This is the Tagalog summary of chapter 29 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.
Kabanata 29
Ang Umaga
Buod
Nagising ang mga tao dahil maagang naglibot ang mga banda ng musiko. Pati na ang kamapana ay rumerepeke kasabay nang pagputok ng kwitis.
Sila ay nagsipag bihis sa magagarang damit at alahas na inilalabas lang nila pag may okasyon. Si Pilosopo Tasyo ay hindi nagbihis. Nang binati siya ng tinyente mayor, sinagot siya na ang pagsasaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng kabaliwan. Pero ito ay pagtatapon ng pera at pagtakip sa mga karaingan ng nakararami. Sumasang-ayon si Don Felipo sa pananaw na ito ng matansa pero wala siyang magawa sa gusto ng kapitan at ng kura paroko.
Maraming tao sa patyo ng simbahan habang ang mga banda ay walang hinting naglilibot sa mga kalsada. Ang mga hermana mayor naman ay nag-iimbita ng mga tao para matikman ang kanilang handa.
Nagpahiwatig si Pari Damaso na ayaw niyang magsermon ng araw na iyon, Pero dahil mga tanyag na tao, mamamayang Kastila at alkalde ang magsisimba pinilit siyang magbigay ng sermon dahil siya lamang ang nakakaalam ng buhay sa San Diego.
Kaya ginamot siya ng babaeng nangangasiwa sa kumbento. Pinahiran siya ng langis sa leeg at dibdib, hinilot at binalutan ng pranela. Ang almusal niya ay itlog na binati sa alak.
Nagsimula ang prusisyon nang alas otso ng umaga. Inilawan ito ng mga matatandang dalaga na kasapi sa kapatiran ni San Francisco. Ang mga nagsisiilaw ay nakaabito na siyang nagpapakilala kung sino ang mahirap at sino ang mayaman.
Ang karo mi San Diego ay gawa sa pilak at napapamulutian ng bulaklak at sutlang mga tela. Sinusundan ito ng mga karo ni San Francisco at ang Birheng De la Paz. Sa halip na si Pari Sybila ang kasama sa prusisyon, si Pari Salvi na ang makikitang nakasunod sa mga karo. Sinasabayan ang prusisyon ng mga paputok at kwitis , awitin at tugtuging pangsimbahan.
Pagtapat sa bahay ni Kapitan Tiyago, huminto ang prusisyon. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapitan Tiyago, si Maria Clara, si Crisostomo Ibarra at iba pang mga Kastila. Hindi sila binati ng kura bagkus nagtaas lang ng ulo.

No comments:
Post a Comment