Saturday, September 19, 2009


Chapter 58- Summary of Chapter 58 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata  58
Ang Sinumpa

Hindi mapalagay ang mga pamilya ng mga bilanggo. Naghahanap sila nang malalapitan upang mapalaya ang kani-kanilang kamag-anak na nahuli.

Hindi nakikipag-usap ang kura kahit  kanino at nagkulong lang ito sa kumbento. Nagdagdag pa ang mga bantay ang alperes para huwag makalapit ang babaeng humihingi ng awa sa kaniya.

Si Kapitan Tinay ay walang hintong tinatawag ang pangalan ng kaniyang anak na si Antonio. Nakabantay naman si Kapitan Maria para makita niya ang kaniyang anak na kambal. Ang biyenan ni Andong ay pinamamarali na kaya ito hinuli dahil bago ang kaniyang salawal.

Isang babae ang sumisisi kay Ibarra na pakana niya ang lahat. Ang guro ng paaralan ay nandoon samantalang nakaitim si Nol Juan dahil alam niyang hindi na makakaligtas si Ibarra.

Isang kariton ang dumating para dalhin ang mga bilanggo.
Unang lumabas ay ang mga kawal na sinundan ng mga bilanggo. Si Don Filipo ay hindi nagpakita ng takot.
Ang ibang mga bilanggo ay nag-iyakan nang makita ang kanilang mga mahal sa buhay.

Lahat ay nakagapos pati ang seminaristang si Albano, maliban kay Ibarra. Nagpagapos din siya pero wala pa ring bumati sa kaniyang kaibigan. .

Sa halip , siya ay sinisigawan at binabato ng mga taong naniniwalang siya ay may pakana lahat.
Kahit ang kaibigan ni Maria Clarang si Sinang ay hindi pinaiyak at pinadamay ni Kapitan Basilio.

Si Pilosopo Tasyo na nagmamasid sa hindi kalayuan ay nakitang patay kinabukasan.

No comments: