TALUMPATI NI MANUEL L. QUEZON
MENSAHE SA AKING MGA KABABAYAN
MANUEL L.QUEZON
This was written in English and Spanish. The English version was from Manuel L. Quezon's article in PDI in 2004. The translation in Tagalog is mine.
Mga kababayan: Mayroon akong isipan na nais kong lagi ninyong alalahanin. Ito ay:
Na kayo ay mga Filipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, nag-iisang ibinigay ng Diyos sainyo. Na kailangang alagaan ninyo ito para sainyong sarili, para sainyong anak at mga anak ng inyong mga anak, hanggang sa katapusan ng daigdig. Ag inyong buhay ay dapat para sa bayan at kung hinihingi ng pagkakataon na ibuwis ito ay
humandang mamatay para sa sariling bayan.
Ang inyong bayan ay dakila. Dakila ang nakaraan nito at may naghihintay na magandang kinabukasan. Ang Pilipinas nang mga nakaraang taon ay dinilig ng dugo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani, mga martir at mga sundalo.
Ang Pilipinas ngayon ay pinararangalan ng mga pinunong mataos na nagmamahal, nagsisilbi ng hindi makasarili at may tapang ng loob.
Ang Pilipinas kinabukasan ay magiging bayan ng kasaganaan, kaligayahan at ng kalayaan.
Isang bansa na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, hawak ang sariling kapalaran,
sa kaniyang kamay ay tangan ang ilaw ng kalayaan at ng demokrasya. Isang republika ng mga mararangal na mamamayan na may paninindigan at sama-samang magsisikap na paunlarin ang daigdig natin ngayon.
English Version:
Message to My People
MANUEL L.QUEZON
My fellow citizens: there is one thought I want you always to bear in mind. And that is: that you are Filipinos. That the Philippines are your country, and the only country God has given you. That you must keep it for yourselves, for your children, and for your children's children, until the world is no more. You must live for it, and die for it, if necessary.
The Philippines of today are honored by the wholehearted devotion to its cause of unselfish and courageous statesmen. The Philippines of tomorrow will be the country of plenty, of happiness, and of freedom. A Philippines with her head raised in the midst of the West Pacific, mistress of her own destiny, holding in her hand the torch of freedom and democracy. A republic of virtuous and righteous men and women all working together for a better world than the one we have at present.
Awitin o KantahingBayan, Talumpati,Jose Corazon de Jesus,Manuel Quezon,Tayutay,Tula,Talambuhay,
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment