Saturday, April 26, 2008
MAGAYON FESTIVAL-ALBAY
Magayon Festival
The Magayon Festival, though technically a festival for the whole province, is celebrated primarily in Legazpi City. The Magayon Festival derived its name from the word ‘magayon’ which translates to beautiful from Bicolano, the dominant language in the province of Albay and the adjacent regions. The festival was first enacted by the Albay’s governor and celebrated in 1998 to stimulate tourism in the province. It is basically a celebration of the province’s Catholic tradition and its unique traditional way of living thereby giving the festival a very local color which is perfect for those tourists who wants to experience Albay’s culture and heritage.
Aside from the usual Filipino way of celebrating festivals such as street dancing and communal feasting, the Magayon Festival also holds some attractions that feature and emphasizes Bicolano culture. One of such events is the regional cooking competition that aims to highlight the region’s unique culinary tradition. The contest focuses on the preparation of delicacies that are made using ingredients indigenous to Bicolano cuisine such as coconut and chili. The festivities of the Magayon Festival also include a marathon and an eco-camp, both of which are events aimed at fostering consciousness for the province’s environment, which is very much appropriate given Albay’s natural treasures such as the Mayon Volcano.
This festival is celebrated in the month of April.
source:Magayon Festival
For more about Magayon Festivals, see this.
Thursday, April 10, 2008
KUNDIMAN NG LAHI-KUNDIMAN
Kundiman ng Luha - KUNDIMAN SONG BY NICANOR ABELARDO
(KUNDIMAN)
Music & Lyrics by Nicanor Abelardo
Paraluman sa pinto ng iyong dibdib
Isang puso ang naritong humihibik
Kaluluwang luksang-luksa at may sakit
Pagbuksan mo't damayan
Kahit man lang saglit.
Tingni yaring matang luha'y bumubukal
Humihingi ng awa mo't pagmamahal
Damhin mo rin ang dibdib kong namamanglaw
Yaring pusong sa pagsinta'y mamamatay, mamamatay ay!
Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo.
Hanggang sa hukay, hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako!

Wednesday, April 9, 2008
BERNARDO CARPIO-ALAMAT SA RIZAL(2)
BERNARDO CARPIO-ALAMAT SA RIZAL(2)
Ito ang isang bersiyon ng alamat. Ang isa ay makikita dito.
Noong unang panahon, may mag-asawang mahirap na naninirahan sa isa sa maraming bundok ng San Mateo, Rizal. Nguni't sa pagdarahop nila sa buhay at sa madlang dalita na kanilang tinitiis ay may dumating na kaligayahan. Ang babae ay nanganak, isang araw, ng isang malaki't malusog na sanggol na lalaki. Bernardo Carpio ang kanilang ipinangalan sa bagong silang na sanggol.
Si Bernardo Carpio ang siyang naging kayamanan ng kanyang maralitang magulang. Katulad ng ibang bata, siya ay mahilig sa paglalaro. Nguni't may isang bagay na naging kapansin-pansin kay Bernardo, ang kanyang di-pangkaraniwang lakas.
Sinasabing nang siya'y bago pa lamang gumagapang at nagsisimula pa lamang sa pag-usad-usad, ang mga pako ng sahig na makawit ng kanyang kuko ay nangabubunot ng lahat. Sa kanyang pangangabay, ang mga kahoy na kanyang matangnan ay nangababali at nagkakadurug-durog. Gayon din naman angmga laruang ipinanlilibang sa kanya ng mga magulang ay nangawawasak at nagkakalasug-lasog sa kanyang mga palad.
Sa kanyang paglaki ay lalong nag-ibayo ang dating lakas ni Bernardo Carpio. Lumaganap ang kanyang katangian hindi lamang sa pagiging isang malakas na binata kundi sa pagiging isang makisig at magandang lalaki pa. Kasakbay ng pambihirang lakas ay ang katapangang walang pangalawa. Ano pa't ang lahat ng mga lalaki sa bayan ay talo niya sa lakas at tapang kaya ang bawat isa sa kanila ay kusang umuurong kay Bernardo Carpio.
Di katulad ng karaniwang lalaki si Bernardo ay di mahilig sa kasayahan at mga pagtitipon. Ang halina ng mga naggagandahang dalaga sa bayan ay di gaanong makaakit sa kanya. Sa halip nito, ang kinahumalingan ni Bernardo ay ang panggungubat.
Natagpuan niya ang lubusang kasiyahan sa kagubatan. Kung saan makakapal ang punong kahoy ay doon siya naglalagi. At ang lagi niyang kalaru-laro at matatalik na kaibigan ay ang mga hayop sa kagubatan.
Sa gubat na madalas niyang patunguhan ay may nakatirang isang enkantado. Ang enkantadong ito'y isang malaki't malakas na lalaki. Nguni't siya'y may ugaling mainggitin at mapanghamak. Sa madalas na pagtungo ni Bernardo sa kagubatan ay napagmalas siya ng engkantado.
Dumating din sa pandinig ng mainggitin ang kabantugan ng malaki't matipunong binata sa kalakasan.
Natitiyak ng engkantado na ang binata ay hindi mananalo sa kanya kung sila ay magsusukatan ng lakas. Isang araw, si Bernardo ay inabangan ng engkantado. Pagkakita sabinata, ito ay hinamon ng away. Ang binata ay walang inuurungang sino man kaya't dali-daling tinanggap niya ang hamon.
At sila ay naglaban. Ito ay sinundan pa ng iba't ibang paligsahan na pawang ginagamitan ng lakas. Sa lahat nang ito ang engkantado ay siyang natalo.
Sila'y naghiwalay ng lumaon. Nguni't sa puso ng talunan ay nakatago ang lihim na galit at poot sa tumalo sa kanya. Naghintay siya ng pagkakataong maipaghiganti ang tinamong pagkakatalo at kahihiyan.
Sa muli nilang pagkikita ni Bernardo, ito ay kanyang inanyayahan sa isang liblib na panig ng gubat. Sa pook na iyon ay may dalawang naglalakihang batong magkaagapay. Diumano, sa pagitan ng dalawang bato naroroon ang tahanan ng nag-aanyaya. Pinatuloy ng engkantado ang binata sa pook na iyon. Nang itong huli ay nasa pagitan na ng dalawang bato, ang engkantado ay nawalang tila kinain ng laho. At biglang-biglang ang mga bato ay umikom. Sa tulong ng kanyang matitipunong bisig, pinilit na pigilin ni Bernardo ang pag-ikom ng mga bato upang siya ay hindi maipit.
Ayon sa ating mga matatanda, hanggang ngayon ay naroroon pa si Bernardo Carpio at patuloy na pinipigil ang pag-ikom ng dalawang bato. Kapag lumilindol, sinasabing si Bernardo ay kumikilos at ibig makawala.

Tuesday, April 8, 2008
ANO ANG ALAMAT
ALAMAT
Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng
kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda
tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa banding huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.
Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula nuong unang panahon at eto ay
nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ang alamat ay pinaniniwalaan ng
maraming tao na tutoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating
panitikan o sa ating kultura.

Monday, April 7, 2008
BERNARDO CARPIO-Alamat
BERNARDO CARPIO-ALAMAT SA RIZAL
Maraming bersiyon ang ALAMAT ni BERNARDO CARPIO. Ito ang isa. Yong isang bersiyon ay makikita dito.
Nuong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila ay
mayruong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo,
Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag,
matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang kanilang
pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila ay
masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalu na tulad nilang
naghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang pook ay
inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang
umaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.
Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay
kinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin na
magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isang
malusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala ang
sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at
kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.
Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig.
Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na
niyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay muntik na siyang
mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ng
isang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang
magturo ng Kristiyanismo.
Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol,
siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang.
Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio, isang
matapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa bansang
Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay
ni Bernardo Carpio sa Pilipinas.
Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihirang
lakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyang
bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapag
isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman na
binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan
sa masukal na kagubatan ng San Mateo.
Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait,
matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa
gubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at napilay.
Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan ang
kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo
sa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan.
Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy
mula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilan
upang mabilis etong gumaling at nagsimulang nagpamalas din ng
pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayo
ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay
laging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.
Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga
karapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiis
man ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon na hindi na nila
matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan ay
nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sa
hangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa
kanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si
Bernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.
Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himaksikan
ng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si Bernardo ang
napipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g mga Kastila. Dahil sa
pambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam nilang mahihirapan
silang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpay
pa eto.
Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas ay
nabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo upang maging
matagumpay ang himaksikan laban sa mga mananakop. Dahil dito ay
gumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay inanyayahan nila si
Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang
karaingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag lamang upang sa tulong
ng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at hindi na
makapamuno sa himagsikan.
Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila ay
may nahuling isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim sa
eksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng simbahan upang
sugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng engkantado.
Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni
Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu na
sumapi sa engkantado na ititigil nila ang eksorsismo (exorcism) kung
tutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng mga
Kastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ng
agimat na taglay ng engkantado.
Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilang
inanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay
dinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila ay may nakahandang
bitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib ay
naghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis na
naglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado ang
kanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sa
pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.
Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-unting
siyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas
upang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na
lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.
Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa may
paanan ng yungib ay naramdaman nitong may masamang nangyayari
kay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan upang
humingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bago
naunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga halinghing at pag-
aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin nila ang pagkawala
ni Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahil
lagi silang magkasama.
Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangka
nila etong pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na ay sinalubong sila
ng nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at ikinapilay ng ilang
kalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-uumpugang mga bato at
nuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ng
engkantado. Sila ay nangatakot at bumalik sa kapatagan ng hindi nakita
si Bernardo.
Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naiipit ng nag-
uumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhi
eto ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.
Ang pagkawala ni Bernardo ay naging malaking dagok sa namumuong
himagsikan ng mga Pilipino dahil sa pagkawala ng isang malakas at
matapang na pinuno. Lumipas pa ang ilang taon bago muling nabuo ang
loob ng mga Pilipino na ituloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila.
Taung 1895 nang muling magpulong ang mga kalalakihan sa yungib ng
Pamitinan at duon, sa karangalan ni Bernardo Carpio, ay ginawa nila ang
unang sigaw ng himagsikan laban sa mga Kastila.
source: KATIG.COM

Labels:
Alamat,
Alamat sa Rizal,
Halimbawa ng mga Alamat,
Panitikan
PAHIWATIG -KUNDIMAN
PAHIWATIG -KUNDIMAN SONG by Nicanor Abelardo
Pahat kong puso
Sa wikang pag-ibig
Tumitibok ng
Hindi mo malirip
Ito'y Ligaya
Kaya o Sakit ?
Ang idudulot saabang dibdib?
Tanging Kagandahan
Saaking Karainga'y
Pahiwatigan lamang
Kung may pa-asa
Pang kakamtan
At kung sakali't
Mamarapatinang dulot
Kong pagigiliw
Tangi kong pooonin
Hanggang buhayko ay makitil.
At kung mamamarapatin
Ang dulot kong paggiliw
Tangi kong popoppnin
Hanggang ang buhay ko
ay makitil.
Back to Awiting Bayan
Tags:
Tagalog Songs,Tagalog Songs lyrics,Filipino singers,Filipino singers,Filipino Songs,kundiman,NicanorAbelardo,Pahiwatig

Sunday, April 6, 2008
PAKIUSAP -KUNDIMAN
PAKIUSAP LYRICS-KUNDIMAN SONG by FRANCISCO SANTIAGO
Natutulog ka man, irog kong matimtiman
Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam
Dahan dahan mutya, buksan mo ang bintana,
Tanawin mo't kahabagan,
Ang sa iyo'y nagmamahal.
Kung sakali ma't salat sa yama't pangarap,
May isang sumpang wagas,
Ang aking paglingap.
Pakiusap ko sa iyo kaawaan mo ako,
Kahit mamatay, pag-ibig ko'y minsan lamang.
Iniibig kita, magpakailan pa man.
video by maybelar
BACK TO AWITING BAYAN
Tags:
Tagalog Songs,Tagalog Songs lyrics,Filipino singers,Filipino Songs

Saturday, April 5, 2008
MUTYA NG PASIG -KUNDIMAN
MUTYA NG PASIG is a KUNDIMAN SONG BY NICANOR ABELARDO AND DEOGACIAS DEL ROSARIO.
It was a clasical musical poetry by Nicanor Abelardo which tells about the sad fate of a woman who appears in the Pasig River during full moon. The song was made a title of the movie and the music became its soundtrack.
The movie was filmed in 1950 with Jose Padilla, Jr., Delia Razon, Rebecca Gonzales, Roger Nite and Lily Miraflor in the cast.
MUTYA NG PASIG
Music by Nicanor Abelardo
Lyrics by Deogracias del Rosario
Kung gabing ang buwan
sa langit ay nakadungaw;
Tila ginigising ng habagat
sa kanyang pagtulog sa tubig;
Ang isang larawang puti at busilak,
Na lugay ang buhok na animo'y agos;
Ito ang Mutya ng Pasig,
Ito ang Mutya ng Pasig.
Sa kanyang pagsiklot
sa maputing bula,
Kasabay ang awit,
kasabay ang tula;
Dati akong Paraluman,
Sa Kaharian ng pag-ibig,
Ang pag-ibig ng mamatay,
Naglaho rin ang kaharian.
Ang lakas ko ay nalipat,
Sa puso't dibdib ng lahat;
Kung nais ninyong akoy mabuhay,
Pag-ibig ko'y inyong ibigay.
Back to awiting bayan.
Tagalog Songs,Mutya ng Pasig,Tagalog Songs lyrics,
kundiman,lyrics,Nicanor Abelardo

Friday, April 4, 2008
MADALING ARAW-KUNDIMAN
MADALING ARAW-KUNDIMAN SONG (AWITING BAYAN) by Francisco Santiago
Irog kong dinggin
Ang tibok ng puso
Sana'y damdamin
Hirap nang sumuyo
Manong Itunghay
Ang matang mapungay
na siyang tanging ilaw
ng buhay kong papanaw.
Sa gitna ng karimlan,
Magmadaling araw ka
At ako ay lawitan ng habag
At pagsinta.
Kung ako'y mamatay sa lungkot,
Nyaring buhay
Lumapit ka lang at mabubuhay
At kung magkagayon
Mutya, Mapalad ang buhay ko
Magdaranas ng tuwa dahil saiyo
Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina Irog ko at
Mahalin o ako
Mutyang mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa Ganda mo,
Madaling Araw na Sinta
Liwang ko't Tanglaw
Halina Irog ko
At mahalin mo ako
Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
at Madaling araw na.
video by maybelar
Back to Awiting bayan.
Tags:
Tagalog Songs,kumdiman,Filipino Songs,Madaling Araw

Thursday, April 3, 2008
ANAK DALITA-KUNDIMAN
ANAK DALITA lyrics -KUNDIMAN song by Francisco Santiago
Ako'y anak ng dalita
At tigib ng luha
Ang naritong humihibik
Na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit
At kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig
Saka pagdaramdam
Ay, kung hindi ka maaaba
Sa lungkot kong dinaranas
Puso't diwang nabibihag
Sa libing masasadlak
Magtanong ka kung 'di tunay
Sa kislap ng mga tala
Magtanong ka rin sa ulap
Ng taglay kong dalita
CHORUS
Sa dilim ng gabi
Aking nilalamay
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Kung ikaw ay mahimbing
Sa gitna ng dilim
Ay iyong ihulog
Puso mo sa akin
AD LIB
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Ay iyong ihulog
Puso mo sa akin
CODA
Ang iyong ihulog, ang iyong ihulog
Buhay, pag-asa, pag-asa
video from maybelar
Tags:
Tagalog Songs,,Tagalog Songs lyrics,lyrics,Filipino singers,Filipino Songs,Anak Dalita

Wednesday, April 2, 2008
ALIGUYON OR HUDHOD-IFUGAO EPIC
ALIGUYON OR HUDHOD-IFUGAO EPIC summary of the epic from IFUGAO, MOUNTAIN PROVINCE IN LUZON
Aliguyon or the Hudhud of the Ifugaos is the adventure of epic hero ALIGUYON as he fights enemy , Pambukhayon among rice fields and terraces. He also advised his people to be steadfast and learn the wisdom of warfare as well as peacemaking during harvest seasons.
The hudhud is recited and chanted among the Ifugao people - known for their rice terraces - during the sowing and harvesting of rice, funeral wakes and other rituals. Estimated to have originated before the 7th century, the hudhud - comprised of some 40 episodes - often take three or four days to recite. The language of the chants, almost impossible to transcribe, is full of repetitions, synonyms, figurative terms and metaphors. Performed in a leader/chorus style, the reciter - often an elderly woman - occupies a key position in society. There is only one tune, common to the entire region, for all of the verses. Very few written examples of hudhud exist.
sources: unesco.org

Tuesday, April 1, 2008
BIAG NI LAM-ANG-EPIKO NG MGA ILOCANO
BIAG NI LAM-ANG-a short summary of the EPIC OF ILOCOS REGION IN LUZON
BIAG NI LAM-ANG (Life of Lam-ang) is an epic of the Ilocanos that narrates the adventures of the epic hero named, Lam-ang. At a young age ,he already exhibited exraordinary powers. When he was nine months, he went to war to avange his father's death. While searching for his lady love, Ines kannoyan, he was swallowed by a big fish. He was saved and brought back to life by his rooster and friends.

Subscribe to:
Posts (Atom)