Monday, April 9, 2007

Talumpati ni Noli De Castro sa Pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan

noli de castro

TALUMPATI NI BISE PRESIDENTE NOLI DE CASTRO

Araw ng Kagitingan, Dambana ng Kagitingan, Mt. Samat, Pilar, Bataan, 9 April 2005


TAYO AY NAGTIPON-TIPON MULI SA MAKASAYSAYANG POOK NA ITO UPANG GUNITAIN AT PASALAMATAN ANG MGA TAONG NALAGAY SA PANGANIB O NAGBUWIS NG BUHAY UPANG MATAMASA NATIN ANG BIYAYA NG KALAYAAN.

ANG ARAW NG KAGITINGAN AY HANDOG NATIN SA ALAALA NILANG MGA NAKIPAGLABAN UPANG TAYO AY MAKINABANG SA PAGHAHARI NG KAPAYAAN.

SA ATING PAGBIBIGAY NG PARANGAL SA KANILANG MGA SAKRIPISYO, MAKAKUHA SANA TAYO NG INSPIRASYON UPANG MAGING MALAKAS ANG LOOB NA HARAPIN ANG MGA PAGSUBOK NG ATING PANAHON. MAGSIKAP SANA TAYONG PANTAYAN ANG KANILANG HANGARING MAGKAROON NG MAPAYAPANG BUHAY AT MAGANDANG KINABUKASAN ANG SAMBAYANAN.

THIS OCCASION IS EVEN MORE IMPORTANT AS OUR COUNTRY AND THE WHOLE WORLD PAID THE LAST TRIBUTE YESTERDAY TO THE HOLY FATHER, POPE JOHN PAUL II. JUST LIKE OUR FILIPINO VETERANS AND THOSE WHO FOUGHT SIDE BY SIDE WITH THEM AGAINST OPPRESSORS DURING THE WORLD WAR II, POPE JOHN PAUL II HAS INSPIRED OUR NATION IN OUR CONTINUING QUEST FOR PEACE, FREEDOM AND JUSTICE. AND LIKE THE HOLY FATHER, OUR FILIPINO VETERANS TOO FOUGHT AND PROMOTED THE CULTURE OF LIFE SO THAT THIS GENERATION AND THE GENERATION YET UNBORN MAY LIVE IN A JUST AND HUMANE SOCIETY.

(AND AS OUR OWN COLLECTIVE RESPECT FOR THE HOLY FATHER, MAY I REQUEST A FEW MINUTES OF SILENCE AND PRAYER FOR POPE JOHN PAUL II. BILANG HULING PAALAM NATING MGA BETERANO SA ISANG TAONG KATULAD NINYO RING MAY DAKILANG PAG-IBIG AT PAGMAMALASAKIT SA DIWA NG KALAYAAN AT KAPAYAPAAN, HINIHILING KO ANG ILANG MINUTONG KATAHIMIKAN AT PAGDARASAL PARA SA SANTO PAPA AT PARA NA RIN SA MGA BETERANONG PUMANAW NA)

SA NGAYON, NAHAHARAP ANG ATING BANSA SA MGA PANIBAGONG DIGMAAN: ANG LABAN SA KAHIRAPAN, ANG LABAN SA TERORISMO AT ANG LABAN SA KORAPSYON. ANG MGA ITO ANG PANGUNAHING DAHILAN KUNG BAKIT MARAMI SA ATING MGA KABABAYAN ANG HINDI PARIN GANAP NA MALAYA MULA SA PAGKAGUTOM, PANGAMBA AT PAGRADAHOP.

ANG MGA ITO RIN ANG ILAN SA UGAT KUNG BAKIT KINAKAPOS SA PANANALAPI ANG ATING PAMAHALAN AT NAHIHIRAPANG GAMPANAN ANG KANYANG MGA TUNGKULIN TULAD NG SA MGA BETERANO.

THE FIGHT AGAINST POVERTY, TERRORISM AND CORRUPTION IS THE CENTERPIECE PROGRAM OF OUR GOVERNMENT IN ORDER TO IMPROVE OUR ECONOMY AND PEACE AND ORDER, IN SUSTAINABLE FOCUS AND SPEED.

TULAD NG SAKRIPISYO AT PAGPUPUNYAGI NG ATING MGA BETERANO NOON SA DIGMAAN, HINDI TITIGIL ANG PAMAHALAANG ITO HANGGAT HINDI NAIGUGUPO ANG MGA KALABAN NG ATING PANAHON.

ANG KAHIRAPAN ANG PINAKAMATINDING KAAWAY NG ATING BAYAN NGAYON. KAYA NAMAN PINAGSISIKAPAN NG PAMAHALAAN NA MAKALIKHA NG MASIGLANG EKONOMIYA SA PAMAMAGITAN NG 10-POINT PRO-POOR AGENDA. INAASAHAN NAMIN NG PANGULONG ARROYO NA ANG SAMPUNG PUNTONG ITO AY MAGDUDULOT NG KATAHIMIKAN, KAAYUSAN AT KAUNLARAN PARA SA HIGIT NA NAKARARAMING MGA PILIPINO.

ANG HANGAD NATING SUGPUIN ANG TERORISMO SA ATING BANSA AY KASING TINDI RIN NG ATING PAKIKIPAGLABAN SA KAHIRAPAN. TULAD NG ATING MGA BETERANO, ANG ATING MGA SUNDALO AT KAPULISAN AY NAGSASAKRIPISYO RIN UPANG MAHADLANGAN ANG BANTA NG TERORISMO. WALANG KAUNLARAN KUNG WALA TAYONG KAPAYAPAAN.

MAHIGPIT DIN NATING NILALABANAN ANG KORAPSYON SA ATING PAMAHALAAN AT SA ATING BAYAN. KAILANGAN NATIN ITONG SUGPUIN UPANG MAGING MAHUSAY ANG TAKBO NG NEGOSYO AT BUMALIK ANG TIWALA SA ATING GOBYERNO.

SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG ARROYO, PATULOY NA PINAGSISIKAPAN NA MAPAGLINGKURAN ANG ATING MGA BETERANO. SA KATUNAYAN, PINAGSISIKAPAN NG PHILIPPINE VETERANS AFFAIRS OFFICE NA PAHUSAYIN PA ANG KANILANG MGA SERBISYO AT TIYAKIN ANG KAGALINGAN NG MGA BETERANO.

PINAGSISIKAPAN PARIN NG PVAO NA TUGUNAN ANG ARREARAGES SA MGA BENEPISYO NG MGA BETERANO NA SA KATAPUSANAN NG NAGDAANG TAON AY UMABOT NG P6.2 BILYON. DAHIL NARIN SA KAKULANGAN NG SALAPI NG GOBYERNO, ANG PVAO AT ANG PAMAHALAAN AY HUMAHANAP NG IBAT-IBAT PARAAN UPANG LUTASIN ANG PROBLEMANG ITO. HALIMBAWA, BINABAWI NITO ANG MGA SOBRANG NAIBAYAD SA MGA NAMAYAPA NANG PENSIYONADO. NITONG NAKARAANG TATLONG TAON, UMABOT SA MAHIGIT P214 MILYON ANG HALAGANG KANILANG NABAWI. GAYUNDIN, SINUSURI NILA ANG LISTAHAN NG MGA PENSIYONADO UPANG MATIYAK NA SILA NGA ANG TUMATANGAP NG KANILANG MGA BENEPISYO AT PENSIYON. BINABALAK DING PAUPAHAN NG PVAO, SA TULONG NG NATIONAL HOUSING AUTHORITY NA NASA ILALIM NG AKING PAMAMAHALA, ANG ILANG BAHAGI NG VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER UPANG ANG SALAPING MALILIKOM AY MAIPAMBAYAD SA ARREARAGES AT PANGANGASIWA NG OSPITAL.

SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG ARROYO, SINIMULAN NG AYUSIN ANG SISTEMA NG PAGPAPADALA NG PVAO NG PENSIYON SA MGA BETERANO. ANG PAGGAMIT NG BANK REMITTANCE SCHEME AY NAPATUNAYANG MAS MABILIS AT LIGTAS KAYSA SA KOREO. SA NGAYON, NAIS ITAAS NG PVAO ANG BILANG NG MGA BANGKONG KASALI RITO UPANG MAY MAPAGPILIAN ANG MGA PENSIYONADO NANG MADALI NILANG MAPUNTAHAN. BUKOD PA RITO, PINAG-AARALAN NG PVAO NA TAASAN ANG HOSPITALIZATION SUBSIDY NG MGA BETERANO MULA P200 HANGGANG P400 BAWAT ARAW.

ANG BAGONG MILITARY SERVICE BOARD AY NAKAPAG-PROSESO NA NG MAHIGIT 100,000 APLIKASYON PARA PATUNAYAN ANG KANILANG SERBISYO NOONG WORLD WAR II. MAY TATLONG PANUKALANG BATAS DIN NA NAKAHAIN NGAYON SA US CONGRESS NA NAGLALAYONG MAGBIGAY NG KARAGDAGANG BENEPISYO AT OPISYAL NA PAGKILALA SA WARTIME SERVICE NG ATING WORLD WAR II VETERNAS. MAKATITIYAK KAYONG MASUGID ITONG SINUSUBAYBAYAN NG ATING EMBAHADA SA AMERIKA, ALANG-ALANG SA ATING MGA BETERANO.

SA HABA NG PANAHON NG AKING PAGLILINGKOD SA RADYO AT TELEBISYON, MADALAS AY NAIUGNAY KO ANG KARAINGAN NG ATING MGA BETERANO SA PAMAHALAAN. NGAYONG AKO NA ANG INYONG PANGALAWANG PANGULO, ISANG PAYAK NA PAGLILINGKOD ANG MAAARI KONG IHANDOG SAINYON. NAIS KONG IALAY ANG AKING SARILI UPANG MAGING ISA SA INYONG MGA MENSAHERO SA MALACANANG AT SA MGA OPISYAL NG GABINETE. LINGGO-LINGGO PO ANG CABINET MEETING. KAYA KUNG KAYO AY MAY LINGO-LINGONG MENSAHE PARA SA PANGULO ARROYO, PWEDE RIN PO NAMAN NA AKO AY MAGING LINGO-LINGO NINYONG MENSAHERO SA KANYA, SA MALACANANG, O SA KANYANG GABINETE.

LET US ALL VALUE THE GREATNESS OF OUR NATION AND OUR FILIPINO RACE BY MAKING SURE THAT THE LESSONS OF THE SACRIFICES OF OUR WORLD WAR II VETERNANS ARE NOT ONLY UNFORGOTTEN BUT ALSO EMBEDDED IN OUR CONTINUING STRUGGLE FOR PEACE, FREEDOM AND JUSTICE.

MARAMING MARAMING SALAMAT!

MABUHAY ANG MGA BETERANO!

MABUHAY ANG ATING BAYAN!

,,,

No comments: