Sunday, August 9, 2009

Summary of Chapter 19 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog Summary of Chapter 19 of  NOLI ME TANGERE.

Kabanata 19
Mga Suliranin ng Isang Guro
Buod

Ang lawa ng San Diego  ay napapaligiran ng mga bundok kaya kahit na may malakas na bagyo, hindi ito naapektuhan.

Dito makikita na nag-uusap si Crisostomo Obarra at ang isang lalaki na isang guro.

Alam ng lalaki kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael na ama ni Ibarra. Kasama raw si Tinyente Guevarra nang itapon ito sa isang bahagi ng lawa.

Sinabi niya na wala siyang magawa kahit na malaki ang utang na loob nito sa matanda.


Si Don Rafael ang tumulong sa kaniya sa mga kailangan niya sa pagtuturo noong bagong dating lang siya sa San Diego.


Ang mga mag-aaral ay walang sapat na magagastos sa paaralan.
Ang mga magulang at pamahalaan ay walang pakikipag tulungan na makikita.

Walang sapat na libro na nasusulat sa Kastila  para magamit ng mga mag-aaral.

Wala ring sapat na paaralan kung saan maaring ganapin ang klase kaya karaniwan ay ginagamit nila ang silong ng kumbento.
Pag naingayan ang kura ay nagagalit ito at sinisigawan ang mga
bata at guro.

Kinuwento ng guro na kinakitaan niya ng malaking pagbabago ang mag-aaral sa  wikang Kastila. Si Pari  Damaso ay hindi sang-ayon sa pagtuturo ng Kastila sa  itinuturing niyang mangmang. Ibig ng kura na pag-aralan lang nila ang Wikang Tagalog.


Ang paniniwala ni Pari Damaso ay ang guro ay katulad ng isa pang taong  nagngangalang Maestro Circuela. Ayon sa pari, ito raw ay hindi marunong magbasa pero nakapagtayo ng paaralan.

Inutusan ni Pari Damaso na hintuan ng guro ang pagtuturo ng Wikang Kastila sa mga mag-aaral. Sumunod naman ang guro kay Pari Damaso pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral ng wikang Kastila kahit na lang sa kaniyang kapakanan.

Hindi lang sa pagtuturo nakikialam si Pari Damaso. Maging sa pagdisiplina sa mga bata ay inuutusan siyang gamitin ang pamalo
nang malaman nitong itinigil niya ang paggamit nito sa paniniwalang hindi ito mabisa sa pagtuturo.

Ayaw man niyang sundin ang pari ay napilitan na rin siya dahil mismong mga magulang  ang gusto na ang kanilang mga anak ay disiplinahin.

Nagkasakit ang guro dahil sa ayaw niya ang iniuutos sa kaniya.
Nang bumalik sa galing sa pagkakasakit, kaunti na lang ang inabutan niyang mag-aaral pero wala na si Pari Damaso.

Nagkaroon siya ng bagong pag-asa kaya isinalin niya sa wikang Tagalog ang mga aklat na nakasulat sa wikang Kastila.

Idinagdag pa niya ang katesismo, pagsasaka at kagandahang asal na nakasaad sa Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas.

Ang bagong kura ay walang pinakialaman kung hindi ang pagtuturo ng relihiyon na dapat daw ay unahin.

Nangako si Ibarra na tutulong sa guro. Dadalo siya sa pagpupulong ng tribunal  sa panyaya ng Tinyente Mayor.

No comments: