Sunday, August 9, 2009

Summary of Chapter 18 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog Summary of Chapter 18 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL


Kabanata 18
Mga Kaluluwang Naghihirap
Buod

Parang maysakit si Pari Salvi. Yon ang pakiwari ng mga manong at manang sa simbahan. Tatanungin sana nila ang kura kung sinong pari ang magsesermon sa Piyestang darating.

Ang pinagpipilian ay sina Pari Damaso, Pari Martin o ang nagsisilbing tagaayos sa mga dapat malaman ng iba’t ibang grupo.
Habang hinihintay nilang makausap si Pari Salvi, sila ay nagtalakay tungkol sa paraan kung paano maililigtas ang mga kaluluwang nasa purgatoryo. Ang indulhensiyang iniisip nila ay yong makakaligtas ng isanlibong kaluluwa.

Ang nangunguna sa mga manang ay si Manang Rufa at Manang Juana.

Dahil sa masinsinan nilang usapan, hindi nila napansin ang pagpasok ni Sisa.

May dala siyang mga sariwang gulay galling sa kaniyang halamanan. Nakasuot siya ng kaniyang pinakamagandang damit.

Iniwanan niya si Basilio sa kanilang kubo na natutulog pa.  kanilang dampa.



Dinala ni Sisa ang mga gulay sa kusina ng kumbento. Akala niya ay nandoon si Crispin. Hindi siya pinansin ng sacristan at ang mga kawaksi sa kumbento. Napilitan siyang mag-ayos ng mga dala niyang gulat sa isang lamesa.


Sinabi ng tagapagluto na maysakit ang kura nang siya ay tanungin ni Sisa. Tinanong din ni Sisa kung nasaan ang kaniyang anak na si Crispin.

Si Crispin daw ay naglayas pagkatapos na magnakaw ng dalawang onsa. Nayanig si Sisa sa balitang ito.

Pero sinabi rin sa kaniya na napaalam na sa kuwartel ang pangyayari kaya malamang na may guwardiya sibil na papunta sa kanilang dampa para hulihin ang magkapatid.

Hindi makapaniwala si Sisa. Hindi siya makapagsalita. Tinakpan niya ang kaniyang mga tainga para hindi niya marinig ang paratang sa kaniyang mga anak.

Parang sinabi na sa kaniya na nagmana ang mga ito sa kanilang ama.

Lito siyang tumakbo palabas sa kumbento. Hindi niya alam ang gagawin.

No comments: