Monday, August 31, 2009

Summary of Chapter 39 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 39- Summary of Chapter 39 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 39
Si Donya Consolacion

Nakasara ang bahay ni Donya Consolacion nang dumaan ang prusisyon. Hindi rin siya nagsimba nang umagang yaon dahil pinagbawalan siya ng alperes. Kinahihiya siya ng asawa sa kaniyang pananamit at pabango.
Pakiramdam niya mas maganda pa siya kay Maria Clara.
Pero sobra kung dustain at murahin siya ng alperes. Ito ang kinasusuklaman niya at balak niyang makaganti,
Yon ang imiisip niya nang marinig niya si Sisang kumakanta mula sa kuwartel kung saan siya nakukulong ng ilang araw na.
Inutusan niya ang guwardiya para paakyatin si Sisa. Pinakakanta niya si Sisa pero dahil sa isa na itong baliw, hindi niya maunawaan ang Donya. Isa pa Kastila ang salita sa kaniya.
Kahit nilatigo niya ang baliw ay hindi rin ito kumanta kaya tinawag ni Donya Consolacion ang guwardiya at sinabing utusan si Sisang kumanta.
Nang kumanta ng Tagalog si Sisa, nalungkot ang Donya at nakapagsalita siya ng Tagalog. Nabisto tuloy siya ng guwardiya na siya niyang ikinagalit.
Pinaalis niya ang guwardiya at pinagbalingan si Sisa. Inutusan niya itong sumayaw sa pamamagitan ng
pagpalo sa mga binti at paa nito.
Habang nasusugatan si Sisa ay lalong nasisiyahan si Donya Consolacion dahil dito niya ibinubuhos ang galit niya.
Hindi niya napansin ang pagdating ng alperes.
Galit ang alperes na hindi pinansin ni Donya Consolacion. Pinapalitan ng alperes ang napunit na damit ni Sisa at pinagamot ang mga sugat. Si Sisa ay dadalhin sa bahay ni Ibarra kinabukasan.
Ang masamang ugali ni Donya Consolacion ay dahil sa nais niyang mapagtakpan ang wala niyang edukasyon. Isa lamang siyang labandera na napangasawa ang alperes ng ito ay kabo pa lang. Nagkukunwari siyang marunong magKastila at umarte na parang ugaling taga Europa.

Sunday, August 30, 2009

Summary of Chapter 38 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 38- Summary of Chapter 38 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 38
Ang Prusisyon

Ang hudyat na lumabas na ang prusisyon ay ang walang hintong pagtunog ng kampana. Ang nagsilbing ilaw ay ang mga parol na bitbit ng mga binata. Ang Kapitan Heneral, mga kagawad ni Kapitan Tiyago, alperes at si Ibarra ay magkakasamang naglalakad. Isang kubol ang pinatayo ni Kapitan Tiyago. Doon idaraos ang tulang papuri sa Patron ng bayan.
Ayaw ni Ibarrang pumunta pero inimbita siya ng Kapitan Heneral.
Ang prusisyon ay pinangungunahan ng mga sakristan at sinusundan ng mga guro at mag-aaral na may dala ring parol. Mayroon ding tagabigay ng libreng kandila at taga disiplina sa mga nahihiwalay o naniniksik sa prusisyon.
Ang mga santo rin ay nakahanay kung saan pinkahuli ang karo ng Mahal na Birhen.
Sa tapat ng kubol ay huminto ang prusisyon at isang bata ang bumigkas ng papuri sa ikang Latin, Kastila at Tagalog.
Nagpatuloy ang prusisyon at sa harap ng bahay ni Kapitan
Tiyago ay narinig ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria.
Humanga sa boses ni Maria Clara si Pari Salvi samantalng si Ibarra naman ay malungkot. Nararamdaman niya ang lungkot sa tinig ng kasintahan,
Pinaalalahanan si Ibarra ng imbitasyon ng Kapitan Heneral sa pagkain para mapag-usapan ang pagkawala ni Basilio at
Crispin.

Friday, August 28, 2009

Summary of Chapter 37 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 37- Summary of Chapter 37 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 37
Ang Kapitan-Heneral
Agad pinahanap ng Kapitan Heneral si Ibarra nang dumating na siya sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Habang naghihintay, ang Kapitan Heneral ay kinausap ang isang binatang lumabas habang nagsesermon si Pari Damaso. Taga Maynila ang lalaki at takot na takot siya sa galit na prayle.
Nang matapos siyang kausapin ng Kapitan Heneral, nawala ang kaniyang panginginig at nakangiti na siya nang lumabas. Marahil ay binigyan siya ng pag-asa ng Opisyal.
Sumunod na nagbigay pugay sa Kapitan Heneral ay ang mga paring sina Pari Sybila, Pari Martin at Pari Salvi. Hinanap ng Kapitan Heneral si Pari Damaso pero sinabi ng tatlong pari na maysakit ito at hindi makakarating.
Nagbigay din ng galang sina Kapitan Tiyago at Maria.
Binigyan niya ng papuri si Maria dahil sa maagap nitong paghadlang sa tangkang pagpatay ng kaniyang kasintahan kay Pari Damaso.
Nang dumating si Ibarra, hindi muna ito hinarap ng Kapitan Heneral dahil sa namalas niyang pagkabalisa ni Maria.
Sinabihan na lang maghintay at kakausapin niya bago siya umalis. Pinaalalahanan ni Pari Salvi na ekskomunikado si Ibarra dahil sa ginawa nito. Hindi siya pinansin ng Kapitan Heneral sa halip ay pinaabot niya ang pangungumusta at paghiling na gumaling agad si Pari Damaso.
Nainis ang mga prayle at mabilis silang lumisan. Nakasalubong nila si Ibarra ngunit hindi sila nagbatian.
Nang makita ng Kapitan Heneral si Ibarra ay masaya nitong kinamayan ang binata. Pinuri niya ito sa pagtatanggol sa alaala ng yumaong ama. Pinangako niya kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa kaniyang ekskumunikasyon.
Nagtagpo na pala ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Madrid at si Ibarra. Sa kanilang pag-uusap, naisip ng Kapitan Heneral na matalino ang binata. Iminungkahi niya na ipagbili nito ang mga ari-arian sa Pilpipinas at sa Espanya na lang tumira.
Tumanggi si Ibarra.
Naunawaan ng Kapitan Heneral ang binata dahil mas alam nito ang sarili niyang bayan. Pinapuntahan na ng Kapitan Heneral kay Ibarra si Maria. Tinagubulinan din niya na makipagkita sa kaniya si Kapitan Tiyago.
Kinausap ng Kapitan Heneral ang alkalde na ibigay lahat ang suporta kay Ibarra. Pangalagaan din ang kaniyang kaligtasan at ayaw niyang maulit ang nangyari sa tanghalian.
Nang dumating si Kapitan Tiyago ay binati niya ito ng pagkakaroon ng matalinong mamanugangin at inalok ang sariling maging ninong sa kasal.
Hindi hinarap ni Maria si Ibarra. Sa halip ang kaibigan nitong si Sinang ang nagmungkahi na isulat sa papel ang kaniang mensahe. Nagtaka si Ibarra.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

Thursday, August 27, 2009

Summary ng Chapter 36 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 36 NOLI Summary ng Chapter 36 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)

Buod ng Chapter 36 ng NOLI ME TANGERE


Ang Unang Suliranin

Suliranin na ang walang kaabog-abog na pagdating ng Kapitan-Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago, nadagdagan pa ng gulong nangyari kay Pari Damaso at Crisostomo Ibarra. Hindi mapuknat ang pag-iyak ni Maria Clara kahit na ano pang pag-alo ng kaibigan niyang si Andeng at ng kaniyang tiyahin.
Pinagbawalan siyang makipag-usap kay Ibarra dahil sa ekskumonikasyon (excommunication) na ipinarusa ng prayle sa pagtangka niya sa buhay ni Pari Damaso.
Pinatawag sa kumbento si Kapitan Tiyago habang pinapayuhan ni Tiya Isabel si Maria na susulat sila sa Papa at magbibigay ng donasyon. Si Andeng naman ay nangakong gagawa ng paraan para magkita si Ibarra at si Maria nang palihim.
Pagbalik ni Kapitan Tiyago, ibinalita niya na pinasisira ng mga pari ang kanilang kasunduan sa pag-papakasal ni Ibarra at ni Maria. Si Pari Sybila naman ang nag-utos na huwag patutuluyinn sa tahanan ni Kapitan Tiyago ang binata at huwag ding bayaran ang utang nitong limampung libong piso.
Pinahinto ni Kapitan Tiyago sa pag-iyak si Maria dahil may katipan daw na ibibigay si Pari Damaso na kaniyang kamag-anak at galing sa Europa. Binanggit pa niya na ang namatay nitong ina ay umiyak lamang noong ipinaglilihi siya.
Lalong umiyak si Maria na siyang kinagalit ni Tiya Isabel kay Kapitan Tiyago.
Hindi sang-ayon sa pagpalit ng kasintahan ang kaniyang pamangkin kaya pinagsabihan niya si Kapitan Tiyago na sulatan ang kaibigan niyang Arsobispo. Hindi nakinig si Kapitan Tiyago kay Tiya Isabel dahil naniniwala siyang kakampi rin ito sa kaniyang kapwa prayle.
Pagkatapos na pahintuin sa pag-iyak ang anak, hinarap naman ng Kapitan ang pag-asikaso sa baha para sa darating na Kapitan-Heneral.
Nang dumating ang Kapitan Heneral, ipinatawag si Maria na kasalukuyang nagdadasal sa kaniyang kuwarto. Napilitan ang dalaga na tumalima sa hiling ng Kapitan Heneral.

Tuesday, August 25, 2009


Summary of Chapter 35 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Chapter 35 ng NOLI ME TANGERE

Mga Usap-usapan
Mabilis na kumalat sa bayan ng San Diego ang muntik nang pagkapatay ni Crisostomo Ibarra kay Pari Damaso.

Iba’t ibang haka-haka ang sinabi ng mga nakarinig ng balita at hindi nila malaman kung sino ang masasabing may pagkakamali. Karamihan sa mga tao ay nagsabi na dapat ay naging mahinahon pa si Ibarra. Si Kapitan Martin naman ay ipinagtanggol ang binata na handa itong sumalunga sa awtoridad pag ang kaniyang ama
ang nilalapastangan.
Si Don Filipo naman ang nagsabi na maaring inaasahan ni Ibarra na tulungan siya ng mga taumbayan dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang mga ginawa. Ang kapitan ng bayan ay naniniwalang walang laban ang mga tao sa prayle dahil palagi silang tinuturing na may katuwiran.
Sinisi ni Don Filipo ang walang pagkakaisa ng mga taumbayan kaya hindi sila makalaban sa mga mayayaman at mga pari.
Ang mga babae ay takot na parusahan ng simbahan. Si Kapitana Maria lamang ang nagkalakas-loob na ipagtanggol si Ibarra bilang isang anak na pinahahalagahan ang alaala ng yumaong ama.
Nangangamba naman ang mga magsasaka na hindi na matuloy ang paaralang ipinatatayo. Ibig pa naman nilang makatapos ang kanilang mga anak. Ang simbahan daw ay hindi kasi matutuloy ang pagpapatayo dahil tinawag ng prayle si Crisostomo Ibarra ng pilibustero kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang yaon.

Monday, August 24, 2009

Summary of Chapter 34 NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Summary of Chapter 34 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)

Buod ng Kabanata 34 ng Noli Me Tangere 
Ang Pananghalian
Sa isang malaking hapag ay naiipon ang mga taong kilala at may sinasabi sa San Diego. Ang nakaupo sa magkabilang dulo ay ang Alkalde at si Crisostomo Ibarra.
Si Maria Clara naman ay nakaupo sa bandang kanan ni Ibarra. Ang mga eskribano naman ay nasa bandang kaliwa.
Nandoon naman sa kabilang panig ng hapag si Kapitan Tiyago, ang kapitan ng bayan, ang mga prayle at ang mga kawani. Sa umpok na ito kasama ang kaibigan ni Maria.
Habang kumakain ay nakatanggap ng telegrama si Kapitan Tiyago na darating ang Kapitan Heneral sa kaniyang bahay. Dali-dali siyang umalis para paghandaan ang pagdating ng mataas na Opisyal.
Tahimik si Pari Salvi habang ang mga magbubukid naman ay ganadong kumain ng hindi nakakubyertos. Hindi rin nila alam kung anong kurso ang kukunin ng kanilang mga anak.
Dumating din si Pari Damaso pagkatapos ng tanghalian. Lahat ay bumati pero hindi kasama si Ibarra. Nagsimulang magpasaring na naman si Pari Damaso tungkol kay Ibarra. Nagpasensiya si Crisostomo Ibarra sa mga parunggit ng pari subalit nang ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama ang ungkatin, nagsiklab ang binata at dinaluhong niya si Pari Damaso. Kung hindi napigilan ni Maria, sana ay nasaksak ni Ibarra ang matandang pari. Umalis siyang naguguluhan ang isip.

Sunday, August 23, 2009

Summary of Chapter 33 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of Chapter 33 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL

Kabanata 33
Malayang Kaisipan
Buod

Dinalaw ni Elias si Ibarra. Pinakiusapan niya ito na huwag babanggitin kahit kanino ang ginawa niyang pagbababala tungkol sa panganib sa kaniyang buhay. Isa raw pagtanaw ng utang na loob sa binata ang ginawa niya. Binalaan pa rin niya si Crisostomo Ibarra para mag-ingat palagi dahil marami itong kaaway.

Sinabi niya na lahat ay may kaaway, mag hayup o mag tao; magmayaman, magdukha at lalo na ang mga maykapangyarihan.

Nagkalat ang mga kaaway ni Ibarra na nagsimula pa sa kaniyang mga ninuno, ama at ngayon na balak niyang magpatayo ng paaralan.

Isa sa tinuran niyang kaaway ay ang namatay na taong madilaw na siyang kinaringgan ni Elias na nagbabantang may mangyayari kay Ibarra. Ang pinagtakahan nila ay hindi ito humingi ng mataas na sahod sa pagprisinta kay Nor Juan.

Saturday, August 22, 2009

Summary of chapter 32 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of chapter 32 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL


Kabanata 32
Ang Panghugos
Buod


Sa lugar kung saan gaganapin ang paglagay ng panulukang bato ng paaralan, si Nor Juan ang magpapagalaw ng kalong itinayo ng lalaking madilaw. Itinuro ng huli kung paano ito pagagalawin.

Ang sukat nito ay walong metro ang taas. Nakabaon sa lupa ang apat na haligi kung saan may nakasabit na lubid bawa’t haligi. Sa tingin ay napakatibay nito.


May mga iba’t ibang kulay na banderitas na nagwagayway sa itaas nito. lupa ang apat na haligi

Isang tao lamang ang kailangan para itaas at ibaba ang malaking baton na siyang magsisilbing panulukang bato ng paaralan. Humanga si Nor Juan sa madilaw na tao habang ang mga nakakararami naman ay nagbulungan sa pagpuri.


Ipinagtapat ng madilaw na tao na natututnan niya ang paggawa ng
makinaryang yaon kay Don Saturnino na nuno ni Crisostomo Ibarra.


Pinuri ng taong madilaw si Don Saturnino. Ito raw at marunong magparusa sa kaniyang mga tauhan.

Malaki ang handa ni Crisostomo Ibarra para sa pagdiriwang ng pagbaon ng panulukang baton g paaralan.

Maraming inumin at pagkain na inihanda ng mga guro at mag-aaral. Ang mga panauhin ay sinundo pa ng banda at doon na nag-almusal.


Ang magbabasbas ay si Pari Salvi . Ang mga mahahahalagang kasulatan, mga medalya. Salaping pilak at relikya ay inilagay sa isang kahong bakal na ipinasok naman sa isang bumbong yari sa tingga.

Friday, August 21, 2009

Summary of Chapter 31 of NOLI ME TANGERE OF JOSE RIZAL.

This is the Tagalog summary of Chapter 31 of  NOLI ME TANGERE OF JOSE RIZAL.

Kabanata 31
Ang Sermon
Buod

Nagsermon si Pari Damaso sa wikang Kastila at Tagalog. Hinango niya ang sermon niya sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 .

Hinangaan ni Pari Sybila sa pagsalita ni Pari Damaso samantalang si Pari Martin naman ay napapahiya dahil sa pambungad pa lang ay wala na siyang panalo.  Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.

Binati ni Pari Damaso ang mga tao. Paglingon niya ay itinuro niya ang malaking pinto. Inakala ng sacristan ay pinasasara ng pari ang lahat ng pintuan. Gusto nang tumayo ng alperez pero hindi niya nagawa dahil nagsimula na ang sermon.

Isinahalintulad niya ang pananalita ng Diyos sa binhing lmalaki sa lupain ni San Francisco. Sinabihan niya ang mga tao na gayahin si Gideon, si David at si Roldan na siyang guwardiya sibil ng langit.

Dahil sa pagkunot ng noon ng alperez, ang sermon ay pinatungkol sa kaniya ni Pari Damaso. Sa wikang Kastil, sinbi niya na mas makapangyarihan ang Simbahan dahil krus na kahoy lamang ang kanilang ginagamit sa pagsugpo ng kampon ng dimonyo. Ito ay himala, aniya tulad ng paglikha kay San Diego de Alcala.

Walang naunawaan ang mga Indiyo sa sinabi ni Pari Damaso patungkol sa alperez kung hindi ang tulisan, San Diego, San Francisco at guwardiya sibil kaya inakala nilang pinagagalitan ni PAri Damaso ang alperez na kumunot naman ang noo.


Tuloy-tuloy ang sermon ng pari na maraming patama sa mga nskikinig ng misa.

Marami ang inaantok sa haba. Si Kapitan Tiyago ay humihikab habang si Maria Clara ay panay ang sulyap banda sa inuupuan ni Crisostomo Ibarra.

Humaba ng humaba ang sermon ni Pari Damaso lalo na nang ang ginamit niya ay wikang Tagalog. Ang kaniyang sermon naman ay panay lang sumpa, pang sisisi, galit na isinambulat niya sa sermon. Wala na siya sa dapat niyang talakayin. Sa pagbanggit niya sa isang makasalanan na namatay sa bilangguan, naisip ni Ibarra kung sino ang pinatatamaan nito. Pinaringgan din siya nito sa pagbanggit ng isang mayabang na mistisong salbahr at pilosopo. Alam niya Ibarra, siya ang tinutukoy noon.

Thursday, August 20, 2009

Summary of Chapter 30 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog Summary of Chapter 30 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL

Kabanata 30
Sa Simbahan
Buod

Siksikan ang mga taong nagsimba sa oras na yaon. Lahat ay nagsasawsaw sa agua bendita. Ang bayad sa sermon ay P 250. Ito ay katumbas ng tatlong bahaging ibinayad sa komedya na magtatanghal ng tatlong gabi. Ang mga tao ay naniniwala na pag sila nakinig sa sermon ay pupunta sila sa langit. Habang pag sila ay nanood ng komedya, ang kaluluwa nila ay mapupunta sa impyerno.

Hindi pa makapagsimula ang misa dahil hinihintay ang alkalde. Dahil sa dami ng tao, masyadong mainit sa loob ng simbahan. Ang mga babae ay walang humpay na nagpapaypay ng abaniko, ang mga lalaki naman ay ginamit ang kanilang mga sombrero at panyo.

Ang mga bata ay nagsisigawan at nag-iiyakan habang ang iba ay inaantok.
Dumating ang alkalde. Ang suot niya ay may limang medalya at banda ng haring Carlos.
Ang tingin sa kaniya ng mga tao ay isang guardiya sibil.

Nagsimula nang pagmimisa ni Pari Damaso. Dalawang sakristan ang nangunguna sa kaniya a
isang prayleng may hawak na kuwaderno

Kasama niya si Pari Sybila na umakyat sa pulpito. Sinulyapan niya nang may palibak ang nagsemong nauna na si Pari Marti na parang sinasabing mas magaling siya rito.
Pinabuksan niya sa kasamang prayle ang kuwadernong naglalaman ng kaniyang isesermon.

Wednesday, August 19, 2009

Summary of Chapter 29 of NOLI TANGERE

This is the Tagalog  summary of chapter 29 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.
Kabanata 29
Ang Umaga
Buod


Nagising ang mga tao dahil maagang naglibot ang mga banda ng musiko. Pati na ang kamapana ay rumerepeke kasabay nang pagputok ng kwitis.

Sila ay nagsipag bihis sa magagarang damit at alahas na inilalabas lang nila pag may okasyon. Si Pilosopo Tasyo ay hindi nagbihis. Nang binati siya ng tinyente mayor, sinagot siya na ang pagsasaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng kabaliwan. Pero ito ay pagtatapon ng pera at pagtakip sa mga karaingan ng nakararami. Sumasang-ayon si Don Felipo sa pananaw na ito ng matansa pero wala siyang magawa sa gusto ng kapitan at ng kura paroko.

Tuesday, August 18, 2009

Summary of Chapter 28 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.

Kabanata 28
Sulatan
Buod


Nakalathala sa diyaryo sa Maynila ang pagdiriwang ng pista sa San Diego. Ibig nang mga pamunuan ng bayan na malaman ng mga banyaga kung paano magdaos ng pista ang mga Pilipino. Nakasulat sa pahayagan na ang mga paring Franciscano ang namamahala sa marangyang pagdiriwang na dadaluhan ni Pari Hernando Sybila, mga kilalang mamamayang Kastila at mga gabinete ng Cavite, Batangas at Maynila.

Nasasaad din sa balita ang dalawang banda ng musiko sa bisperas ng pista at ang pagsundo ng maraming tao at makapangyarihan sa kura sa kumbento, ang hapunang ihahanda ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa bahay ni Don Santiago delos Santos upang sunduin si Pari Bernardo Salvi at at Pari Damaso Verdolagas.

Monday, August 17, 2009

Summary of Chapter 27 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of NOLI ME TANGERE, a novel of JOSE RIZAL.

Kabanata 27
Sa Pagtakipsilim
Buod


Pinakamalaki ang handa ni Kapitan Tiyago sa pistang yaon sa San Diego. Ito ay parang pagbibigay karangalan niya sa kaniyang anak at si Ibarra na kaniyang mamanugangin. Hindi lang sa bayan popular si Ibarra. Kahit sa Maynila ay pinupuri siya ng diyaryo bilang magaling na negosyante.

Umangkat siya ng mga sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa. Binigyan pa niya ng pasalubong ang anak pagdating niya ng bisperas ng Pista.

Maganda ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. Ang mga kaibigang dalaga naman ni Maria ay nagkumbidang mamasyal si Ibarra kasama si Maria Clara na humingi ng pahuntulot sa ama.
Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago na kailangang umuwi ng maaga ang dalaga dahil darating si Pari Damaso. Inanyayahan niya rin si Ibarra na maghapunan sa kaniyang bahay.
Tumanggi si Ibarra dahil may darating daw siyang bisita.

Sunday, August 16, 2009

Summary of Chapter 26 of NOLI ME TANGERE

 This is the Tagalog summary of Chapter 26 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL.


Kabanata 26
Ang Bisperas ng Pista
Buod

Bisperas na ng piyesta sa San Diego. Pumatak ito ng ikasampu ng Nobyembre. Abala ang mga tao. Ang mga bahay ay may sari-saring dekorasyon. Mayroon nang nagpapaputok ng kwitis habang ang mba banda ng musiko ay nagpapaligsahan sa pagtugtog.

Ang mga mayayaman naman ay maraming handa. May mga bungang kahot, mga mamahaling alak na binili pa sa Maynila
o kaya ay inimporta sa Europa. Meron ding, hamon, relyenong pabo at serbesa. Lahat ay inaanyayahan para sa salu-salo, mahirap man o mayaman, kaibigan man o kaaway.

Sa bahay-bahay, inilabas ang mga gamit na minana pa sa mga ninuno katulad ng ilaw, mga panyong binurdahan ng mga kadalagahan, mga belong ginantsilyo, alpombra, mga artipisyal na bulaklak, mga bandehang pilak at mga lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga.

Saturday, August 15, 2009

Summary of Chapter 25 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of Chapter 25 of NOLI ME TANGERE, a novel of JOSE ROZAL.

Kabanata 25
Sa Tahanan ng Pilosopo
Buod

Nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo. Ayaw na sana niyang gambalain ang matanda dahil mayroon itong sinusulat pero si Pilosopo Tasyo na ang pumilit sa kaniya na mag-usap.

Ang isinusulat naman daw niya ay hindi para sa henerasyon nila kung hindi sa susunod na lahi na mas may malawak ang pag-unawa sa mga nagaganap.

Ipinagtapat ni Ibarra ang pakiramdam niya na siya ay isang banyaga sa sarili niyang bayan. Alam niyang mas kilala si Pilosopo Tasyo ng mga kababayan. Sinabi niya ang balak niyang magpatayo ng paaralan. Sabi ni Pilosopo Tasyo ay hindi siya dapat ang sanguniin dahil ang tingin sa kaniya ay isang baliw. Itinuro niya ang kura paroko, ang kapitan ng bayan at iba pang mamamayan na may sinasabi.

Pinayo niya sa binata na ang pagsangguni ay hindi ibig sabihing pagsunod sa lahat ng payo dahil marami dito ay hindi magagandang payo.

Kailangan aniyang makinig kunwari sa mga payo nila para walang problema.

Ayaw ni Ibarra ang ipatupad ang balak na may kasamang kasinungalingan. Kay Pilosopo Tasyo, ang tagumpay ng isang
Proyekto ay nasa kamay ng mga kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan. Kung walang suporta ang mga ito ay walang mangyayari.

Naniniwala naman si Ibarra na tutulungan siya ng pamahalaan at ang kaniyang mga kababayan.

Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay kasangkapan lang ng Simbahan ang pamahalaan. Ang talagang makapangyarihan ay ang mga nasa Simbahan. Kapay inalis ng simbahan ang suporta sa gobyerno, ito ay babagsak.

Ayon naman kay Ibarra, ang mga kababayan nila ay hindi dimadaing katulad ng nasa ibang bansa. Ang paghihirap ng bayan ay sinisisi niya sa di pagtulong nga relihiyon at pamahalaan.

Kay Pilosopo Tasyo naman, ang hindi pagdaing ng bayan ay hindi dahil sa hindi sila naghihirap. Pipi lang sila at ayaw magsalita.

Naniniwala siya na darating ang panahon na ang pagtitimpi na ito ay sasambulat pagdating ng panahon. Maisusulat sa kasaysayan ang pagdilig ng dugo upang makalaya.

Friday, August 14, 2009

Summary of Chapter 24 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of NOli ME TANGERE of JOSE RIZAL.

Kabanata 24
Sa Kagubatan
Buod


Kakain sana ng almusal si Pari Salvi matapos niyang makapagdaos ng misa nang may matanggap siyang sulat na inabot ng kaniyang katulong.

Pagkabasa niya nito ay pinagpunit-punit na at pinahanda ang karuwahe. Papunta siya sa piknikan.

Hindi niya na pinatuloy ang karuwahe sa mismong lugar ng piknik.
Pinabalik niya na ito sa kumbento at naglakad na lang siya papunta sa may dalampasigan.

Narinig niya ang pag-uusap ng mga kadalagahan kung saan nalaman niya na naghahanap ng pugad ng gansa si Maria Clara.
May paniniwala kasi ang mga matatanda na sino mang makakita ng pugad ay magkakaroon ng kapangyarihan upang di makita.

