Part 10 Summary ng mga saknong (stanzas) sa Ibong Adarna na nagsasaad nang pagkikita ni Don Juan at ni Prinsesa Maria Blanca.
Talataan:
Nangaduhagi- nangatalo
Tumangan-humawak
naraig-natalo
Buod
Ang Pagkikita ni Prinsea Maria Blanca at Don Juan
Tulad nang sinabi ng agila, dumating ang tatlong prinsesa sa anyong kalapati pagsapit ng ikaapat ng madaling-araw. Hinintay ni Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria Blanca. Nang naliligo na ang prinsesa ay itinago ni Don Juan ang damit nito at hindi inlilabas hanggang makalipas ang isang oras at nagpupuyos sa galit and dalaga.
Nagpakumbaba ang prinsipe sa paghingi ng tawad sa prinsesa na naawa naman sa binata at kaniya nang pinatawad matapos itong magpakilala na siya ay mula sa kaharian ng Berbania.
Nagpahayag si Don Juan ng pag-ibig kay Prinsesa Maria Blanca. Ipinaliwanag ng prinsesa ang haharapin niyang pagsubok mula sa ama niyang Haring Salermo na gigising pagdating ng ikalima ng umaga.
Ipinakita niya na ang mga bato na nakapaligid sa kanila. Sila raw ay mga prinsipe, konde at mga kabalyero na tinalo ng kaniyang ama at ginawang bato ang katawan.
Dahil sa gusto na rin ng prinsesa si Don Juan, tinuruan niya ito kung anong gagawin pag nakita ang kaniyang ama. Una huwag niyang tatanggapin ang imbitasyon sa palasyo.
Sundin niya lahat ang iuutos sa kaniya at ang prinsesa ang gagawa ng paraan upang iyon ay matupad.
Sabay-sabay na umalis ang mga prinsesa na nag-anyo ulit na kalapati.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment