Chapter
63- Summary of Chapter 63 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 63
Ang Noche Buena
Si Basilio ay
nailigtas ng mag-anak na nakatira sa isang bundok na nabubuhay sa pangangahoy
at pangangaso. Dalawang buwan na ang nakaraan at magaling-galing na si Basilio.
Nagpaalam siya sa mag-anak para hanapin niya ang kaniyang
ina.
Malungkot na sa San Diego nang Paskong yaon. Walang parol at
madilim ang kapaligiran. Si Don Filipo ay pinawalang sala sa bintang na
paghihimagsik. Habang nag-uusap sila ni Kapitan Basilio, namataan nila si Sisa
na palaboy-laboy.
Habag na habag naman
si Sinang , Victoria at Iday kina Maria Clara at Ibarra,
Nakatanggap si Sinang ng sulat sa
kaibigan pero hindi niya binubuksan,
Hinanap ni Basilio ang ina nang hindi niya ito makita sa
kanilang tahanan. Nakita niya ito sa tapat ng bahay ng alperes.
Tumakbo si Sisa ng makita ang sibil na inutusang papanhikin
siya. Hinabol ni Basilio ang ina hanggang makarating ito sa gubat kung saan
mayroong libingan.
Niyakap ni Basilio ang ina na nakilala siya bago ito nawalan
ng malay tao.
Nawalang ng ulirat si Basilio at nang mahimasmasan siya,
nakita niyang patay na ang kaniyang inang si Sisa.
May lumapit na duguang lalaki kay Basilio. Siya si Elias na
nanghihina na. Inutusan niyang magsiga si Basilio at sunugin ang kanilang
bangkay. Itinagubilin niya ang salapi na nakabaon at pinayuhan niya itong
mag-aral. Gamitin niya ang salapi kung
walang aangkin nito.
Si Elias ay pumanaw na nakatingin sa silangan, Sinabi niyang
mamatay siya na hindi makikita ang bukang liwayway sa lupa niyang minanahal.
Natanaw ng mga tao sa San Diego
ang sigang ginawa ni Basilio para sunugin ang labi ni Sisa at ni Elias.
No comments:
Post a Comment