Chapter
45- Summary of Chapter 45 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 45
Ang mga Pinag-uusig
Ang kinatagpo niElias sa kagubatan ay nag-ngangalang Kapitan
Pablo. May sugat ito sa ulo at mahina kaysa noong unang nakita niya ito. Gusto
ni Elias na umalis na lang sila sa lugar na yon at magturingang mag-ama.
Tumutol ang matanda at sinabing hindi siya hihinto ng
paghahanap sa pamilyang nagpahamak sa kaniyang anak na babae at dalawang
lalaki. Ang anak niyang babae ay pinagsamantalahan ng kura paroko na inilipat
lang sa ibang lugar.
Ang kaniyang anak na lalaki ay napagbintangang nagnakaw sa
kumbento at pinahirapan ng husto hanggang mamatay.
Ang isa niyang anak na lalaki ay nahulihang walang dalang
sedula. Kinulong siya at pinahirapan din kaya nagpatiwakal na lamang ito sa
hirap.
Noon ay duwag siya at takot pumatay kaya natiis niya ang
kaniyang mga anak.
Dahil wala na siyang nalalabing mahal sa buhay, hindi na
siya takot mamatay. Pinamumunuan niya ang isang pangkat na katulad niya ay galit
din sa pang-aapi sa kanila.
Ikinuwento ni Elias ang tungkol kay Ibarra na maaring
makatulong sa kanila. Pinangako niya na kakausapin niya sa Ibarra para
maparating sa Kapitan Heneral ang mga pang-aabuso ng simbahan at ng namamahala
sa mamamayan.
No comments:
Post a Comment