisan na ang pangalan ay hindi niya binanggit ay humihingi ng pagbabago sa pamahalaan
tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng dignidad sa mga tao, at pagbawas ng kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na nagiging dahilan ng kanilang pag-aabuso sa karapatang pangtao..

Handa si Ibarra na gamitin ang pera upang humingi ng tulong sa mga kaibigan niya sa Madrid at pati sa Kapitan Heneral pero iniisip niya na sa halip makabuti ay baka lalong makasama ang kanilang balak.

Ipinaliwanag ni Ibarra na ang pagbawas ng kapangyarihan ng sibil ay makasama dahil baka malagay naman sa panganib ang mga tao.

Sinabi ni Ibarra na upang magamot ang sakit, kailangang gamutin ang sakit mismo at hindi ang sintomas lang. Kapag malala na ang sakit, kung kailangan ang dahas para ito ay masugpo ay kailangang ilapat ang ang panlunas kahit na nahapdi.

Nagdebate sila sa buting nagawa ng simbahan at ang sanhi ng panunulisan ng mga tao.

Hindi napapayag ni Elias si Ibarra sa kaniyang pakiusap sa binata kaya sinabi nitong sasabihin niya sa mga sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.

Wednesday, September 9, 2009

Summary of Chapter 48 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 48- Summary of Chapter 48 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  48
Ang Talinhaga

Kaagad pinuntahan ni  Ibarra ang bahay ni Kapitan Tiyago nang siya ay dumating upang ibalita na hindi na siya ekskumulgado ng simbahan. Dala niya ang sulat mula sa arsobispo na kailangang ibigay niya sa kura.

Natuwa si Tia Isabel sa balita. Sa balkonahe ay nakita niya ang kasintahan na nakaupo habang si Linares ay nag-aayos ng kumpol ng bulaklak. Nagulat ang dalaga at si Linares pagdating ni Ibarra.

Sinabi lang ni Ibarra ang magandang balita ay siya ay nag-palaam na malungkot.

Malungkot din si Maria Clara.

Pumunta siya sa pinagagawang paaralan kung saan binati siya ni Nol Juan. Ibinalita rin niya ang pagka-alis ng kaniyang ekskumonikasyon.

Nandoon din si Elias na kasama ng manggagawa. Gusto ni Elias na kausapin si Ibarra kahit ilang oras lang. Sa banding hapon, sabi ni Elias ay mamangka sila sa lawa para mag-usap.
Pumayag si Ibarra. Dumating si Nol Juan at ibinigay sa kaniya ang listahan ng mga gumagawa sa paaralan. Wala ang pangalan ni Elias. .

Tuesday, September 8, 2009

Summary of Chapter 47 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 47- Summary of Chapter 47 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  47
Ang Dalawang Senyora

Sa pamamasyal ni napadaan sila sa bahay ni Donya Consolacion, ang asawa ng alperes. Nagkainitan ang dalawang donya nang tiningnan ng matalim ni Donya Victorina si Donya Consolacion. Sa palitan ng mga maanghang na salita, ibininulatlat ni ni Donya Victorina ang pagiging dating labandera ng asawa ng alperes.

Pinintasan naman ni Donya Consolacion si Don Tiburcio.Dumating ang alperes bago nasaktan ni Donya Victorina si Donya Consolacion ng kaniyang latigo.

Dumating din ang kura para umawat pero sininghalan lang ito ng alperes.

Inutusan ni Donya Victorina na hamunin ng duwelo ni Don Tiburcio ang alperes pero tumanggi ito.

Umalis na sila at si Linares ang napagbuntunan niya at inutusan niyang humamon sa alperes kung hindi ay ibubunyag niya ang pagkatao nito.

Malungkot na dumating si Kapitan Tiyago na natalo ang manok sa sabungan. Sinabi ni Donya Victorina na huwag payagang makasal si Linares pag hindi ito nakipagduwelo sa alperes.

Iniwan nila ang singil nila sa paggamot kay Maria Clara na nagkakahalaga ng ilang libong piso.

Monday, September 7, 2009

Summary of Chapter 46 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 46- Summary of Chapter 46 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  46
Ang Sabungan

Ang sabungan ay laganap sa lahat ng parte ng Pilipinas. May bayad ang pagpasok dito. Sa lugar ng ulutan ay makikita ang mga tahur, ang magtatari at ang mga sobrang Mahilig sa sabong. Dito nagkakasunduan at nagbabayaran. Sa ruweda, ginanganp ang sultada.

Nang araw na yaon ay nasa loob ng sabungan si Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at si Lucas. Dumating din si Kapitan
Tiyago na may daang manok na isasabong.

Maglalaban ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Ang pustahan ay tatlong libong piso.

Ang magkapatid na Tarsilo at Bruno. ay gustong pumusta pero wala silang pera. Nangungutang sila kay Lucas  pero sinabi ng huli na hindi kaniya ang pera kung hindi kay Crisostomo Ibarra at mayroon siyang kondisyon sa pagpapa-utang.

Ang ama ng magkapatid ay pinatay ng guwardiya sibil pero ayaw nilang maghiganti.

Hindi pumayag ang nakakatandang kapatid sa kondisyon ni Lucas.

Nananalo ang pulang manok sa puti. Mamghinayang sila sa
Sama’y pinanalunan nila kung sila ay pumusta. Lalo pa itong sumidhi ng nakita nila ang asawa ni Sisa na si Pedro  na nanalo.

Ang susunod na laban ay ang mga manok ni Kapitan Tiyago at Kapitan Basilio.

Lumapit uli ang magkapatid kay Lucas. Binigyan sila ng tig tatlumpong piso sa kundisyong sasama sila sa paglusob sa kartel.

Hinikayat din ni Lucas na magsama pa ng iba at bibigyan niya ng dagdag na tig-sasampung piso. Pag nagtagumpay ang kanilang paglusob, bibigyan niya ng tig-dalawang daan piso ang magkapatid.

Ang mga armas daw ay darating kinabukasan.

Tuloy na ang sabong.

Sunday, September 6, 2009

Summary of Chapter 45 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 45- Summary of Chapter 45 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 45

Ang mga Pinag-uusig

Ang kinatagpo niElias sa kagubatan ay nag-ngangalang Kapitan Pablo. May sugat ito sa ulo at mahina kaysa noong unang nakita niya ito. Gusto ni Elias na umalis na lang sila sa lugar na yon at magturingang mag-ama.

Tumutol ang matanda at sinabing hindi siya hihinto ng paghahanap sa pamilyang nagpahamak sa kaniyang anak na babae at dalawang lalaki. Ang anak niyang babae ay pinagsamantalahan ng kura paroko na inilipat lang sa ibang lugar.

Ang kaniyang anak na lalaki ay napagbintangang nagnakaw sa kumbento at pinahirapan ng husto hanggang mamatay.

Ang isa niyang anak na lalaki ay nahulihang walang dalang sedula. Kinulong siya at pinahirapan din kaya nagpatiwakal na lamang ito sa hirap.
Noon ay duwag siya at takot pumatay kaya natiis niya ang kaniyang mga anak.

Dahil wala na siyang nalalabing mahal sa buhay, hindi na siya takot mamatay. Pinamumunuan niya ang isang pangkat na katulad niya ay galit din sa pang-aapi sa kanila.

Ikinuwento ni Elias ang tungkol kay Ibarra na maaring makatulong sa kanila. Pinangako niya na kakausapin niya sa Ibarra para maparating sa Kapitan Heneral ang mga pang-aabuso ng simbahan at ng namamahala sa mamamayan.


Saturday, September 5, 2009

Summary of Chapter 44 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 44- Summary of Chapter 44 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 44
Pagsusuri sa Budhi

Tinawag ni Maria Clara ang kaniyang ina habang nahihibang siya sa taas ng lagnat. Binantayan siya ni Kapitan Tiyago na nangakong magbibigay ng tungkod sa Birhen ng Antipolo pag siya ay gumaling.
Si Don Tiburcio naman ay nagulat ng akala niya ay ang reseta niya ang nakapagaling kay Maria Clara.
Ikinatuwa ito ni Donya Victorina.
Ang paglipat kay Pari Damaso sa Tayabas ay sinabi ni Kapitan Tiyago na ikalulungkot ng dalaga dahil parang
Ama na raw ituring.
Pinayuhan ni Pari Salvi na huwag ipakausap kay Maria Clara si Ibarra dahil ito ang nagging sanhi ng pagkakasakit ng kasintahan.
Sinalungat ito ni Donya Victorina dahil naniniwala siya na Ang pekeng medico na kaniyang asawa ang nagpagaling dito.
Sabi ni Pari Salvi ang pangungumpisal ang nakakagamot ng sakit. Sinabihan ni Donya Victorina na pakumpisalin si Donya Consolacion para gumaling sa masamang ugali nto.
Inusisa ni Maria Clara ang kaibigang si Sinang tungkol kay Ibarra.Sinagot siya ng kaibigan na nilalakad nito ang pagpapatawad ng arsobispo para sa kaniyang ekskumunyon.
Pumasok si Tia Isabel para tulungang sumulat si Maria Clara kay Ibarra na kalimutan na siya nito.
Nang gabing yon, nagkumpisal ang dalaga kay Pari Salvi na tumagal dahil tila hindi naman nakikinig ang kura.
Lumabas na pawisan ang pari.

Friday, September 4, 2009

Summary of Chapter 43 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 43- Summary of Chapter 43 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 43
Mga Balak o Panukala

Malungkot na malungkot si Pari Damaso sa pagkakasakit ni Maria. Umiyak pa itong parang bata sa ilalim ng balkonahe.
Akala ng mga tao ay may itinatago palang bait si Pari Damaso at mahal na mahal nito ang inaanak na si Maria.

Nang bumalik ito sa itaas ay pinakilala ni Donya Victorina si Linares sa prayle. Naghahanap pala ng trabaho at mapapangasawa ang binata.

Tungkol sa trabaho, nangako si Pari Damaso ng tutulungan itong maghanap. Tungkol naman sa mapapangasawa, sinabi niya na kakausapin niya si Kapitan Tiyago.

Nalungkot si Pari Salvi sa narinig niyang mga usapan. Pati si Lucas na nagsumbong na limandaan lang ibinigay ni Ibarra sa pamilya ng kapatid niya ay pinagsungitan ng kura.



Thursday, September 3, 2009

Summary of Chapter 42 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 42- Summary of Chapter 42 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 42
Ang Mag-asawang De EspadaƱa

Dahil sa sakit ni Maria Clara, balak ni Kapitan Tiyagong maglimos sa Krus sa Tunasan at sa Krus ng Matahong. Sinangayunan siya ng kaniyang pinsan na si Tia Isabel.
Habang nag-uusap ang magpinsan, dumating si Don Tiburcio de Espadana na inaanak ni Pari Damaso at kalihim ng mga minstro sa Espanya.
Kasama nito ang asawang si Donya Victorina at si Linares.Magiging panauhin sila sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Si Donya Victorina ay 45 na taong gulang nguni’t
Nagpapanggap na 32 ;lamang. Pinangarap niyang makapangasawa ng banyaga pero wala siyang naakit.
Napakasal siya kay Don Tiburcio de Espadana, isang Kastila na nagpanggap na isang medico kaysa bumalik
Nang kahiya-hiya sa Espanya. Marami rin siyang naloko at akala niya yayaman na siya hanggang may nagsumbong sa kaniya na isa siyang pekeng doctor.
Magpapalimos na lang sana siya sa mga kakilala nang mapangasawa niya si Donya Victorina.
Binilhan ni Donya Victorina ng mga mamahaling damit ang asawa, mga kabayo at karomata.
Si Donya Victorina ay nag-ayos ding parang taga Europa. Pati ang kaniyang pangalan ay dinagdagan ni ng de.
Nangarap mabuntis at manganak sa Espanya para hindi ito matawag na reolusyonaryo.
Pero hindi siya nagkaanak. Si Don Tiburcio lang ang napagbuntunan niya ng galit na nagging sunud-sunuran
Sa kaniya.
Nagpapaskel siya sa asawa ng pangalan nito na may titulong medicina. Kahit ayaw ng Don ay hindi siya makapalag sa asawa.
Si Donya Victorina ang gumastos para makuha si Linares mula sa Espanya.
Dumating si Pari Salvi na ipinakilala kay Linares. Pinintasan ni Donya Victorina ang mga taga lalawigan
At ipinagmalaki na kaibigan nila ang alkalde at ang mga may poder sa gobyerno.
Sinabi naman ni Kapitan Tiyago na kagagaling lang doon ng Kapitan Heneral. Natamimi si Donya Victorina.
Pinuntahan nila sa Maria para tingnan ni Don Tiburcio.
Binigyan niya ng reseta ang dalaga.
Itinanong naman ni Linares si Pari Damaso kay Pari Salvi
Dahil may dala siyang sulat para ditto.
Dadalaw daw si Pari Damaso kay Maria sagot ng kura.
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares kay Maria. Nabighani ang binata sa dalaga.
Dumating si Pari Damaso kahit galing sa sakit para dalawin si Maria.

Wednesday, September 2, 2009

Summary of Chapter 41 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 41- Summary of Chapter 41 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 41
Dalawang Dalawa

Hindi inantok si Ibarra kaya pumunta siya sa kaniyang laboratoryo.
Dumating si Elias na nagbalitang may lagnat si Maria Clara. Nagpaalam din siya dahil pupunta siya sa Batangas, kinabukasan,
Tinanong ni Ibarra kung paano napapayag ni Elias na tumigil ang mga lalaking gustong manakit ng guwardiya sibil. Sinabi ni Elias na may utang na loob ang mga ito sa kaniya.

Pagkaalis ni Elias, nagbihis si Ibarra para tumungo sa bahay nina Maria Clara para dalawin ito. Nasalubong niya si Lucas ang kapatid ng namatay sa ginagawang paaralan.
Tinatanong nito kung magkano ang ibabayad sa pamilya ng kapatid na namatay. Umiwas si Ibarrang pag-usapan yon dahil siya ay nagmamadali.

Galit man ay walang nagawa si Lucas pero sa isip niya may
pagbabanta kapag hindi niya nagustuhan ang halaga ng ibabayad ni Ibarra.

Tuesday, September 1, 2009

Summary of Chapter 40 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 40- Summary of Chapter 40 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 40
Pagsusuri sa Budhi

Tinawag ni Maria Clara ang kaniyang ina habang nahihibang siya sa taas ng lagnat. Binantayan siya ni Kapitan Tiyago na nangakong magbibigay ng tungkod sa Birhen ng Antipolo pag siya ay gumaling.
Si Don Tiburcio naman ay nagulat ng akala niya ay ang reseta niya ang nakapagaling kay Maria Clara.
Ikinatuwa ito ni Donya Victorina.
Ang paglipat kay Pari Damaso sa Tayabas ay sinabi ni Kapitan Tiyago na ikalulungkot ng dalaga dahil parang
Ama na raw ituring.
Pinayuhan ni Pari Salvi na huwag ipakausap kay Maria Clara si Ibarra dahil ito ang nagging sanhi ng pagkakasakit ng kasintahan.
Sinalungat ito ni Donya Victorina dahil naniniwala siya na Ang pekeng medico na kaniyang asawa ang nagpagaling dito.
Sabi ni Pari Salvi ang pangungumpisal ang nakakagamot ng sakit. Sinabihan ni Donya Victorina na pakumpisalin si Donya Consolacion para gumaling sa masamang ugali nto.
Inusisa ni Maria Clara ang kaibigang si Sinang tungkol kay Ibarra.Sinagot siya ng kaibigan na nilalakad nito ang pagpapatawad ng arsobispo para sa kaniyang ekskumunyon.
Pumasok si Tia Isabel para tulungang sumulat si Maria Clara kay Ibarra na kalimutan na siya nito.
Nang gabing yon, nagkumpisal ang dalaga kay Pari Salvi na tumagal dahil tila hindi naman nakikinig ang kura.
Lumabas na pawisan ang pari.