Showing posts with label Tulang Pambata. Show all posts
Showing posts with label Tulang Pambata. Show all posts

Thursday, December 6, 2007

Pong, Pong Kasile-Tulang Pambata

ANG PONG-PONG KASILE AY ISA SA MGA TULANG PAMBATA

Pong, Pong Kasile-tulang Pambata

Pong, pong Kasile
Nanganak kagabi
Anong anak?
Buto’t balat;
Bali-bali ang pakpak.

Wednesday, December 5, 2007

Ako'y May Alaga-Tulang Pambata

AKO'Y MAYA ALAGA -TULANG PAMBATA

Ako’y may alaga
Asong mataba
Buntot ay mahaba
Makinis ang mukha

Mahal niya ako
Mahal ko rin siya
Kaming dalawa
Laging magkasama.

Tuesday, December 4, 2007

May Isang Ibon-Tulang Pambata

MAY ISANG IBON-TULANG PAMBATA


May isang ibon
Dilaw ang tuka
Tatalon-taon
Sa may bintana
“Gumising ka na,
Tamad na bata!”

Wednesday, November 14, 2007

Espadang Bali-bali-tulang Pambata

Ang Tulang Pambata.

Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.

Halimbawa:


ESPADANG BALI-BALI


Espadang bali-bali
Nahulog sa pusali
Kunin mo sandali
Uupahan ng kahati




Saturday, November 10, 2007

Putak, putak!-Tulang Pambata

Ang Tulang Pambata.

Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.

Halimbawa:

Putak, putak!
Batang duwag!
Matapang ka't nasa pugad!

Wednesday, November 7, 2007

Lagari-Tulang Pambata

Ang Tulang Pambata

Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.

Halimbawa:


Lagari

Lagari!
Lagari!
Simbahan sa Paete
'Pag hindi nayari
Magagalit ang pari
Sa batang bungi!




Thursday, November 1, 2007

Pen Pen Desarapen-Tulang Pambata

ANO ANG TULANG PAMBATA

Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.

Halimbawa:

PENPEN DESARAPEN

Penpen de sarapen
Penpen de sarapen
De kutsilyo
De almasen
Bawbaw de kalabaw
Batuten
Sipit namimilipit
Gintong pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat
Sayang pula, tatlong pera
Sayang puti, tatlong salapi.

Wednesday, October 24, 2007

Tulang Palaka-Tulang Pambata

Ang Tulang Pambata.

Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.

Halimbawa:

Tulang Palaka

Ako'y tutula,
Tulang palaka,
Ako'y uupo,
Tapos na po.

Wednesday, October 17, 2007

Ulan! Ulan!-Tulang Pambata

Ang Tulang Pambata.

Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.

Halimbawa:


Ulan! Ulan!
Ulan! Ulan!
Pantay kawayan!

Bagyo! Bagyo!
Pantay kabayo!