This is the Tagalog Summary of Chapter 17 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL.
Kabanata 17
Si Basilio
Buod
Nagulat si Sisa nang makita si Basiliong duguan. May sugat ang bata sa ulo na siyang pinaggalingan ng daloy ng dugo. Ani niya, hinabol siya sa nang guwardiya sibil at inutusang huminto sa paglakad. Dahil sa takot na siya ay parusahan pamamagitan ng paglinis ng kuwartel, kumaripas ng takbo si Basilio. Binaril siya ng guwardiya sibil nang hindi siya huminto pagtakbo.
Tinamaan ang bata ng punglo sa ulo. Sabi niya kay Sisa na naiwan niya si Crispin sa kumbento. Nabawasan ang pag-aalala ng ina sa ikalawa niyang anak. Pinakiusapan niya ang ina na huwag sasabihin ang tutoong nangyari sa kaniyang sugat. Sabihin na lang dawn a nahulog siya sa puno.
Nang tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin sa kumbento, saka lang ipinagtapat ni Basilio ang pagbibintang kay Crispin ng sacristan mayor, pati ang pagpaparusa sa bunsong anak.
Napaiyak si Sisa. Naawa sa kaniyang anak. Alam niya na ang mga dukhang katulad nila ang mas pinahihirapan sa buhay.
Hindi rin makakain si Basilio nang malaman niyang dumating ang ama.
Alam niyang pag-umuuwi ito ay sinasaktan ang kaniyang ina. Ninais ni Basilio na tuluyan nang mawala ang ama para sila na lang tatlo ang magsama-sama. Sinigurado niya na naramdaman ni Sisa ang ibig niyang sabihin. Itinatakwil niya ang sariling ama.
Masama ang napanaginipan ni Basilio nang siya ay matulog. Nakita niya ang kapatid na pinagtutulungan ng kura at ng sacristan mayor . Yantok ang ginagamit sa pagpalo kay Crispin. Nakita niya ang paghihirap ng kapatid na halos panawan ng hininga.
Dahil sa masamang panaginip, siya ay umungol.Ginising siya ni Sisa at tinanong kung bakit siya umuungol.
Hindi nagtapat si Basilio sa kaniyang panaginip. Alam niyang mag-aalala ang kaniyang ina.
Sinabi lang niya na ayaw na niyang magsakristan siya ay at si Crispin.
Balak niyang magpastol para kay Crisostomo Ibarra at kung kaya na niya ay hihingi siya ng kapirasong lupa para masaka.
Naniniwala si Basilio na mas maganda ang kanilang buhay sa kaniyang balak. Kailangan lang niyang magsipag sa pagsasaka ng lupa.
Balak niyang paaralin si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kaniyang inang si Sisa ay hihinto nang manahi ng mga damit.
Natutuwa sana sa balak ng anak si Sisa pero naluha siya dahil hindi kasama sa pangarap nito ang kaniyang ama.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment