Chapter 36 NOLI Summary ng Chapter 36 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Chapter 36
ng NOLI ME TANGERE
Ang Unang Suliranin
Suliranin na ang walang
kaabog-abog na pagdating ng Kapitan-Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago,
nadagdagan pa ng gulong nangyari kay Pari Damaso at Crisostomo Ibarra. Hindi
mapuknat ang pag-iyak ni Maria Clara kahit na ano pang pag-alo ng kaibigan
niyang si Andeng at ng kaniyang tiyahin.
Pinagbawalan
siyang makipag-usap kay Ibarra dahil sa ekskumonikasyon (excommunication) na
ipinarusa ng prayle sa pagtangka niya sa buhay ni Pari Damaso.
Pinatawag sa kumbento si Kapitan
Tiyago habang pinapayuhan ni Tiya Isabel si Maria na susulat sila sa Papa at
magbibigay ng donasyon. Si Andeng naman ay nangakong gagawa ng
paraan para magkita si Ibarra at si Maria nang palihim.
Pagbalik
ni Kapitan Tiyago, ibinalita niya na pinasisira ng mga pari ang kanilang
kasunduan sa pag-papakasal ni Ibarra at ni Maria. Si Pari Sybila naman ang
nag-utos na huwag patutuluyinn sa tahanan ni Kapitan Tiyago ang binata at huwag
ding bayaran ang utang nitong limampung libong piso.
Pinahinto
ni Kapitan Tiyago sa pag-iyak si Maria dahil may katipan daw na ibibigay si
Pari Damaso na kaniyang kamag-anak at galing sa Europa. Binanggit pa niya na
ang namatay nitong ina ay umiyak lamang noong ipinaglilihi siya.
Lalong
umiyak si Maria na siyang kinagalit ni Tiya Isabel kay Kapitan Tiyago.
Hindi
sang-ayon sa pagpalit ng kasintahan ang kaniyang pamangkin kaya pinagsabihan
niya si Kapitan Tiyago na sulatan ang kaibigan niyang Arsobispo. Hindi nakinig
si Kapitan Tiyago kay Tiya Isabel dahil naniniwala siyang kakampi rin ito sa
kaniyang kapwa prayle.
Pagkatapos
na pahintuin sa pag-iyak ang anak, hinarap naman ng Kapitan ang pag-asikaso sa
baha para sa darating na Kapitan-Heneral.
Nang
dumating ang Kapitan Heneral, ipinatawag si Maria na kasalukuyang nagdadasal sa
kaniyang kuwarto. Napilitan ang dalaga na tumalima sa hiling ng Kapitan
Heneral.
No comments:
Post a Comment