Thursday, August 13, 2009

Summary of Chapter 23 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.

Kabanata 23

Ang Piknik

Buod

Bata’t matanda at mga kadalagahan ang maagang dumating sa tagpuan sa dalampasigan. Dalawang Bangkang nagagayakan ng iba’t ibang kulay ns bulaklak ang naghihintay sa mga sasama sa pangingisda Madilim pa ay dumating na ang mga katulong na babae na mayroong dala-dalang mga pagkain at pinggan.

Meron ding mga sari-saring instrumentong dala ang mga kabataan.

Kasama ni Maria Clara ang kaniyang matatalik na kaibigan. Sila ay masayang naglalalad, nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Sinasaway sila ni Tiya Isabel at ang ibang mga matatanda sa kanilang maingay na usapan at tawanan.

Naghiwalay sila ng bangkang sinakyan sa takot na lumubog ito sa maraming sasakay na kabinataan.

Wednesday, August 12, 2009

Summary of Chapter 22 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of Chapter 22 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.

Kabanata 22
Liwanag at Dilim

Buod


Maagang dumating si Maria Clara, kasama si Tiya Isabel sa San Diego para dumalo sa piyesta.


Inaabangan siya ng mga tao sa San Diego dahil matagal na ring hindi siya nauwi doon. Sa bayang iyon siya ipinanganak kaya mahal siya ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang mabuting asal, kagandahan at kahinhinan.


Sa pagdating ni Maria Clara, napansin ng mga tao na malaki ang ipinagbago ni Pari Salvi.


Ang madalas na pagdalaw ni Ibarra sa dalaga ay nagging tampulan ng usap-usapan sa bayan. Maligaya si Maria lalo na nang nagbalak mamasyal at piknik ang binata na kasama siya.


Ibig sana ni Maria Clara na huwag isama ni Ibarra ang kura sa kanilang pamamasyal. Natatakot siya sa pari dahil sa makahulugang titig nito sa dalaga.


Tuesday, August 11, 2009

Summary of Chapter 21 of NOLI ME TANGERE

 This is the Tagalog summary of NOLI ME TANGERE of Jose Rizal.

Kabanata 21
Mga Pagdurusa ni Sisa
Buod

Magulo ang isip ni Sisa habang tumatakbo siyang pauwi. Hindi niya mawari ang sinabi sa kaniya ng kura tungkol sa kaniyang anak. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya para mailigtas niya si Basilio at Crispin.

Lalo siyang kinabahan nang may matanaw niya ang ang dalawang guwardiya sibil papaalis sa kaniyang bahay. Nabawasan ang kaba niya nang makita niyang hindi kasama ng mga ito ang kaniyang dalawang anak.

Natakot si Sisa nang salubungin siya ng guwardiya sibil at pilit pinasasabi sa kaniya kung nasaan ang ninakaw na dalawang onsa ng kaniyang anak.

Pinilit din siyang paaminin sa bintang ng kura. Kinaladkad siya papunta sa kuwartel dahil hindi siya pinaniwalaan sa kaniyang mga katuwiran.

Monday, August 10, 2009

Summary of Chapter 20 of NOLI ME TANGERE

Kabanata 20
Ang Pulong sa Tribunal
Buod

Ang  lugar kung saan ginaganap ang pagtitipon at pagpupulomg sa San Diego ay isang malaking bulwagan. Dito nagaganap ang pagpupulong ng tribunal na ang mga kasapi ay ang mga may kapangyarihan sa bayan.

Dumating si Ibarrang kasama ang guro na nagsisimula na ang pagpupulong. Nahahati sa dalawang pangkat ang kapulungan. Ang mga matatanda ay pangkat ng conserbador at ang mga bata ay binubuo ang liberal.

Ang mga kabataan ay pinamumunuan ni  Don Felipo. a binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo.

Ang pinag-uusapan nilang kasalukuyan ay ang tungkol sa piyestang darating. Nababahala si Don Felipo na wala pang
ginagawang paghahanda ang kapitan at tinyente mayor samantalang labing-isang araw na lang ang natitira.


Maraming napagdidiskusyunan ang tribunal na wala naming kapaparakan. Nagtalumpati pa si Kapitan Basilyo na wala namang laman kung hindi mga malalabong salitang . Sa inis ni Don Felipo, naglabas siya ng listahan ng mga gagastusin para sa mungkahi niyang magtanghal ng komedysa sa loob ng isang Linggo. Kasama sa listahan ang mga paputok na nagkakahalaga ng isanlibo.

Sunday, August 9, 2009

Summary of Chapter 19 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog Summary of Chapter 19 of  NOLI ME TANGERE.

Kabanata 19
Mga Suliranin ng Isang Guro
Buod

Ang lawa ng San Diego  ay napapaligiran ng mga bundok kaya kahit na may malakas na bagyo, hindi ito naapektuhan.

Dito makikita na nag-uusap si Crisostomo Obarra at ang isang lalaki na isang guro.

Alam ng lalaki kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael na ama ni Ibarra. Kasama raw si Tinyente Guevarra nang itapon ito sa isang bahagi ng lawa.

Sinabi niya na wala siyang magawa kahit na malaki ang utang na loob nito sa matanda.


Si Don Rafael ang tumulong sa kaniya sa mga kailangan niya sa pagtuturo noong bagong dating lang siya sa San Diego.

Summary of Chapter 18 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog Summary of Chapter 18 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL


Kabanata 18
Mga Kaluluwang Naghihirap
Buod

Parang maysakit si Pari Salvi. Yon ang pakiwari ng mga manong at manang sa simbahan. Tatanungin sana nila ang kura kung sinong pari ang magsesermon sa Piyestang darating.

