Chapter
38- Summary of Chapter 38 of NOLI ME TANGERE of JOSE
RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 38
Ang Prusisyon
Ang hudyat na lumabas na ang prusisyon ay ang walang hintong
pagtunog ng kampana. Ang nagsilbing ilaw ay ang mga parol na bitbit ng mga
binata. Ang Kapitan Heneral, mga
kagawad ni Kapitan Tiyago, alperes at
si Ibarra ay magkakasamang naglalakad. Isang kubol ang pinatayo ni Kapitan
Tiyago. Doon idaraos ang tulang papuri sa
Patron ng bayan.
Ayaw ni Ibarrang
pumunta pero inimbita siya ng Kapitan Heneral.
Ang prusisyon ay
pinangungunahan ng mga sakristan at sinusundan ng mga guro at mag-aaral na may
dala ring parol. Mayroon ding tagabigay ng libreng kandila at taga disiplina sa
mga nahihiwalay o naniniksik sa prusisyon.
Ang mga santo rin ay
nakahanay kung saan pinkahuli ang karo ng Mahal na Birhen.
Sa tapat ng kubol ay
huminto ang prusisyon at isang bata ang bumigkas ng papuri sa ikang Latin,
Kastila at Tagalog.
Nagpatuloy ang
prusisyon at sa harap ng bahay ni Kapitan
Tiyago ay narinig ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria.
Tiyago ay narinig ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria.
Humanga sa boses ni
Maria Clara si Pari Salvi samantalng si Ibarra naman ay malungkot. Nararamdaman
niya ang lungkot sa tinig ng kasintahan,
Pinaalalahanan si Ibarra ng
imbitasyon ng Kapitan Heneral sa pagkain para mapag-usapan ang pagkawala ni
Basilio atCrispin.
No comments:
Post a Comment