Summary ng Ibong Adarna sa Tagalog
Part 1 Summary ng mga saknong (stanzas ) na naglalahad tungkol sa kaharian ng Berbanya, hari at reyna at tatlong principe, ang pagkakasakit ng hari at ang pagsunod ni Don Pedro na hanapin ang Ibong Adarna
Talataan
Lunos-Lungkot
Matarok-maunawaan
Nililo-dinaya
Lunos-lungkot
Tumalima-sumunod
Marahuyo-maakit
Nag-aalimpuyo-nangangalit
Mayamungmong-madahon
Buod
Sa kaharian masagana at ang mga tao nabubuhay ng mapayapa na ang pangalan ay Berbanya, ang naghahari ay si Don Fernando at ang asawa niyang si Donya Valeriana.
Tatlo ang kanilang anak. Ang panganay ay si Don Pedro; pangalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan. Ang magkakapatid ay sinanay sa paghawak ng sandata nang kanilang pinili ang tumulong sa pagpapatakbo ng kaharian kaysa sa magpari.
Ang bunso ang paborito ng hari at reyna kaya nang managinip si Don Fernando na ang kaniyang anak na si Don Juan ay pinatay ng dalawang tao at inihulog sa balon, siya ay nagkasakit ng malubha.
Isang matandang manggagamot ang dumating sa kaharian at sinabing ang natataning lunas lamang ay ang awiting ng ibong Adarna na makukuha lang sa bundok Tabor.
Anang matanda, ang ibon ay humahapon sa puno ng Piedras Plata sa gabi at umaawit bago ito matulog.Sa umaga ay hindi ito matatagpuan.
Ang unang naglakbay para hulihin ang Ibong Adarna ay ang pangany na si Don Pedro.
Tuesday, March 31, 2009
Monday, March 30, 2009
Summary of Ibong Adarna Part 2 sa Tagalog
Part 2. Summary ng mga saknong (stanzas) na naglalahad tungkol sa Paglalakbay ni Don Pedro sa Bundok Tabor at ang sinapit niya sa Ibong Adarna
Talataan:
1. tumalima -sumunod
2. pinangulag-pinatayo
3. nag-aalimpuyo-nangangalit
Buod
Sakay ng kabayo, naglakbay si Don Pedro ng tatlong buwan hanggang mamatay ang kaniyang kabayo at kinailangang lumakad siya para marating ang Tabor.
Nakita niya ang marikit na puno ng Piedras Plata. Napansin niya na walang ibon ang dumadapo sa puno. Sa paghintay niya sa Ibong Adarna , siya ay nakatulog. Pitong beses, kumanta ang ibon, nagpalit ng kulay ng balahibo at nagbawas bago ito natulog sa sanga.
Si Don Pedro ay napatakan ng dumi ng engkantadang ibon na siyang nagging dahilan upang siya ay maging bato.

Sunday, March 29, 2009
Summary of Ibong Adarna Part 3 sa Tagalog
3. Summary ng mga saknong (stanzas) na naglalahad ng Paglalakbay ni Don Diego para hanapin ang kapatid at ang ibong adarna
Talataan:
1. kinipkip-dinala sa kamay
2. nakadatal-nakarating
3. napagbulay-bulay-napag-isip-isip
4. nalilingid-natatago
5. nagahis-natalo
Buod
Makalipas ang isang taon at di pa bumalik si Don Pedro, si Don Diego naman ang naglakbay para hanapin ang ibong Adarna. Limang buwan ang nakaraan sa paghanap niya ng bundok. Namatay din ang kaniyang kabayo at tulad ng kapatid na panganay ay lumakad din siya.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa Bundok ng Tabor at nakita rin niya ang puno na ang ugat ay tila ginto habang ang mga dahon ay kumikinang.
Napansin niya ang isang bato pero mas naakit siya sa mga dahon ng puno at hindi rin niya napansin ang mga kawan-kawang ibong dumaan.
Matiyaga siyang naghintay at di nagtagal ay dumating ang ibong adarna. Nakita ni Don Diego ang ibon at pinilit hulihin nang magsimula itong umawit. Sa ganda ng awit, ang prinsipe ay nakatulog. Kagaya ng kaniyang nakakatandang kapatid siya rin ay naging bato matapos siyang madumihan ng ibon pagkatapos nitong kumanta

Saturday, March 28, 2009
Summary of Ibong Adarna Part 4 sa Tagalog
4. Summary ng mga saknong (stanzas ) na naglalahad ng paglalakbay ni Don Juan para hanapin ang dalawang kapatid at ang Ibong Adarna
Talataan:
1. Subyang-tinik
2. Nawawaglit-nawawala
3. mahumaling-magkagusto
4. parurunan-pupuntahan
5. namamanglaw-nalulungkot
6. nangungulimlim-dumudilim
7. nanambitan-nakiusap
8. kapakumbabaan-kababaang-loob
9. binabagtas-tinatahak
10. namanatag-namayapa
11. matarik-mataas
12. makakaniig- makakapiling
13. namamanglaw-nalulungkot
14. datay-nakaratay
15. itinatangis-iniiyak
16. matitimyas-matatamis o magaganda
Buod
Makalipas ang tatlong taon, wala pa ring balita tungkol kay Don Pedro at Don Diego sa paghahanap ng mga ito ng Ibong Adarna. Ayaw utusan ng hari si Don Juan dahil baka matulad din itong prinsipe sa sinapit ng dalawang kapatid.
Si Don Juan ang nagpumilit dahil sa paglulubha ng ama. Tinakot niya ang ama na aalis siya nang walang paalam ag hindi siya pinayagan. Di katulad ng dalawang kapatid, hindi siya gumamit ng kabayo sa paglalakbay at nagdala lang siya ng limang tinapay. Ibig niyang magpakumbaba.
Sa daan ay nakasalubong niya ang isang matandang may leproso na humingi ng tulong sa prinsipe. Ibinigay niya ang natitira niyang tinapay . Bilang ganti, sinabi ng matanda na hanapin ang bahay ng isang tao na makakapagturo sa kaniya sa ibon.
Iniwanan ni Don Juan ang leproso at hinanap ang puno at ang bahay. Sa bahay ay nakita niya ang ermitanyo na nagbigay sa kaniya ng isang labaha at pitong dayap na gagamitin niya upang mapaglabanan ang antok habang kumakanta ang ibong adarna.
Binigyan din siya ng sintas na ginto (tali) upang siyang ipanghuli sa Ibong Adarna.
Sinunod lahat ng payo ng ermitanyo kaya nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna.
Tinulungan din ng matanda ang prinsipe para gawing tao muli ang dalawa nitong kapatid
na sina Don Pedro at Don Diego sa papamagitan ng pagbuhos ng tubig.
Pinagaling din ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan. Bago umalis ang tatlo, nagpabasbas muna si Don juan sa ermitanyo.

Friday, March 27, 2009
Summary of Ibong Adarna Part 5 sa Tagalog
Part 5 Summary ng mga saknong (stanzas) na naglalahad ng Pagtataksil ni Don Pedro at Don Diego kay Don Juan at pagbabalik nila sa kaharian ng Berbanya.
Talataan:
Umagapay-sumabay
Natalos-nalaman
Nasindak-natakot
Kauukilkil-katatatanong
Mapalugmok-mapadapa
Nag-apuhap- nag-isip, naghanap
Mapalisya-magkamali
Lilimiin-iisipin
Manukala- suhestiyon
Nalugod-nasayahan
Buod:
Habang pabalik sa kaharian, pinag-isipan ng masama ni Don Pedro si Don Juan. Kinausap niya ang kaniyang kapatid na si Don Diego na patayin nila si Don Juan upang maiuwi nila ang Ibong Adarna sa kanilang ama. Hindi pumayag si Don Diego; sa halip ay sa sinabi ni Don Pedro dahil kapatid nila ang papatayin nila.
Kahit hindi sang-ayon ay wala na ring nagawa di Don Diego nang sinabi ni Don Pedro na
na bugbugin at iwanan si Don Juan na mag-isang walang pagkain at mahina. Sa ganoon
ay mamatay din ito sa gutom at sa sugat.
Ganoon nga ang ginawa nila at sila ay matagumpay na umuwi dala-dala ang ibon.
Ang hari ay lalong nanghina sa pag-alala sa kaniyang bunsong si Don Juan.
Ang Ibong Adarna na alam kung sino talaga ang nakahuli sa kaniya ay hindi kumanta.
Hinintay niyang bumalik si Don Juan para matuklasan ang kataksilang ng dalawa niyang kapatid.
.

Thursday, March 26, 2009
Summary ng Ibong Adarna part 6 sa Tagalog
Part 6 Summary ng mga saknong (stanzas) na nagsasaad ng Pagdurusa ni Don Juan, pagtulong ng ermitanyo at pagbalik niya sa kaharian ng Berbania.
Talataan
Palamara-masama
Balintuna-kabaligtaran
Talinghaga-misteryo
Nautas-napatay
Buod
Sa pag-iisa at pagdurusa sa sakit ng mga sugat, naisip ni Don Juan ang kaniyang ama,
At ang kaniyang ina. Nagdasal din siya sa Panginoong Diyos na siya ay tulungang makita ulit ang kaniyang mga magulang kahit na naisip niya ang kasamaang iginanti sa kaniya ng kaniyang mga kapatid.
Dumating ang matanda at parang himala, ginamot siya sa kaniyang mga sugat at siya ay naging malakas ulit. Punit-punit ang damit na bumalik sa palasyo si Don Juan. Nang Makita siya ng Ibong Adarna, umawit ito ng pitong beses na nagkukuwento kung paano pinagtulungan si Don Juan ng mga kapatid na sina Don Diego at don Pedro. Sa ikapitong awit kung saan sinabi ng ibon na dapat ipamana ang kaharian kay Don Juan, gumaling ang hari at tumayo.
Kahit na inapi ng mga kapatid napatawad pa rin sila ni Don Juan at sila’y nagsama-sama sa kaharian kasama ang Ibong Adarna.

Wednesday, March 25, 2009
Summary of Ibong Adarna part 7 in Tagalog
Part 7 Summary ng mga saknong (stanzas) ng pagkawala ng Ibong Adarna at paglalayas ni Don Juan sa takot na siya ay maparusahan ng Amang Hari at pagtigil nilang magkakapatid sa Armenia.
Talataan;
Kaginsa-ginsa- hindi inaasahan
Tumahan-tumira
Matarok-maunawaan
Buod
Inutos ng hari ang pagbabantay sa Ibong Adarna. Nang gabing si Don Juan ay nagbantay, siya ay nakatulog. Pinakawalan ni Don Pedro ang ibon.
Paggising ng prinsipe at nalaman niyang nawawala ang ibon, siya ay umalis dahil alam niyang paparusahan siya ng hari.
Nang malaman ng hari na naglayas si Don Juan, ipinahanap it okay Don Pedro at Don Diego.
Si Don Juan naman ay napadpad sa Armenia kung saan siya ay natagpuan ng dalawang kapatid. Sa takot na baka malaman ng hari ang katotohanan, minabuti ni Don Pedro at Don Diego na doon na rin manatili.
Sa kanilang paglalakad, may nakita silang balon. Napagpasiyan nila na alamin kung ano ang nasa ilalim. Una at ikalwang ibinaba sa balon ay si Don Diego at Don Pedro, nguni’t sila ay natakot bago man nakarating sa ilalim.

Tuesday, March 24, 2009
Summary of Ibong Adarna part 8 in Tagalog
Part 8 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad nang pagligtas ni Don Juan sa dalawang Prinsesa na natagpuan niya sa balon at ang pag-iwan sa kaniya ng mga kapatid upang siya ay mamatay nang tuluyan.
Talataan:
Humahalimuyak- nagsasabog ng amoy na mabango
Namamangha-nagugulat
Tampalasan-malupit
Naghamok-naglaban
Magpahingalay-magpahinga
Buod
Nang si Don Juan na ang ibinababa sa balon, hindi siya tumigil hanggang hindi niya naabot ang ilalim.
Ang Higante
Pumasok siya sa isang pinto kung saan nakita niyang may daang kumikinang sa linis na tila kristal. Ang mga bulaklak ay namumukadkad at nagsasabog ng bango. na kristal at may mga bulaklak na mababango Sa isang bahay, siya ay tumawag kung may tao at nakita niya si Princesa Juana na bilanggo ng isang higante.
Hinamon ni Don Juan ang higante at napatay niya.
Si Prinsesa Leonora at ang Ahas na may Pitong Ulo
Bago sila umalis, ipinagtapat ni Princesa Juana na may kapatid siyang bilanggo naman ng malaking ahas na may pitong ulo.
Iniligtas din ni Don Juan si Princess Leonora. Tinulungan din siya ng prinsesa sa pamamagitan ng pagbigay ng isang bote na ang lamang balsamo ay kailangang ibuhos sa ulo ng ahas upang hindi ito makadikit ulit pagkatapos maputol.
Kasama si Princesa Leonora, si Princesa Juana at ang alagang lobo ni Princesa Leonora, si Prinsipe Juan ay umakyat sa balon sa tulong ng kaniyang dalawang kapatid.
Umibig si Don Pedro kay Princesa Leonora na ang pag-ibig naman ay nakatuon kay Prinsipe Juan.
Muling Pagtataksil
Bumalik si Don Juan sa balon upang kunin ang singsing na diamante ni Prinsesa Leonora na kaniyang naiwanan. Di pa man siya nakababa ay pinutol na ni Don Pedro ang lubid ng nasa sampung dipa pa lang ito.
Inhulog din ni Prinsesa Leonora ang kaniyang lobo para tulungan si Don Juan. Bumalik na sa Berbania sina Don Pedro, Don Diego, Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.
Naniwala ang hari sa kuwento ng dalawang magkapatid na patay na si Don Juan at silang dalawa ang nagligtas sa dalawang prinsesa.
Ikinasal kaagad si Prinsesa Juana at Don Diego samantalang si Prinsesa Leonora ay humingi ng palugit na pitong taon dahil sa kaniyang panata. Humingi siya ng sariling silid upang doon niya tuparin ang panatang iyon.
Pansamantalang tagumpay
Nakita ng lobo na isang engkantado ang sugatang si Don Juan. Ginamot niya ang prinsipe sa pamamagitan ng tubig na nanggaling sa Dagat Jordan. Pagkatapos gumaling si Don Juan, kinuha niya ang singsing na diamante ni Prinsesa Leonora at lumakad siya pabalik sa Kaharian ng Berbania.
Sa kapaguran, nagpahinga si Don Juan sa ilalim ng puno. Dumating ang Ibong Adarna at kumanta na nagsasaad ng pag-iisip ni Prinsesa Leonora sa kaniya subalit meron pang isang babaeng mas maganda kay Prinsesa Leonora. Siya ay si Donya Maria Blanca, anak ng Haring Salermo ng kaharian ng De los Cristal. Siya ay pinakamatanda sa tatlong prinsesa na sina Isabel at Juana.

Monday, March 23, 2009
Summary of Ibong Adarna part 9 in Tagalog
Part 9 Summary ng mga saknong (stanzas)sa Ibong Adarna na nagsasaad nang panibagong paghahanap ni Don Juan sa Kaharian ng De los Cristal at paglalakbay patungo doon sa pamamagitan ng agila
Talataan:
Ipagbabadya-sasabihin
Mamangha-magtaka
Bumukal – dumaloy
Matatap – malaman
Buod
Pagkakasalubong sa isang gusgusing matanda
Matagal nang naglalakbay si Don Juan pero hindi pa rin niya makita ang kaharian ng de
los Cristales.
Sa kaniyang kagutuman, humingi siya ng pagkain sa isang matanda na binigyan siya ng bukbuking tinapay na nang tinikman niya ay anong sarap. Ang tubig da bumbong ay tila hindi nababawasann.
Tinanong niya ang matanda ng direksiyon patungong delos Cristal, ngunit walang masabi ang matanda na nagsabing isandaang taon na siyang naglalakad ay wala pa siyang naabot ng ganoong lugar. Pinayuhan na lang na hanapin niya ang ermitanyo na maaring makapabigay sa kaniya ng tungkol sa kahariang hinahanap. Binigyan niya ng kapirasong damit na ipapakita ng prinsipe sa ermitanyo para tulungan siya.
Samantala si Prinsesa Leonora ay patuloy pa rin ang pagtangis at paghihintay kay Don Juan.
Ang Unang Ermitanyo
Matapos ang limang buwan ay nakarating si Don Juan sa ikapitong bundok kung saan nakita niya ang ermitanyo na mahaba na ang buhok sa katandaan.
Ayaw kausapin ng ermitanyo si Don Juan kung hindi niya ipinakita ang piraso ng damit na ibinigay ng matanda. Umiyak ang ermitanyo nang makita ang damit at sinabi ninyang Iyon ay damit ni Hesukristo. Humingi siya ng kapatawaran sa kaniyang mga sala.
Sinabi ng ermitanyo na limandaang taon na siya at wala pa siyang nalalamang ganoon kaharian. Sinangguni rin niya ang mga hayup kung may nalalaman sila pero wala ring masabi ang mga dumating sa kaniyang panawagan.
Sa huli ay pinayuhan niyang sumangguni sa kapatid niyang ermitanyo rin na nasa ikapitong bundok. Pinasakay niya ito sa likod ng isa niyang alaga na siyang naglipad sa kaniya sa kaniyang pupuntahan.
Ikalawang Ermitanyo
Katulad ng naunang ermitanyo, ayaw ding makiusap ang walongdaang taon na ermitanyo kung hindi ipinakita ni Don Juan ang piraso ng damit ni Jesus.
Tinanong din ng ikalawang ermitanyo ang mga hayup kung alam nila ang de los Cristal na kaharian. Isang agila ang nakapagsabi kung nasaan yon.
Pinasakay siya sa likod ng agila at naglakbay sila nang isang buwan.
Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los Cristal, pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na naliligo sabay-sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.

Sunday, March 22, 2009
Summary of Ibong Adarna part 10 in Tagalog
Part 10 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad nang pagkikita ni Don Juan at ni Prinsesa Maria Blanca.
Talataan:
Nangaduhagi- nangatalo
Tumangan-humawak
naraig-natalo
Buod
Ang Pagkikita ni Prinsea Maria Blanca at Don Juan
Tulad nang sinabi ng agila, dumating ang tatlong prinsesa sa anyong kalapati pagsapit ng ikaapat ng madaling-araw. Hinintay ni Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria Blanca. Nang naliligo na ang prinsesa ay itinago ni Don Juan ang damit nito at hindi inlilabas hanggang makalipas ang isang oras at nagpupuyos sa galit and dalaga.
Nagpakumbaba ang prinsipe sa paghingi ng tawad sa prinsesa na naawa naman sa binata at kaniya nang pinatawad matapos itong magpakilala na siya ay mula sa kaharian ng Berbania.
Nagpahayag si Don Juan ng pag-ibig kay Prinsesa Maria Blanca. Ipinaliwanag ng prinsesa ang haharapin niyang pagsubok mula sa ama niyang Haring Salermo na gigising pagdating ng ikalima ng umaga.
Ipinakita niya na ang mga bato na nakapaligid sa kanila. Sila raw ay mga prinsipe, konde at mga kabalyero na tinalo ng kaniyang ama at ginawang bato ang katawan.
Dahil sa gusto na rin ng prinsesa si Don Juan, tinuruan niya ito kung anong gagawin pag nakita ang kaniyang ama. Una huwag niyang tatanggapin ang imbitasyon sa palasyo.
Sundin niya lahat ang iuutos sa kaniya at ang prinsesa ang gagawa ng paraan upang iyon ay matupad.
Sabay-sabay na umalis ang mga prinsesa na nag-anyo ulit na kalapati.

Saturday, March 21, 2009
Summary ng Ibong Adarna Part 11 in Tagalog
Part 11 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad nang pagsubok kay Don Juan ni Haring Salermo .
Talataan:
Mapakilangkap- maisama
Ginapas-inani
Buod
Nagising nga ang hari at itinanong kay Don Juan kung ano ang pkay niya sa de los Cristal. Kagaya nang sinabi ni Prinsesa Maria Blanca, sinabi niya na gusto niyang mag-asawa sa isa sa mga prinsesa.
Nang inimbita siya sa palasyo ay tumaggi siya pero tinanggap niya lahat ang pagsubok nqa ibinigay ng Hari.
Unang pagsubok ay ang pagpantay ng bundok kung saan itatanim ang trigo na pinakuha niya sa kaniyang mga utusa. Itatanim ni Don Juan ang trigo, patutubuin, gagapasin, gagawing arina para malutong tinapay na siyang kakainin sa almusal ng hari.
Sa pamamagitan ng puting mahika ni Prinsesa Maria Blanca, nagawa ni Don Juan ang iunots ni Haring Salermo. Kinabukasan namangha siya nang makita niya ang tinapay mula sa trigo.
Ikalawang Pagsubok
Pinakawalan ni Haring Salermo ang alaga niyang mga Negrito mula sa kinakulungang nitong malaking bote sa malawak na karagatan.
Utos kay Don Juan ay ibalik ang labindalawang Negrito sa bote kinabukasan paggising niya.
Muli ay tinulungan ni Princesa Maria Blanca ang prinsipe kaya kinabukasan ay namangha ang hari sa pagkakatupad ng kaniyang utos.
Ikatlong Pagsubok
Isang bundok ang hiniling ni Haring Salermo na pagalawin para makita niya kinabukasan sa harapan ng kaniyang bintana.
Ginawa ni Prinsesa Maria Blanca ang utos ng hari para kay Don Juan. Napg-isip-isip ang hari at ang kaniyang konseho na mas may alam ang lalaking ito kaysa sa mga naunang naghangad na mapakasal sa prinsesa.
Ikaapat na pagsubok
Inutos niya kay Don Juan na ang bundok na inilapit niya sa bintana ay dalhin sa karagatan at gawing kastilyo. Ibinigay niya ang mga gusto niyang makita sa kastilyo.
Inutos din niya ang paggawa ng daan mula sa palasyo hanging doon sa kastilyo.
Ginawa ulit ni Prinsesa Maria Blanca ang imposible utos ng hari kay Don Juan.
Ikalimang pagsubok
Habang kasama si Don Juan sa kastilyo, inisip ng hari kung saan kumukuha ng kapangyarihan ang prinsipe.
Sa pagiinspeksiyon ng kastilyo, nahulog ang sing sing ng hari sa karagatan.
Ang ikalima niyang utos ay pag-alis sa kastilyo sa karagatan at pagbalik sa bundok
sa dati nitong kinalalagyan.
Ang lahat ng ito ay madali lang nagawa ni Prinsesa Maria Blanca.
Ikaanim na Pagsubok
Angikaanim na utos ay ang paghanap ng singsing na nawala sa karagatan. Kinailangan ang tulong ni Don Juan para ito maisakatuparan ni Prinsesa Maria Blanca.
Sumakay sila sa isang batya at inutusan niya ang prinsipe na tadtarin ang katawan niya. Sumunod naman ang prinsipe. Nang matadtad ay naging maliliit na isda ang prinsesa.
Sa unang ahon ng daliri Prinsesa Maria na hawak ang singsing, walang kumuha sa singsing kasi nahimbing si Don Juan. Sa ikatlong pagbalik niya at tulog pa rin ang binata, bumalik siya sa katawan niyang tao at muling inutusan si Don Juan na siya ay tadtarin at abangan ang kaniyang paglutang ng kaniyang daliri na may hawak ng singsing.
Dahil sa pagkakamali sa pagtadtad, tumilamsik ang isang dulo ng daliri ng prinsesa. Ito ang sinabi niyang maaring palatandaan niya sa darating na araw.
Naibalik ni Prinsesa Maria Blanca ang singsing sa ilalim ng unan ng hari bago ito nagising.
Ikapitong Pagsubok
Hindi talaga sumuko ang hari sa pagsubok sa prinsipe. Ang sumonod na utos ay ang pagpapaamo sa isang kabayo.
Nalaman ni Don Juan na ang kabayong yaon ay mismo ang hari at ang dalawang nagpapatakbo ay ang dalawa niyang kapatid samantalaong siya ang makakapagpahinto sa kabayo.
Sinabihan niya na huwag huminto ng pananakit sa kabayo hanggang hindi ito lumuha at mapagod.
Sa huli ay tinanggap na rin ni Haring Salermo na mas may kapangyarihan si Don Juan.

Friday, March 20, 2009
Summary ng Ibong Adarna Part 12 in Tagalog
Part 12 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad ang pagpili ni Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca, ang pagtakas nila at ang pagtatagisan ng mahika
ni Haring Salermo at ni Prinsesa Maria Blanca .
Talataan:
Natanto- nalaman
Nangamba-nag-alala
Mapaluwal-mapalabas
Buod
Ang Pagpili ng mapapangasawa
Walang nagawa ang Hari kung hindi payagang pumili nang mapapangasawa si Don Juan sa kaniyang tatlong prinsesa.
Hindi inilantad ang mga mukha ng tatlong prinsesa pero napili ni Don Juan si Prinsesa Maria Blanca dahil sa kulang ito ng isang daliri.
Nagpasya ang hari na ipadala sa kapatid niya sa Englatera ang dalawa upang siya ang magdesisyon kung ipapakasal ang dalawa o hindi. Pag hindi nagustuhan si Don Juan ay papatayin siya ng kapatid ng Hari.
Ang Pagtakas sa delos Cristal
Nalaman ito ni Prinsesa Maria Blanca kaya nag-isip itong tumakas. Inutusan niya si Don Juan na kunin ang ikapitong kabayo mula sa kuwadra pero sa pagmamadali niya ay ang ikawalong kabayo ang nahila niya. Nakita kaagad ng prinsesa ang mali kaya minadali na niya ang pagtakas. Pero nalaman ng Hari ang kanilang balak at hinabol niya ang dalawa.
Ang Paglalaban ng mahika ni Prinsesa Maria Blanca at ang kapangyarihan ni Haring Salermo
Sa pagkakamali ni Don Juan, ang kabayong nakuha ay hindi makatakbo nang matulin kaya itinapon ni Prinsesa ang karayom niya at ginawang mga pako sa daanan ng kaniyang amang humahabol. Huminto ang hari ng dalawang araw para lang malinis ang
dadaanan.
Muling humabol ang hari at nang malapit nang maabutan ang prinsesa at si Don Juan, itinapon ni Maria Blanca ang kaniyang sabon na naging bundok ng bula. Hindi makahabol ng hari at mga kawal nito kaya sila ay lumigid sa bundok.
Nang maramdaman ng prinsesa na malapit na naman silang abutan ng humahabol, gumawa siya ng karagatan na siyang nakapahinto sa kaniyang amang humahabol.
Benindisyonan niya ang anak at isinumpa na makakalimutan ito ni Don Juan pagdating si Berbania. Sa sama ng loob ang hari ay namatay.