Ang pinagpipilian ay sina Pari Damaso, Pari Martin o ang nagsisilbing tagaayos sa mga dapat malaman ng iba’t ibang grupo.
Habang hinihintay nilang makausap si Pari Salvi, sila ay nagtalakay tungkol sa paraan kung paano maililigtas ang mga kaluluwang nasa purgatoryo. Ang indulhensiyang iniisip nila ay yong makakaligtas ng isanlibong kaluluwa.

Ang nangunguna sa mga manang ay si Manang Rufa at Manang Juana.

Dahil sa masinsinan nilang usapan, hindi nila napansin ang pagpasok ni Sisa.

May dala siyang mga sariwang gulay galling sa kaniyang halamanan. Nakasuot siya ng kaniyang pinakamagandang damit.

Iniwanan niya si Basilio sa kanilang kubo na natutulog pa.  kanilang dampa.

Saturday, August 8, 2009

Summary of Chapter 17 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog Summary of Chapter 17 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL.

Kabanata 17
Si Basilio
Buod

Nagulat si Sisa nang makita si Basiliong duguan. May sugat ang bata sa ulo na siyang pinaggalingan ng daloy ng dugo. Ani niya, hinabol siya sa nang guwardiya sibil at inutusang huminto sa paglakad. Dahil sa takot na siya ay parusahan pamamagitan ng paglinis ng kuwartel, kumaripas ng takbo si Basilio. Binaril siya ng guwardiya sibil nang hindi siya huminto pagtakbo.


Tinamaan ang bata ng punglo sa ulo. Sabi niya kay Sisa na naiwan niya si Crispin sa kumbento. Nabawasan ang pag-aalala ng ina sa ikalawa niyang anak. Pinakiusapan niya ang ina na huwag sasabihin ang tutoong nangyari sa kaniyang sugat. Sabihin na lang dawn a nahulog siya sa puno.

Nang tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin sa kumbento, saka lang ipinagtapat ni Basilio ang pagbibintang kay Crispin ng sacristan mayor, pati ang pagpaparusa sa bunsong anak.

Friday, August 7, 2009

Summary of Chapter 16 of NOLI ME TANGERE

 This is the Tagalog summary of Chapter 16 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL.

Kabanata 16
Si Sisa

Buod

Madilim na at ang karamihan sa mga taga San Diego ay nakahimlay nang natutulog. Sa isang maliit na kubo sa labas ng kabayanan, si Sisa ay gising pa at naghihintay. Malayo amg kanilang lugar sa kabayanan.

Hindi masuwerte si Sisa sa napangasawa. Bukod na iresponsable na ay sugarol pa at bihirang umuwi ng bahay.

Wala siyang pakialam sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang asawang si Sisa lamang ang nag-aasikaso sa mga anak na sina Basilio at Crispin. Ang kaniyang mga alahas sa pagkadalaga ay kaniya nang naipagbili para lang makatulong sa pagtataguyod ng kaniyang mga anak at asawa.

Maaari rin siyang sisihin sa hina ng kaniyang loob at pagiging martir na sanhi ng kanilang paghihirap. Hinahayaan niyang siya’y sakyan ng asawa pag ito ay umuuwi paminsan-minsan. Para sa kaniya ang asawa ay isang makpangyarihan kaniyang pagsisilbihan at susundin at ang kaniyang mga anak naman ay mga anghel na kaniyang gabay.

Thursday, August 6, 2009

Summary of Chapter 15 of NOLI ME TANGERE

This is the TAGALOG SUMMARY OF Chapter 14 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL



Kabanata 15


Ang mga Sakristan


Buod


Si Basilio at Crispin ang mga sacristang naatasang patunugin ang kampana


ng simbahan. Sinabihan sila ni Pilosopo Tasyo na hinahanap sila ng kanilang inang si Sisa para sila ay maghapunan ng masarap ng gabing iyon. Sa murang edad, napakabigat ng kanilang hirap na pinapasan.



Napagbintangan si Basilio na nagnakaw. Siya ay pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpalo. Inisip ni Crispin na hindi papayag ang kanilang inang si Sisa na sila ay nasasaktan. Sa suweldong dalawang piso isang buwan, hindi nila kayang bayaran ang halaga ng sinabing ninakaw nila. Pinagbabayad pa sila ng multa at sa buwan na yaon ay tatlong beses nang namultahan. Wala nang matitirang pambili ng pagkain nila.



Kay Crispin, naisip niyang kung marahil nakapagnakaw nga siya, madali niya itong maibabalik at sakaling hindi, may maiiwanan siya sa kaniyang inang si Sisa kung sakaling mamatay siya sa parusa sa kaniya ng kura paroko.



Kay Basilio, totoo man o hindi ang paratang ay tinitiyak niyang magagalit ang kaniyang inang si Sisa pag nalaman ang akusasyon kay Crispin na pagnanakaw.



Naniniwala naman si Crispin na paniniwalaan siya ng kaniyang ina dahil ipapakita niya ang kaniyang mga sugat at latay na sanhi ng papaparusa sa kaniya ng pari.


Ipapapakita rin niya ang gula-gulanit niyang damit na may bulsang punit at hindi maaring pagtaguan ng sinasabing ninakaw.Pati ang kaniyang pamaskong laman nito ay kinuha pa ng ganid na pari.



Ibig na ibig ni Crispin na matapos na ang kanilang problema para makauwi na sila sa kanilang tahanan. Gutom na gutom na sila dahil hindi sila pinapakain hanggang hindi naibabalik ang sinabing ninakaw.


Ang pagbibintang sa kanila ay nag-uugat sa kanilang ama na lasengero at sabungero.


Hindi namalayan ng magkapatid ang pagdating ng sacristan mayor habang sila ay nag-uusap.



Kaagad itong nagalit at pinagmumulta niya si Basilio dahil sa maling pagtugtog ng kampana. Sinabihan naman niya si Crispin na hindi pa rin ito makakauwi hanggang hindi ibinabalik ang ninakaw nitong dalawang onsa.


Pilit nangatwiran si Basilio pero sinabihan siyang hindi siya makakauwi hanggang alas diyes ng gabi. Bawal na ang maglakad ng gabi paglamaps ng alas nuwebe ng gabi kaya


Hindi makapaniwala si Basilio sa kanyang narinig.

Wednesday, August 5, 2009

Summary of Chapter 14 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL


This is the Summary of Chapter 14 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL

Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Buod
Ang tunay niyang pangalan ay Don Anastacio. Ngayon ay kilala na siya bilang Pilosopo Tasyo. Wala siyang permanenteng tirahan, Lalaboy-laboy siya sa lansangan ng walang
Tiyak na lugar na pupuntahan. Lahat ay naniniwala na siya ay baliw o may baltik sa ulo. Pumunta siya sa sementeryo para dalawin ang puntod nga kaniyang asawa.
Hindi siya nanggaling sa mahirap na pamilya. Siya ay isang matalinong tao na hindi pinagtapos ng kaniyang ina sa unibersidad sa takot na ito ay maging taong walang kinikilalang Diyos.
Nais ng kaniyang ina na siya ay maging alagad ng Diyos. Hindi niya sinunod ang kaniyang ina. Siya ay nag-asawa na lang pero namatay ang babae pagkatapos ng isang taong pagsasama. Dahil sa lungkot, ibinuhos niya ang kaniyang buong panahon sa pagbabasa ng aklat. Hindi niya namalayang dumaan ang panahon at angf pinamana sa kaniyang kayamanan ay unti-unting nawala.
May nagbabantang unos sa bayan. Nagdidilim ang langit at ang mga kidlat ay gumuguhit
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”
Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.
Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

Tuesday, August 4, 2009

Summary of Chapter 14 of NOLI ME TANGERE

This is the TAGALOG SUMMARY OF Chapter 14 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL

Kabanata 14


Si Pilosopo Tasyo

Buod

Ang tunay niyang pangalan ay Don Anastacio. Ngayon ay kilala na siya bilang Pilosopo Tasyo. Wala siyang permanenteng tirahan, Lalaboy-laboy siya sa lansangan ng walang

Tiyak na lugar na pupuntahan. Lahat ay naniniwala na siya ay baliw o may baltik sa ulo. Pumunta siya sa sementeryo para dalawin ang puntod nga kaniyang asawa.



Hindi siya nanggaling sa mahirap na pamilya. Siya ay isang matalinong tao na hindi pinagtapos ng kaniyang ina sa unibersidad sa takot na ito ay maging taong walang kinikilalang Diyos.


Nais ng kaniyang ina na siya ay maging alagad ng Diyos. Hindi niya sinunod ang kaniyang ina. Siya ay nag-asawa na lang pero namatay ang babae pagkatapos ng isang taong pagsasama. Dahil sa lungkot, ibinuhos niya ang kaniyang buong panahon sa pagbabasa ng aklat. Hindi niya namalayang dumaan ang panahon at angf pinamana sa kaniyang kayamanan ay unti-unting nawala.


May nagbabantang unos sa bayan. Nagdidilim ang langit at ang mga kidlat ay gumuguhit

Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:"Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat."

Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.

Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

SUMMARY OF Chapter 13 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL


This is the SUMMARY OF Chapter 13 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL
Kabanata 13
Mga Unang Banta ng Unos
Buod
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote

Sunday, August 2, 2009

Summary of Chapter 13 of NOLI ME TANGERE

This is the TAGALOG SUMMARY OF Chapter 12 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL

Kabanata 13


Mga Unang Banta ng Unos

Buod

Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.

Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Summary of Chapter 12 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL


This is the Summary of Chapter 12 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Buod
Isang makipot na daan na maputik kung tag-ulan at maalikabok pag tag-araw ang papunta sa sementeryo ng San Diego. Ang libingan ay nasa gitna ng taniman ng palay at napapalibutan ng pader at ng mga tanim na kawayan.
Sa gitna ng sementeryo ay may malaking krus na may nakatitik na INRI sa lumang lata na nakapako dito. Ang krus ay nakapatong sa bato at halatadong luma na.
Ang sementeryo ay madawag at tila walang nag-aasikaso dito.
Nang gabing iyon ay may dalawang tao ang naghuhukay ng paglilibingan. Ang isang lalaki ay dating sepulturero habang ang isa ay bago pa lamang sa hanapbuhay na yaon.
Siya ay walang tigil nang pagdudura at paninigarilyo habang naghuhukay.
Ikinuwento niya na lumipat sila mula sa kanilang dating tinitirhan dahil hindi niya matagalan ang inuutos sa kaniyang paghukay ng bagong libing para ilipat sa ibang lugar.
Ang sepulturero man ay nagkuwento na mayroong pinahukay sa kaniya matapos mailibing ng dalawampung araw para lang ilipat sa libingan ng mga Intsik.
Bumubuhos daw ang ulan noon at walang ilaw at kailangan pa niyang pasanin ang bangkay para madala sa ibang libingan.
Dahil umuulan at hirap siyang dalhin ang mabigat na bangkay, itinapon na lang niya ito sa lawa.
Ang nag-utos ng paghukay ng bagong namatay ay tinawag niyang Pari Garotte.