Wednesday, June 25, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 7

This is the TAGALOG SUMMARY OF CHAPTER 7 OF NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL

Kabanata VII
Suyuan sa Asotea

Maagang pumunta ng simbahan sina Tiya Isabel at Maria Clara.

Pagkakain ng agahan ay nanahi si Maria Clara habang si Tiya Isabel ay naglinis ng mga kalat kagabi. Si Kapitan Tiyago ay may mga tinitingnang kasulatan. Halatang kinakabahan si Maria Clara tuwing may naririnig na dumaraang sasakyan. Pinayuhan ito ng ama ng magbakasyon upang bumalik ang kulat nito sa mukha.

Si Tiya Isabel ang nagmungkahi na sa San Diego pumunta dahil malapit na ang pista sa bayang ito.

Sinabihan ni Kapitan Tiyago na hindi na babalik sa beateryo si Maria Clara.

Biglang pumasok si Maria Clara sa kaniyang silid nang marinig niyang dumating si Crisostomo Ibarra.

Lumabas lang siya pagkatapos mag-ayos ng sarili.

Nagkatitigan sila ni Ibarra bago pumunta sila sa asotea para maiwasan ang lumilipad na dumi sa paglilinis ni Tiya Isabel.

ang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Sinabi ni Ibarra na hindi siya nakakalimot at naisumpa niya na si Maria Clara lamang ang pakakasalan niya.

Si Maria Clara rin ay ngpahayag na kahit anong payo sa kaniya ng kaniyang padre kumpesor na kalimutan ang binata ay hindi niya sinusunod.

Nagpakitaan sila ng mga
bagay-bagay na ibinigay nila sa bawa't isa noong huling sila ay magkita. Si Ibarra ay inilabas ang natuyong dahon ng sambong habang si Maria Clara ay ang sulat.


Binasa ni maria Clara ang laman ng sulat na siyang nakapaalala kay Ibarra na kinabukasan ay undas na at kailangan niyang maghanda.

Bago umalis si Ibarra ay nagbilin si Kapitan Tiyago para sa mga nag-aalaga ng kanilang bahay sa San Diego.

Pagkaalis ni Ibarra ay pumasok sa silid si Maria Clara at umiyak.

Tuesday, June 24, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 6

This is the TAGALOG Summary of Chapter 6 of NOLI ME TANGERE by JOSE RIZAL

Kabanata VI
Si Kapitan Tiyago

Si Kapitan Tiyago ay hindi matangkad, hindi rin maputi at nasa edad na tatlumpong taong gulang. Hindi pa maputi ang kaniyang buhok at may kakisigan din maliban nga lang sa ito ay nananabako at nagnganganga.

Sa Binundok, siya ay pinakamayaman dahil sa kanyang mga negosyo at asyenda sa Pampanga at Laguna.

Dahil sa kaniyang yaman, si Kapitan Tiyago ay naging makapngyarihan dahil sa kaniyang impluwensiya sa mga tao sa pamahalaan at sa simbahan.

Ang tingin niya isa siyang tunay na Kastila. Pakiramdam niya ay malapit din siya sa Diyos dahil kaibigan niya ang mga prayle at madalas siyang magpamisa para sa kaniyang sariling kaligtasan at matamo ang langit.

Lahat ng santo at santa ay mayroon siya sa silid.

Pinupulaan niya ang mga Pilipino upang mapalapit siya sa mga Kastila. Dahil dito ay ginawa siyang gobernadorsilyo.

Lahat ng batas at utos ng mga Kastila ay kaniyang ipinatutupad. Isa itong pagsisipsip sa mga
namamahala. Palag rin siyang may handang regalo.

Si Kapitan Tiyago ay anak ng isang mangangalakal ng asukal na sa kakuriputan ay hindi pinag-aral ang kaniyang anak. Isang paring Dominiko na kaniyang pinagsilbihan ang nagturo sa kaniya ng dapat niyang malaman. nang mamatay ang kaniyang ama ay nagsimula siyang magnegosyo. Ang kaniyang napangasawang si Pia Alba na taga Santa Cruz ay tumulong sa pagpapalago ng kanilang kalakal hanggang sila ay yumaman at makilala sa alta sosyedad.

Nang makabili sila ng lupa sa San diego, nakilala niya at naging mabuting kaibigan si
Pari Damaso ang kura paroko at ang pinakamayaman sa San diego, si Don Rafael Ibarra.

Sa loob ng anim na taon na pagsasama niya at ng kaniyang kabiyak,hindi sila biniyayaan ng anak.Pinapunta sila ni Pari Damaso sa Obando, mamanata kina San Pascual Baylon, Santa Clara at Nuestra Senora de Salambaw.

Nagdalantao si Pia nguni't siya ay naging masakitin. Pagkatapos niyang manganak, siya ay namatay at naiwan sa pangangalaga ang bata na pinangalanang Maria Clara kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago. Ang ninong sa binyag ay si Pari Damaso.

Pagsapit niya ng ikalabing-apat na taon, siya ay pumasok sa kumbento ng Sta. Catalina, samantalang si Crisostomo Ibarra ang kaniyang kababata ay ipinadala ng ama sa Europa.

Pinagkasundo ni Don Rafael si Crisostomo Ibarra sa anak ng kaibigan niyang si Kapitan Tiyago, si Maria Clara na sia ay magpapakasal pagdating nila sa tamang edad.

Monday, June 23, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 5

This is the TAGALOG summary of chapter 5 of NOLI ME TANGERE BY JOSE RIZAL.

Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim

Nakarating si Ibarra sa Fonda deLala kung saan siya ay naninirahan kapag siya ay nasa Maynila. Pagod na tumuloy siya sa kaniyang silid at naupo sa silya. Nagulo ang isip niya sa narinig niyang kuwento tungkol sa kaniyang ama.

Sa bintana ay natanaw niya sa kabilang ilog ang bahay na maliwanag. Naririnig niya ang tugtugin ng orkestra at kalasing ng mga pinggan at kubyertos.

Sa iniwanang niyang bahay ni Kapitan Tiyaga ay may isang binibini na nababalot ng diyamante at ginto at magandang damit. Ang mga panauhin ay mga Kastila, Pilipino, Intsik, militar at pari na lahat ay humahaga sa kagandahan ni Maria Clara maliban sa isang batang paring Pransiskano. Si Donya Victorina ay inaayusan naman ng buhok si Maria Clara.

Dahil sa pagod ng isip at katawan, si Ibarra ay nakatulog. Ang hindi inantok ay ang batang Pransiskano.

,,,,,,,,,,

Sunday, June 22, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 4

The following is a Tagalog.summary of Chapter 4 NOLI ME TANGERE (HUWAG MO AkONG SALANGIN, a novel of JOSE RIZAL.

Kabanata IV
Erehe at Pilibustero

Naglakad na si Ibarra na walang tiyak na paruruunan hanggang marating niya ang liwasan ng Binundok. Wala pa rin siyang nakitang pagbabago mula nang siya ay umalis.

Hindi niya alam sinundan pala siya ni Tinyente Guevarra. Pinaalalahanan siyang mag-ingat dahil baka mapahamak din siyang katulad ng kaniyang ama. Insusisa ni Ibarra kung ano ang tunay na nangyari sa kaniyang ama.

Ang alam lang niya ay abala ito sa mga gawain kaya humihingi ng paumanhin kung hindi siya makakasulat sa anak.

Isinalaysay ng tinyente ang gustong malaman ni Ibarra.

Bagama't pinakamayaman si Don Rafael sa lalawigan, marami rin siyang mga kaaway na karamihan ay naiinggit. Ang mga nuno nila ay Kastila nguni't marami siyang kagalit na kastila at mga pari. Kasama dito ay Pari Damaso na nakaaway niya dahil hindi nangungumpisal si Don Rafael.

Pinagbintangan siyang pumatay sa isang naniningil ng buwis at siya ay nabilanggo.

Ang taong ito ay sinaway lamang ni Don Rafael sa pananakit sa mga batang nanunukso sa kanya.
Nang gumanti ang lalaki, napilitang ipagtanggol niya ang kaniyang sarili. Sa kanilang paglalaban, natumba ang lalaki at ang ulo niya ay nabagok sa bato. Namatay ito na siang naging sanhi nang
ikulong siya at pagbintangang erehe at pilibustero na pinakamabigat na krimen sa panahong yaon.

Idinagdag pa dito ng mga kalaban niya na siya



Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.

Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.

Dinagdagan pa ang mga paratang kagaya nang pagbabasa ng pinagbabawal na aklat at pagatago ng larawan ng paring binitay sa salang pangangamkam ng lupa.

Ipinagtapat ng tinyente na ginawa niya ang lahat para matulungan si Don Rafael sa pamamagitan ng pagkuha ng abugadong magtatanggol sa kaniya.

Sa pagsisiyasat, ay napatunayang namatay ang artilyero dahil sa namuong dugo nito sa ulo.
Nang malapit na siyang lumaya, namatay ito marahil sa hindi nakayanang mga sama ng loob at pahirap.

Dumating na sila sa harap ng kuwartel kaya kinamayan na lang ng tinyente si Ibarra at sinabihang tanungin si Kapitan Tiyago sa iba pang nangyari.

Sumakay na si Ibarra sa kalesa.


,,,,,,,,,,

Saturday, June 21, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 3 in TAGALOG

This is a TAGALOG summary of Chapter 3 of NOLI ME TANGERE (HUWAG MO AkONG SALANGIN, a novel of JOSE RIZAL.

Kabanata III
Ang Hapunan

Oras na nang kainan at ang mga panauhin ay nagtipon sa hapag kainan. Samantalang siyang-siya si Pari Sybila, si Pari Damaso naman ay inis na pinagsisikaran ang bawa't madaanan.

Hindi siya pinapansin ng ibang panauhin na abala sa pagkain at pagpuri sa masarap na handa.
si Donya Victorina ay nayamot sa pagkakatapak ng kola ng kaniyang saya dahil sa pag-uusisa nito sa kaniyang kulot na buhok.

Sa kabisera umupo si Crisostomo Ibarra habang nagtatalo ang dalawang pari kung sino ang uuop sa kabilang dulo.


Gusto ni Pari Sybila na maupo si Pari Damaso sa kabisera dahil ito ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero tumatanggi si Pari Damaso dahil si Pari Sybila ang kura paroko.

Napapayag si Pari Sybila pero naudlot siya sa pag-upo upang ialok ang upuan sa tinyente.
Tumanggi ang tinyente dahil ayaw niyang makitabi sa dalawang pari.

Inanyayahan ni Ibarra si Kapitan Tiyago upang maupo pero tumanggi ang kapitan dahil abala siya sa pag-asikaso sa mga panauhin.

Galit is Pari Damaso sa isinilbi sa kaniyang tinola. Napansin niya na puro, leeg at pakpak ang sa kaniya samantalag kay Ibarra ay ang masasarap na bahagi ng manok.

Sa pakikipag-usap sa mga ibang panauhin, nalaman na si Crisostomo Ibarra ay wala sa Pilipinasnang matagal at walang nakapagsabi sa kaniya kung ano talaga ang nangyari sa kaniyang amang si Don Rafael.

Inusisa ni Donya Victorina kung bakit hindi nagpadala ng hatid-kawad ang binata kagaya nang ginawa ng kaniyang asawang si Don Tiburcio noong sila ay ikinasal.

Sa kuwento ng binata, nalaman ng mga kausap niya na marami siyang bansang napuntahan kung saan pinag-aralan niya ang kanilang wika at kasaysayan.

Pinaliwanag niya na ang mga bansa ay pareho pareho lang sa kabuhayan, pulitika at relihiyon.
Sumabad si Pari Damaso na kahit bata ay alam ang mga sinasabi niya.

Nagulat ang mga tao sa sinabi ng pari. Sumagot si Ibarra na ang mga sinasabi niya ay mga alaala niya noong pumupunta pa siya sa bahay nila upang kumain.

Nagpaalam si Ibarra upang umalis kahit na siya ay pinigilan ni Kapitan Tiyago dahil darating na si Maria Clara. Naiwang nagdadaldal si Pari Damaso tungkol sa pagbawal ng pamahalaan sa pagpapahintulot sa indiyo na mag-aral sa ibang bansa.



,,,,,,,,

Friday, June 20, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 2 in TAGALOG

This is a TAGALOG summary Chapter 2 of  NOLI ME TANGERE (HUWAG MO AkONG SALANGIN, a novel of JOSE RIZAL.



Chapter 2 (Kabanata II)


Kasamang dumating ni Kapitan Tiyago ang binatang si Crisostomo Ibarra na nakadamit pangluksa. Masayang binatin ng kapitan ang mga panauhin at humalik sa mga kamay ng pari na hindi siya benindisyonan dahil sa pagkagulat.

Si Pari Damaso ay hindi nakaimik at namutla sa pagkakita kay Ibarra.

Si Ibarra ay pinakilla ni Kapitan Tiyago na anak ng kaniyang kaibigang namatay. Kararating pa lamang nito sa Europa kung saan siya ay tumirang pitong taon upang mag-aral.

Si Crisostomo Ibarra ay kayumanggi kahit na ito ay may dugong Kastila.

Tumangging makipagkamay si Pari Damaso kay Ibarra at ikinaila nito na kaibigan niya ang yumaong ama ng binata.

Iniurong ni Ibarra ang kaniyang palad at tumalikod na lamang. Kinausap naman siya ng Tinyente na nagpasalamat at dumating siyang ligtas.

Sa pag-uusap nila, pinuri ng tinyente ang nasira niyang ama na ikinagalak ni Ibarra dahil maganda pala ang pagkakakilala sa kaniya.
Patuloy ang masamang sulyap ni Pari Damaso sa tinyente na ikinainis nito ay lumayo na lang siya kay Ibarra.

Naiwan si Ibarra na walang makausap. Dahil sa kaugaliang natununan niya sa ibang bansa, hindi siya nahiyang lapitan ang mga panauhin upang ipakilala ang kaniyang sarili.
Hindi sumagot ang mga babae upang magpakilala. Ang mga lalaki lamang ang nakipagkamay at nagsabi ng pangalan. Isa rito ay isang manunulat na huminto na sa pagsulat.

Lumapit kay Ibarra ang isang panauhin, si Kapitan Tinong upang anyayahan siang tanghalian kinabukasan. Tumanggi siya dahil siya ay pauwi sa San Diego.

,,,,,,,,

Thursday, June 19, 2008

NOLI ME TANGERE NI JOSE RIZAL- TAGALOG Summary of Chapter 1 in TAGALOG

The following is a Tagalog summary of Chaprer 1 of NOLI ME TANGERE (HUWAG MO AkONG SALANGIN, a novel of JOSE RIZAL

Chapter 1 - ISANG PAGKAKAPISAN
Si Kapitan TIYAGO na ang tunay na pangalan ay SANTIAGO DELOS SANTOS ay nag-anyaya ng isang piging hapunan sa kaniyang bahay sa Anluage.

Maraming dumalo sa anyaya dahil kilala si Kapitan Tiyago bilang bukas ang palad at ang bahay sa mga nangangailangan ng kaniyang tulong.
Lahat ay nag-alala kung ano ang isusuot sa dahilang inaasahan nila ang pagdalo ng mga
sikat at kilalang tao.
Si Tiya Isabel, matandang pinsan ng Kapitan ang nag-asikaso sa mga panauhin na pinuno ang malaking bulwagan.
Kabilang sa mga maraming panauhin ay ang tinyente ng guardiya sibil, si Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, and madaldal at mapanginsultong si pari Damaso na at dalawang paisano na ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Nag-uusisa ang dayuhang kararating lang sa bayan tungkol sa mga asal ng Pilipino.
Siya ay naglakbay sa sarili niyang salapi upang mabatid niya ang tumgkol sa mga katutubong Pilipino o Indiyo.
Sa mainit na pagtatalo, lumabas ang mga panlilibak ni Pari Damaso sa mga Indiyo; kung gaano kababa ang pagtingin niya sa mga ito at maging ang mga Kastila. Upang mahinto ang patuloy na paghamak ni Pari Damaso, binago ni Pari Sybila ang takbo ng usapan.
Natungo kay Pari Damaso ang usapan tungkol sa kaniyang pagkakalipat mula sa San Diego kung saan siya ay kura paroko nang mahigit na dalawamung taon.
Inireklamo ng pari na walang karapatan kahit ang hari na makialam sa simbahan at sa pagpaparusa nito sa mga erehe.
Ang Tinyente ng Guardia Civil na isinaad na may karapatan ang Kapitan Heneral makialam dahil ito ang kinatawan ng hari sa bansa ang nagbanggit kungbakit si Pari Damaso ay inilipat. Ayon sa kaniya, inutos ng pari na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na tao dahil sa ito ay hindi nangungumpisal.
Umalis ang tinyente pagkatapos nitong sabihin na tinuring ng Kapitang Heneral na ito ay mali kaya ang paglipat ay isang kaparusahan. Galit na galit si Pari Damaso na pinayapa naman ni Pari Sybila.
Dumating ang mga ibang panauhin na kasama ditto ang mag-asawang sina Dr. Tiburcio de Espadana at Donya Victorina.
,,,,,,