Nakarating sa Berbania sina Prinsesa Maria Blanca at tulad ng sinabi ng Hari, iiwanan ang prinsesa sa labas ng kaharian. Sinabihan ng prinsesa na huwag magpapalapit sa babae ang prinsipe, kahit sa ina nito dahil makakalimutan siya.

Thursday, March 19, 2009
Summary ng Ibong Adarna Part 13 in Tagalog
Part 13 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad ng pagpapakasal ni Don Juan kay Prinsesa Leonora at pagpapaalala kay Don Juan tungkol sa delos Cristal at ang mga ginawa ni Prinsesa Leonora
Buod
Pag pasok sa kaharian ni Don Juan ay luamabas kaagad si Prinsesa Leonora at lumapit sa kaniya. Agad nakalimutan ng prinsipe ang iniwanang si Prinsesa Maria Blanca.
Ipinagtapat ni Prinsesa Leonora na mahal niya si Don Juan at hindi ang tampalasang si Don Pedro.
Itinakda kaagad ng hari ang kasal nila kinalingguhan. Samatala, naghintay si Prinsesa Maria Blanca ng tatlong araw. Nalaman niya sa balita na pakakasal si Don Juan sa Linggong darating.
Kumuha siya ng isang magarang karosa, nagsuot siya ng magarang damit at dumalo sa kasal.
Inihinto muna ni Haring Fernando ang kasal para makapagpakita ng sayaw at laro ang Emperatris na dumating.
Ang naglalaro ay isang negrito at negrita na siyang nag-papaalala sa negrito sa mga nangyari habang pinapalo ito ng negrita ng suplina pagkatapos sumayaw.
Sa huli at hindi pa rin maalala ni Don Juan kung sino si Prinsesa Maria Blanca ay binalak nitong basagin ang malaking bote sa tinding galit.
Dito naalala ni Don Juan kung sino ang emperatriz at siya ay himingi ng tawad. Hiniling niya sa ama na pakakasalan niya si Prinsesa Maria Blanca st hindi si Prinsesa Leonora.

Wednesday, March 18, 2009
Summary ng Ibong Adarna Part 14 in Tagalog
Part 14 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad ng pagpapakasal ni Don Pedro kay Prinsesa Leonora at ni Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca
Buod
Nagpaliwanag si Prinsesa Leonora tungkol sa pagligtas sa kaniya ng prinsipe at ang pagtangkang pagpatay ng mga kapatid kay Don Juan nang iniwan ito sa balon.
Ang Haring Fernando ay nagpasiya na ipakasal si Prinsesa Leonora kay Don Juan.
Si Prinsesa Maria Blanca naman ang nagsalaysay kung paano niya iniligtas ang buhay ni Don Juan sa kamatayan mula sa makapangyarihan niyang ama.
Naguluhan ang hari kaya ito ay sumangguni sa Arsobispo na sinabi naman na dapat ay pakasalan ni Don Juan si Prinsesa Leonora dahil ito ang unang nagging katipan.
Nagalit si Prinsesa Maria Blanca kaya itinapon niya ang tubig na nasa malaking bote. Bumaha sa palasyo at natakot ang mga tao.
Nagpasya si Don Juna na siya ay pakakasal kay Prinsesa Maria Blanca.
Sumangguni ulit ang hari sa arsobispo na nagpasyang magkaroon ng dalawang kasalan, sina Don Pedro at Prinsesa Leonora at si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca.
Tinaggihan ni Prinsesa Maria Blanca ang setro at korona dahil meron din siyang kaharian.
Ang setro at korona ay napunta kay Don Pedro at Prinsesa Leonora.
Tapos magpaalam ay bumalik na sa kaharian ng de los Cristal si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca.
Ang mga tao sa kaharian na ginawang hayup at baton g malupit na hari ay ibinalik nila sa kanilang taong anyo.
Namatay na rin ang mga kapatid ni Prinsesa Maria Blanca.
Kaya silang mag-asawa ang nagging bagong emperador at emperatriz sa nasasakupan nila.
The End

Subscribe to:
Posts (Atom)