Tuesday, August 25, 2009


Summary of Chapter 35 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Chapter 35 ng NOLI ME TANGERE

Mga Usap-usapan
Mabilis na kumalat sa bayan ng San Diego ang muntik nang pagkapatay ni Crisostomo Ibarra kay Pari Damaso.

Iba’t ibang haka-haka ang sinabi ng mga nakarinig ng balita at hindi nila malaman kung sino ang masasabing may pagkakamali. Karamihan sa mga tao ay nagsabi na dapat ay naging mahinahon pa si Ibarra. Si Kapitan Martin naman ay ipinagtanggol ang binata na handa itong sumalunga sa awtoridad pag ang kaniyang ama
ang nilalapastangan.
Si Don Filipo naman ang nagsabi na maaring inaasahan ni Ibarra na tulungan siya ng mga taumbayan dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang mga ginawa. Ang kapitan ng bayan ay naniniwalang walang laban ang mga tao sa prayle dahil palagi silang tinuturing na may katuwiran.
Sinisi ni Don Filipo ang walang pagkakaisa ng mga taumbayan kaya hindi sila makalaban sa mga mayayaman at mga pari.
Ang mga babae ay takot na parusahan ng simbahan. Si Kapitana Maria lamang ang nagkalakas-loob na ipagtanggol si Ibarra bilang isang anak na pinahahalagahan ang alaala ng yumaong ama.
Nangangamba naman ang mga magsasaka na hindi na matuloy ang paaralang ipinatatayo. Ibig pa naman nilang makatapos ang kanilang mga anak. Ang simbahan daw ay hindi kasi matutuloy ang pagpapatayo dahil tinawag ng prayle si Crisostomo Ibarra ng pilibustero kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang yaon.

No comments: